"Matagal ko ng sinukuan ang aking buhay."
Nagulat si Aurus sa naging pahayag ni Gaia. Nasaksihan niya ang lungkot sa mga mata nito ng tumingin siya.
"Why?" Napalis ang lungkot sa mata nito ng magtanong siya at bumalik sa matigas nitong ekspresyon. Isang matigas na maskara na nagtatago sa totoo nitong nararamdaman.
"We have a problem," sambit nito habang nakatingin sa kanilang unahan.
"Sh't!" Sambit niya ng makita ang tinutukoy nitong problema.
Naroon ang mga tauhan ni Sigmundo at isa-isang tinitingnan ang mga dumadaang sasakyan.
"Kailangan nating itago si Brie," sambit niya. "Huwag mong itigil ang karwahe. Maghihinala sila," pigil niya ng hilahin nito ang renda ng kabayo.
"Do you have a better plan?"
"Yes," Inagaw niya ang renda ng kabayo rito. "Pumasok ka sa loob. Buhatin mo si Brie. Kailangan mong umarte,"
Naguguluhan itong tumingin sa kanya.
"Basta sundin mo ako!" Mukhang hindi pa rin ito kumbinsido sa sinabi niya. "Kahit ngayon lang, pagkatiwalaan mo ako." May pakiusap niyang sabi.
Nakahinga siya ng maluwag ng sumunod ito. Tulad ng kanyang sinabi, binuhat nito ang bata kaya nagising ang huli.
"Ina?" Nagtatakang sabi ni Brie. "Ano pong nangyayari?" Baling nito sa kanya.
"We will play, Brie." Nakangiti niyang sabi rito. Kunot-noo namang nakatingin sa kanya si Gaia.
"Ano pong laro?" Excited nitong tanong.
"We'll play like a family,"
Bumuntong hininga si Aurus. Dalawa na ang naguguluhang nakatingin sa kanya. Tumingin siya sa direksyon ng mga tauhan ni Sigmundo. Tatlong sasakyan na lang makakarating na sila sa tapat nito.
"Kunwari siya ang Mama mo at ako ang Papa mo. Iiyak ka kapag malapit na tayo roon," turo niya sa direksyon ng mga nag-iinspeksyon na lalaki. "Sumigaw ka na parang nasasaktan, hihingi ka ng tulong sa amin ng Mama mo. Ikaw naman Gaia, patitigilin mo siya sa pag-iyak tapos ako, makikiusap sa mga lalaki na kung maaari magmadali sila sa pagchecheck para dalhin ka namin sa pagamutan. Kapag pumayag sila, makakatakas na tayo."
Tahimik naman ang dalawa pagkatapos niyang magpaliwanag. Nakatingin lang ang mga ito sa kanya. Isa lang ang ibig sabihin n'on, sang-ayon ang dalawa sa sinabi niya.
"Lame." Nalukot ang mukha ni Aurus sa reaksyon ni Gaia.
"Laro po ba 'yon?" Nagtatakang tanong naman ni Brie.
"Akala ko pa naman maganda ang nasa isip mo," umiiling na sabi ni Gaia.
"Kasama po ba nila 'yung mga lalaking may hawak sa aking larawan kanina?" Muling tanong ng bata.
"Yes," sagot ni Gaia.
"Baka hinahanap po nila ako. Magtatago na lang ako rito," turo nito sa tila isang kahon sa loob ng karwahe. Nagmistulang upuan lamang iyon sa loob.
Hindi niya napansin iyon kanina.
"S-sige, tiisin mo na lang ang init hanggang makalampas tayo." Iwas tingin niyang sang-ayon. Hindi pasado ang plano niya para sa dalawa.
Tinulungan itong pumasok ni Gaia sa box bago ito umupo roon. Nag-focus naman siya sa pagrerenda ng kabayo.
"Tigil!" Maangas na sigaw ng lalaking humaharang sa mga sasakyan. "Bumaba ka!" Utos nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kingdom Warrior Series 1: Mark of the QUEEN
ActionFighting is required. Killing is a choice. How will you face a situation where killing is required? Simula pagkabata iniiwasan na si Gaia ng lahat dahil sa kakaibang marka sa kanyang mata. Iniisip nila na isa iyong sumpa at isa siyang malas na dapa...