Chapter 19

748 46 2
                                    

Nagising si Gaia sa marahang hangin na dumadampi sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. Agad siyang umiwas ng tingin ng masilayan ang mukha ng katabing lalaki. Hindi niya maiwasang mag-init ang mukha ng maalala ang nangyari kagabi.

She never imagined that she'll be in this kind of situation. Waking up with a man laying down beside her and doing unexpected things to make their situation better. 

Nang makita niya kagabi ang butil-butil nitong pawis at umiigting na bagang, alam na niyang may mali rito. Akala niya normal na disenyo lang ang mga napansing marka sa kwarto, pero naalala niya ang nilalaman ng libro tungkol sa isang potion ng Amazonas. Isang marka at isang botelya ng love making potion ang magpapatibay sa connection ng Pinuno at napili nitong maging kabiyak. Kailangan mawala ang pagkapuri nito para sundin ang huling bahagi ng ritwal. Pagkatapos, balewala nilang itatapon ang lalaki sa labas ng tribo. Gagamitin lang ito upang makuha ng Pinuno ang marka ng kagalang-galang na lider. Kapag hindi nangyayari ang huling bahagi ng ritwal, manganganib ang buhay ng magkabiyak maging ang buong tribo. Hindi niya sigurado kung sa paanong paraan manganganib ang magkabiyak pero kailangan lang nilang manatiling ligtas hanggang sumapit ang liwanag. 

Wala sa libro ang tungkol sa kusang loob na pagbibigay ng init. Iyon lang ang kanyang naisip upang solusyonan ang kanilang problema. Alam naman niyang mas magiging mapusok ang love making potion sa katawan ni Aurus kung patuloy siyang magmamatigas. Nakatulong din ang malakas na self control ni Aurus kaya't naging ligtas silang dalawa. 

Bahagyang kumilos si Gaia pero mahigpit pa rin ang yakap nito sa kanya. Marahan niyang inangat ang braso nitong nakayakap sa katawan niya, ngunit gumalaw ito at muli siyang kinabig palapit. 

"Tsk!" Sambit niya ng sumubsob ang kanyang mukha sa dibdib nito. Muli siyang dumistansya pero ganoon ulit ang ginawa nito. 

"If you're awake, better to distance yourself." Seryoso niyang babala rito. Hindi na siya komportable sa pagkakalapit ng katawan nila. Alam niyang wala ng epekto ang love making potion dahil maliwanag na sa labas, pero mahigpit pa rin itong nakayakap. 

"Give me a little more time to rest," paos nitong hiling.

Bahagya siyang natigilan sa klase ng boses nito. There's something wrong with her ears because she heard his voice become sexy.

Pinilig ni Gaia ang ulo para mawala sa isip niya ang kakaibang dating ng boses nito.

"You can rest but let me go," muli niyang sabi at tinulak ito, pero nagmamatigas pa rin ito sa pagyakap sa kanya. 

"I want to rest while hugging you. It's too comfortable while you're beside me." Sagot nito.

Kumunot ang noo ni Gaia at tumingin sa mukha ng lalaki. Nakapikit pa rin ito at parang natutulog pa. 

Mahigpit na hinawakan ni Gaia ang kumot at malakas na tinulak si Aurus. Nalaglag ito sa kabila pero nahila nito ang nakabalot na kumot sa kanya.

"Sh't!" Sambit niya ng nadala pababa at bumagsak sa ibabaw nito. Aksidente rin siyang nauntog sa noo nito. 

"Aww!" Daing ni Aurus at tuluyang nagising.

Mabilis niyang kinabig ang kumot upang takpan ang katawan ng magmulat ito ng mata.

"Gaia? Why-" Malakas niyang tinulak ang noo nito ng magtangka itong bumangon. "Ouch! Bakit mo ako tinulak?" Reklamo nito. 

"D'mmit! Huwag kang titingin!" Naiinis niyang sabi ng makita ang expose na dibdib. Muntik na iyong nakita ni Aurus kung hindi niya ito napigilan. "Close your eyes. Huwag mong bubuksan hanggat hindi ko sinasabi." Mahigpit niyang utos.

Kingdom Warrior Series 1: Mark of the QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon