Chapter 17

690 48 1
                                    

"Ina!!!" Malakas na iyak ni Brie ng makitang nalaglag sa tubig si Gaia. "Tulungan nyo siya!" Pagwawala ng bata.

Nilapitan naman ito ni Trey nang makalabas sa formation. Kinuha niya ang bata sa pagkakahawak ng kapatid nitong si Animfa.

"Gaia!" Malakas na sigaw ni Aurus at diretsong tumalon sa tubig ng makawala ito sa pagkakatali. 

Tumahimik ang paligid. Pawang naghihintay kung anuman ang maaaring mangyari.

"Ano nang mangyayari ngayon?" Tanong ni Trey sa kapatid.

Tulala itong nakatingin sa formation ganoon din ang mga kasama nito.

"Hindi ko alam," umiiling nitong sagot. "Namatay si Gru at tumalon sa tubig ang napiling kabiyak ng pinuno bago pa matapos ang ritwal. Siguro ito na ang katapusan ng aming tribo." Malungkot nitong dugtong.

"May natira pa rin sa loob ng formation, wala bang silbi iyon?" Muling tanong ni Trey. Hinahaplos nito ang likuran ng humihikbing bata.

"Wala 'yung kwenta dahil ang pag-iisang dibdib na ito ay sa pagitan ng aming pinuno at napili nitong kabiyak. Hindi iyon naaangkop sa taga-labas,"

"Anong patunay kung nagtagumpay ang ritwal?" Muling tanong ni Trey. 

"Ang pamumukadkad ng kulay abong bulaklak, ang krandular."

"Krandular? 'Di ba matagal ng wala ang halamang iyon?" 

Huminga ng malalim si Animfa. 

"Ang ugat ng krandular ay nananatiling buhay sa tubig na 'yan ngunit ilang taon na itong hindi namumulaklak. Kapag umabot ng tatlumpung taon at hindi pa rin ito namumulaklak, iyon ang katapusan ng aming tribo. Lalaganap ang karamdaman, maghihirap ang mamamayan, babagyuhin ang mga halaman hanggang tuluyang mawala ang aming samahan. Ngayon ang huling taon na umaasa ang lahat na mamulaklak na ito, ngunit malabo na iyong mangyari." Halata ang kalungkutan nito dahil hanggang ngayon hindi pa rin nagpapakita ang senyales ng bulaklak.

Naawa si Trey sa sasapitin ng tribo. Kaya siguro ayaw pumayag ng kanyang Ina na sumali sa samahan ang kanyang kapatid ay dahil sa sasapitin ng tribo ngayon. Nanghihinang lumuhod sa lupa ang mga Amazonas. Binitawan ng mga ito ang mga armas at itinaas ang mga kamay sa kalangitan.

"Mahal na Anito! Bigyan mo po kami ng isa pang pagkakataon! Gagawin namin ang lahat para muling masilayan ang bulaklak ng krandular! Pakiusap!" Sigaw ng Isa habang nakatingin sa nagdidilim na langit. Nagtatago na ang buwan na kanina'y nagbibigay ng sobrang liwanag sa kapaligiran.

Mas dumilim ang kalangitan. Nagulat ang lahat ng gumuhit ang matalim na liwanag kasabay ng malakas na pagkulog. Umihip ang malakas na hangin.

"Nagsisimula na ang delubyo!" Umiiyak na sigaw tribo.

Prinotektahan ni Trey ang bata sa lakas ng hangin. Hinila rin niya ang kapatid upang magkubli.

"K-kuya, hindi ko pinagsisihan na sumali ako sa tribo ng Amazonas. Kahit anong mangyari, hindi ko iyon pinagsisisihan."

Niyakap ni Trey ang nag-iisang kapatid. Nauunawaan niya ito sapagkat ganoon din ang ginawa niya ng mag-volunteer para maging guard sa Doom's gate. Kahit wala na siya roon, hindi niya rin pinagsisihan ang ginawa. Masaya siya sa mga alaala kasama ng mga naging kaibigan niya roon.

"Gaia, wake up!" Dumagundong ang malakas na boses ni Aurus sa buong lugar ng umahon ito sa tubig. Tila nakipagsabayan ito sa malalakas na kulog. "Please, wake up!"

Nang marinig iyon ng bata, nagpumiglas ito sa pagkakabuhat niya.

"Ina!!!" Iyak nito habang nakatingin sa direksyon ni Aurus at Gaia. "Pupuntahan ko si Ina!" Pagwawala ng bata.

Kingdom Warrior Series 1: Mark of the QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon