Nang iwanan ni Gaia si Aurus at Brie sa kagubatan, dumiretso siya sa kanyang dating tirahan. Sinikap niyang hindi makilala ng mga tao. Nagawa naman niyang makadaan sa bayan dahil abala ang mga tao sa biglang lumitaw na tubig sa Atar.
Pamilyar na pakiramdam ang naramdaman ni Gaia ng makita ang kweba.
Kalungkutan.
Dati-rati hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang kanyang damdamin. Hindi niya alam ang kaibahan ng kalungkutan sa kasiyahan. Ngunit ng makilala niya si Tana, nalaman niya ang kaibahan ng dalawa. Ngayon, ramdam niya ang kalungkutan makita pa lang ang bungad ng kweba. Ito ang naging saksi sa ilang taon niyang pag-iisa. Nawala ang nakilala niyang Ina sa edad na lima. Naging palaboy siya hanggang edad labing-lima. Ngunit ng lumitaw ang kanyang marka sa edad na labing-anim, doon na siya nagsimulang manirahan sa kweba.
"Wala pa ring pinagbago," sambit niya ng makapasok sa loob. Dalawang taon din siyang hindi nakauwi rito simula ng manirahan sa Doom's gate.
Nilibot niya ang paningin. Nagtaka siya ng mapansin ang nagkalat niyang gamit. Bumundol ang kaba sa kanyang dibdib. Agad siyang nagtungo sa pinagtataguan ng iniwang aklat ng kanyang Ina.
"Sh't! Wala rito," hinalungkat niya ang iba pa niyang gamit sa loob ng kweba pero hindi niya makita.
"Sinong kumuha n'on?" Tanong niya sa sarili.
"Hindi kaya..." Naalala niya ang tanong ni Lola Claro tungkol sa kanyang aklat ng dumating ang grupo ng matandang lalaki sa tahanan nito. "... Imposible!" Umiiling niyang sabi. "Kaya ba natagpuan ng grupong iyon si Lola Claro ay dahil sa libro?" Muli siyang napaisip. Posible na nakalusot ang grupong iyon sa Cross trap dahil sa libro. "Paano naman mapupunta sa matandang 'yon ang aklat?" Naguguluhan niyang tanong.
Umupo siya sa malapad na bato habang patuloy na iniisip ang posibleng nangyari.
"Hindi maaaring makialam ang ibang dibisyon sa teritoryo ng iba," muli niyang sabi ng maalala ang nabasang batas sa libro ring iyon. "Ibig sabihin..." Kumuyom ang kamay niya ng pumasok sa kanyang isip ang salarin. "... Division leader!"
Nanggigil siya habang naglalaro sa kanyang isip ang nakangisi nitong mukha.
"Magbabayad ka sa ginawa mo, Piggy!" Hindi lang iyon ang kasalanan nito sa kanya. Alam niyang simula noong lumitaw ang kanyang marka sa mata, ginamit na nito ang pagkakataon para ibaling sa kanya ang sisi kaya naghihirap ang Atar. Ngunit, ito lang ang nagtatamasa ng kasaganaan na nararapat para sa mamamayan.
Biglang nasapo ni Gaia ang kanyang dibdib ng maramdaman ang kakaibang init doon. Hinawakan niya iyon ng mahigpit pero hindi nagbago ang nararamdaman niya. Halos mapugto ang kanyang hininga sa init na nararamdaman sa dibdib niya. Wala siyang sakit o kirot na nararamdaman pero tila sinasakal naman ang kanyang dibdib kaya nahihirapan siyang huminga.
"D'mn this sickness!" Sinubukan niyang kalmahin ang sarili. Paulit-ulit ang kanyang buntong hininga. Kahit nararamdaman niya ang mga yabag palapit sa kweba, hindi siya nabahala. Pinagpatuloy niya ang ginagawa hanggang unti-unting bumabalik sa normal ang pakiramdam niya.
"Alam kong nariyan ka, Premier guard! Kung hindi ka lalabas, susunugin namin ang lungga mo!" Nang marinig niya ang sigaw sa labas, muling bumalik ang init ng kanyang pakiramdam.
Nagtataka siya kung bakit laging umaatake ang kanyang sakit. Sa loob ng halos siyam na taon simula ng lumitaw ang marka, ngayon pa lang nangyari ito. Nanghihina ang kanyang katawan sa tuwing nararamdaman niya ito. Pero, hindi niya maaaring ipakita ang kahinaan niya. Marami ang sasamantalahin ang kahinaan niya.
Nang italaga siya bilang Premier guard, gusto niya lang bumawi sa Division leader. Kapag nagtagal siya sa posisyong iyon, mahihirapan itong makipag-kompetensya sa ibang dibisyon dahil sa mataas na pagtingin ng iba sa Atar. Sa ganoong paraan, ilalagay niya ito sa alanganing sitwasyon at para na rin tumigil ito sa ginagawang pang-aabuso sa kanilang dibisyon. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin iyon nangyayari. Inaasahan niyang bibigyan iyon ng atensyon ng Kastilyo, pero hindi rin pala. Nakatuon lang sa kanya ang atensyon ng ibang dibisyon at nagkaroon pa siya ng mga kaaway.
BINABASA MO ANG
Kingdom Warrior Series 1: Mark of the QUEEN
ActionFighting is required. Killing is a choice. How will you face a situation where killing is required? Simula pagkabata iniiwasan na si Gaia ng lahat dahil sa kakaibang marka sa kanyang mata. Iniisip nila na isa iyong sumpa at isa siyang malas na dapa...