Chapter 16

701 52 1
                                    

"Gaia?"

Hinanap ni Gaia ang pinagmulan ng boses. Alam niyang si Aurus ang tumawag sa kanya pero hindi niya ito makita. 

"Dito sa itaas!" Sambit nito. 

Tumingala siya pero sinag ng buwan ang sumilaw sa paningin niya. Bahagya siyang pumikit ng humapdi ang kanyang mata.

Imumulat pa lang ni Gaia ang mga mata pero naramdaman na niya ang malakas na pwersang tumama sa kanyang tiyan.

"Argh!" Daing niya ng tumilapon ang kanyang katawan dahil sa lakas ng atake. 

"Gaia!" Lumingon siya sa direksyon ng boses ni Aurus. Nakatayo ito sa itaas na bahagi ng kinatatayuan niya. Sa likuran nito ang tubig na pumapalibot sa kanila. Nakagapos ang nakadipa nitong mga kamay. Wala na ang dati nitong damit at napalitan ng katutubong kasuotan. Tanging ibabang bahagi nito ang may takip habang nababalutan ng iba't-ibang kulay ng pintura ang katawan nito. May nakataling makintab na tela sa noo nito. "Watch out!"

Naramdaman niya ang pag-angat sa ire kasabay ng muli niyang pagtilapon. Sa pagkakataong ito, nagawa niyang ibalanse ang katawan pagpatak sa lupa.

"Gru! Gru! Gru!" Sigaw ng mga Amazonas habang pinupukpok ang mga armas sa lupa.

Ngumisi naman ang kanyang kalaban at muling sumugod sa kanya. Sinalubong niya ng suntok ang kamao nito pero nasaktan siya. Hindi niya nakita ang pag-angat ng paa nito patungo sa kanyang tagiliran. Huli na para umiwas siya. Kahit nasangga niya ng braso iyon, nadala pa rin ang katawan niya at tumalsik sa paanan ni Aurus. 

Totoo pala talagang malakas ang mga Amazonas. Akala niya sa libro lang iyon, pero ngayon naranasan na niya.

"Gaia, get up but don't look up," narinig niyang sabi ni Aurus.

Dala ng kuryosidad, tumingin siya ng diretso habang nakahiga. Agad din siyang pumikit at mabilis bumangon ng makita ang hindi dapat.

"Moron!" Singhal niya rito. 

Nakaramdam siya ng awkwardness kahit hindi naman niya nakita ang bagay na iyon. It's really awkward to see his bulge in that position. 

"I told you, don't look up. This little cloth can't hide how big I am." Katwiran nito. Pakiramdam niya nakangisi ito habang nakatalikod siya.

"Gru! Tapusin mo na ang laban, malapit ng tumingkad ang liwanag ng buwan! Kailangan ng simulan ang ritwal!"

Mabilis tumayo si Gaia ng makita niyang binigyan ng cross bow ang kalaban niya. Mas mabilis iyon kesa sa karaniwang pana. Sinalo ito ng babaeng tinawag na Gru at itinutok sa kanya.

"Gaia, alisin mo ang tali ko." Natarantang sabi ni Aurus.

Umatras siya palapit kay Aurus ng hindi inaalis ang tingin sa kanyang kalaban. Kailangan niyang mag-ingat sa hawak nitong patalim.

"Gru! Patayin mo na siya!" Muling sigaw ng isa sa mga Amazonas.

"Tumahimik ka!" Sigaw pabalik ng babae. Nanlilisik ang mata nito habang nakatingin sa kanya. "Umalis ka riyan!" Utos nito sa kanya.

Ngumisi si Gaia sa babae. Mas nanlilisik ang mata nito sa kanya lalo na ng hugutin niya ang ipit sa kanyang buhok. Nalaglag ang mahaba niyang buhok sa likuran habang hawak ang matulis na ipit.

"Sinabi kong umalis ka riyan!" Galit nitong sabi at muling sumugod sa kanya ngunit napatigil ito sa kanyang ginawa.

"G-gaia," hindi makapaniwalang sambit ni Aurus habang nakatutok ang kanyang pin sa leeg nito.

Kingdom Warrior Series 1: Mark of the QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon