"May regalo ako sa'yo, Premier guard!"
Bumaling ang tingin ni Gaia sa matandang nagsalita. Marahil ito ang dahilan kaya may nambulabog sa pintuan ng kwartong kinaroroonan niya kanina. Nararamdaman niyang may panganib ng oras na 'yon dahil sa mabibigat na presensya sa labas. Sigurado siyang kailangan niyang makipaglaban upang protektahan ang sarili kaya lang hindi siya pwedeng makipaglaban kung maikli ang kanyang kasuotan. Mabilis siyang nag-halungkat sa loob ng silid at swerteng nakakuha ng malaking shirt. Hindi siya nagdalawang isip na suotin 'yun at sinalubong ang mga nanggugulo sa labas ng silid. Tulad ng kanyang inaasahan, kaguluhan ang kanyang inabutan.
Ngayon kaharap na niya ang sa tingin niyang utak ng pagpapasabog sa Doom's gate.
Tuluyan niyang hinarap ang matanda. Mukhang kailangan nito ng pansin.
"Hindi ako mahilig sa regalo, Tanda." Seryoso niyang sabi.
Tumawa lang ito at parang aliw na aliw sa kanyang sinabi.
"Siguradong magugustuhan mo ito." Nakangisi nitong sabi. "Dalhin dito ang regalo!" Sigaw nito sa mga tauhan.
Balewalang tumingin si Gaia sa direksyon ng bagong dating nitong tauhan. Ngunit ang kalmado niyang itsura at biglang nagliyab ng makita niyang nakagapos si Brie. Wala itong malay at may takip sa bibig.
"Sinasabi ko na nga ba, magugustuhan mo ang aking regalo." Muli itong tumawa na nagpasiklab sa galit niya.
"Tiyo! Maawa ka sa bata! Bakit kailangan mo siyang idamay?!"
"Huwag ka ritong makialam, Pamangkin! Kung maayos mo siyang ibinigay sa akin, hindi na tayo hahantong sa ganito!"
"Nasisiraan ka na Tiyo! Anong kasalanan nila sa'yo para gawin ito?"
"Kahit hindi ko makuha ang buong Riyam, siguradong titingalain ako sa buong Forbideria kapag napatay ko ang Premier guard!"
"Pero bata ang dinadamay mo!"
"Idadamay ko ang lahat makuha lang ang gusto ko! Walang halaga sa akin ang buhay ng kahit sino, kahit ikaw na pamangkin ko!"
"Tumahimik ka!" Sigaw niya at matalim na tumingin sa matanda. Nag-iinit ang kanyang pakiramdam sa ginawa nito. May gustong lumabas sa kanyang katawan ngunit pinipigilan niya lang.
Nakita niya ang gulat sa itsura ng matanda pero sisiguraduhin niyang hindi lang iyon ang makikita sa mukha nito kapag sinaktan nito si Brie.
"Pakawalan mo ang bata." Maotoridad niyang sabi. Maging siya sa kanyang sarili ay hindi nakilala ang sariling boses. Parang hindi siya ang nagsalita.
"Nahirapan ang mga tao kong humanap ng magandang tiyempo para kunin siya tapos ngayon sasabihin mong pakawalan namin ang bata? Hindi ako baliw para sundin ka, Premier guard! Ngayong nakita ko na ang kahinaan mo, hindi ko na sasayangin ang pagkakataon ko!" Tumatawa itong lumapit sa isang tauhan na may hawak kay Brie.
Mahigpit niyang kinuyom ang mga kamay ng hawakan nito ang buhok ng bata at hinarap sa kanya ang walang malay nitong mukha.
"Pagmasdan mo ang anghel na ito,"
Parang nauupos ang hininga ni Gaia ng tapikin nito ang pisngi ni Brie. Nag-iinit ang kanyang paningin ng makitang nagising ito dahil sa lakas ng tapik ng matanda. Bahagya pang namula ang pisngi ng bata. Nagwala ito ng makita siya.
"Hmm!!!" Sigaw nito habang umiiyak. Parang pinipilipit ang kanyang dibdib sa nasaksihan.
"Mahirap patumbahin ang lalaking kasama nito pero hindi niya kinaya ang dami ng mga tauhan ko," Muling sabi ng matanda na nagpapantig sa kanyang tainga.
BINABASA MO ANG
Kingdom Warrior Series 1: Mark of the QUEEN
ActionFighting is required. Killing is a choice. How will you face a situation where killing is required? Simula pagkabata iniiwasan na si Gaia ng lahat dahil sa kakaibang marka sa kanyang mata. Iniisip nila na isa iyong sumpa at isa siyang malas na dapa...