Chapter 47

610 47 0
                                    

Sunod-sunod na katok sa pintuan ng kulungan ni Guardian Flora ang narinig ng matanda.

"Guardian Flora!" Nagmamadaling tawag ng na sa labas.

"A-anong nangyari?"

"Patawad. Nabigo po ako. Hindi ko nagawang ibigay ang hudyat sa mga guardians. Naunahan nila ako,"

Mas lalong nanghina si Guardian Flora sa kanyang narinig.

"Nasaan ang Kamahalan?"

Hindi agad narinig ni Guardian Flora ang boses ng na sa labas.

"L-ligtas ba siya?" Muli niyang tanong.

Nabaling ang paningin ni Guardian Flora sa pintuan ng bigla iyong bumukas. Sa loob ng labing anim na taong pagkakakulong, ngayon pa lang bumukas ang pintuan ng Tore. 

Nagulat siya ng makita ang hindi inaasahang tao. Hawak ng dalawang kawal ang lalaking kausap niya lang kanina.

"Hanggang ngayon palihim pa rin kayong nagkikita, Flora." Nakangising sabi ng bagong dating.

Hindi niya akalain na buhay pa ang taong ito. 

"P-pluto!" Gulat niyang sabi.

Malakas itong tumawa at lumapit sa kanya. Hinampas siya nito ng tungkod kaya natumba siya sa sahig.

"Guardian!" Nagpumiglas ito sa pagkakahawak ng dalawang kawal.

Binalingan naman ito ni Pluto. Tinusok nito ang tungkod sa tiyan ng lalaki.

"S-sigmundo!" Nanghihinang tawag ni Guardian Flora sa lalaki habang nakadapa sa sahig. 

"Hanggang ngayon baliw ka pa rin sa kanya, Sigmundo. Siya ang dahilan kaya babagsak ka ngayon! Tinalikuran mo ang sinumpaan mong tungkulin dahil sa kanya!"

Napaluhod si Sigmundo ng idiin ni Pluto ang tungkod sa tiyan nito.

"K-kahit kailan, hindi ko tinanggap na pagsilbihan ka Pluto... Argh!" Daing ni Sigmundo ng hampasin siya ni Pluto.

"Wala kang magagawa dahil mayroon kang marka ng aming angkan. Hawak ko ang buhay mo, Sigmundo!"

Pinipilit bumangon ni Guardian Flora para puntahan si Sigmundo. Ngunit agad siyang binalingan ni Pluto at sinipa. Muling nasubsob sa sahig si Flora.

"Makakabawi na ako sa ginawa mo, Flora! Makalipas ang mahabang panahon, ako pa rin ang magwawagi sa ating laban!" Malakas na tumawa si Pluto at paulit-ulit na sinipa si Flora.

Maagap namang hinawakan ng dalawang kawal si Sigmundo ng tinangka nitong sugurin si Pluto.

"Uncle, matanda na iyan. Huwag mo ng sayangin ang pagod mo kanya." Sambit ng bagong dating.

Tumalim ang tingin ni Flora sa bagong dating. Ito ang traydor na pinagkatiwalaan ng Royal family noon at ang dahilan kaya siya nakulong sa tore.

"Xian!" Galit na sigaw ni Sigmundo.

Nakangising lumapit dito ang lalaki.

"Gentry Sigmundo, akala mo ba hindi ko alam ang mga ginagawa mo? Ngunit nagkamali ka sa taong nilapitan mo,"

Ngumisi si Sigmundo kay Xian.

"Hindi ako nagkamali dahil nagawa ka niyang pabagsakin, Xian. Nakalimutan mo na ata kung paano ka niya pinatulog sa isang atake lang."

Nagtagis ang bagang ni Xian at malakas na sinuntok si Sigmundo. Dumugo ang labi ni Sigmundo dahil sa ginawa nito.

"Sa ikalawang pagkakataon, natalo kang muli Xian! Natalo ka ng kadugo ng kinamumuhian mong tao!" Pagpapatuloy ni Sigmundo.

Kingdom Warrior Series 1: Mark of the QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon