"Aabutin kayo ng dilim sa daan kapag umalis kayo ngayon. Mas mabuti pa siguro kung bukas na lang kayo magpatuloy sa pupuntahan nyo," sambit ng Ama ni Liberty.
"Sasamahan ko na lang sila Itay hanggang makalabas sila sa Riyam. May alam din po akong pwede nilang tuluyan para magpalipas ng gabi," presenta ni Liberty sa Ama.
"Kung ganun, hindi ko na kayo pipigilan. Pero hindi ko hahayaang umalis ang binatang ito. Hindi pa malakas ang kanyang katawan," tukoy nito kay Trey.
Sumang-ayon na lang sila at muling sumakay sa karwaheng ibinigay ng division leader.
"Mag-ingat kayo. Hanggang sa muli nating pagkikita," paalam ni Trey sa kanila.
Tahimik lang si Gaia habang na sa byahe sila. Hindi pa rin mawala sa kanyang isip kung sino ang lalaking nagpadala ng mensahe sa kanya.
"Ina, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Brie sa kanya.
"Brie, may kilala ka bang Xian?" Tanong niya sa bata. Isa ito sa pamilya ng Gentry kaya siguro may nalalaman ito sa tao mula sa Kastilyo.
"Wala po,"
"Xian? Xian ba ang sinabi mo?" Tanong ni Liberty.
Tumango siya dahil parang may kilala itong ganitong pangalan.
"Maraming ganyang pangalan sa Forbideria pero isa lang ang sikat sa kanilang lahat. Iyon ay walang iba kundi si Prinsipe Xian."
"Prinsipe?"
"Oo, pero imposibleng si Prinsipe Xian ang tinutukoy mo. Hindi naman iyon lumalabas sa Kastilyo. Naging matunog lang ang pangalan niya ng manalo siya sa kumpetisyon ng unang dibisyon. Baka naman iyong Manong na nagtitinda ng mga tela, Xian din ang pangalan noon. Meron din naman na tambay sa kanto, Xian din iyon. Tapos 'yung isa ko pang kilala na Xian, medyo maayos 'yon at laging bagong ligo. Kaya lang, parang may tama sa utak. Palagi kasing tungkol sa mga moon, stars at universe ang sinasabi."
"Tungkol ba 'yan sa ibinigay na papel ni Trey?" Seryosong tanong ni Aurus na siyang nagrerenda ng kabayo.
"Hayaan nyo na lang iyon," sagot niya bago ipikit ang mga mata.
"Hindi ko talaga akalain na isang babae ang Premier guard. Biruin mo 'yun sikat na sikat ka rito pero walang nakakaalam sa totoo mong pagkatao. Nakakahanga talaga," muling sabi ni Liberty.
"Ate Liberty, nagpapahinga po si Ina. Maaari po bang tumahimik ka muna?" Magalang na sabi ni Brie.
"Sorry. Kay Ginoong Aurus na lang ako makikipag-usap," sambit nito.
Nanatiling nakapikit si Gaia. Iniiwasan niyang isipin ang tungkol sa Xian na iyon pero hindi niya maiwasang marinig ang pag-uusap ni Liberty at Aurus.
"Ginoong Aurus, napag-isipan mo na ba ang tanong ko sa'yo kanina?"
"Alin doon?"
"Iyong tungkol sa responsibility na sinasabi mo? Paano mo siya naging responsibilidad? Kung hindi mo ba inako ang responsibilidad na iyon, mananatili ka ba sa tabi niya?"
Umayos ng upo si Gaia at nagmulat ng mata ng marinig ang topic ng dalawa. Nakatalikod ang dalawa sa kanyang direksyon pero nararamdaman niyang siya ang tinutukoy ni Liberty.
"Maybe I'm not here," sagot ni Aurus.
"Talaga? Nasaan ka sana kung wala ka rito?"
"Somewhere far from here."
"Bakit mo ba inako ang responsibilidad na 'yun? Sinabi ba niya sa'yo na gawin iyon?" Muling tanong ni Liberty.
"No. I'm doing this for someone,"
BINABASA MO ANG
Kingdom Warrior Series 1: Mark of the QUEEN
ActionFighting is required. Killing is a choice. How will you face a situation where killing is required? Simula pagkabata iniiwasan na si Gaia ng lahat dahil sa kakaibang marka sa kanyang mata. Iniisip nila na isa iyong sumpa at isa siyang malas na dapa...