Umiyak lamang ako ng umiyak dito sa harap ng puntod ng mga magulang ko.
Namatay sila dahil sa mga taong bumabaril at sumusunod sa kanila na hindi ko kilala.
Tumingin naman ako sa kalangitan at ngumiti ng pilit kasunod non ay ang paghiga ko sa tabi ng lapida ng mga magulang ko .
"Ma, pa. kahit na wala na ho kayo sa tabi ko, pwede bang gabayan at alagaan nyo parin ako gaya ng ginagawa nyo sakin nung mga panahong buhay pa kayo" Bulong ko rito sa tabi nila at hinimas ang mga lapida nila.
Mrs.Casey Alia S. Opheli
Jan 10-1978 - Aug 20 2015
Mr Conset M. Opheli
April 1977 - Aug 20 2015
Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at nagpipigil umiyak ng mabasa ang mga nakaguhit na mga pangalan nila. Nang hindi ko na kayang pigilan pa ay iniyak kona ito hanggang sa makatulog ako.
"Mama asan na po si papa?" Tanong ng bata na kamukha ko sa kanyang ina. Kinarga naman ng kaniyang ina ito at inupo sa hita nya.
Kumoha naman ng suklay ang kanyang ina sa tabi nyang bag sa inoupoan nilang sofa saka sinuklayan ang kulay brown na may pagka blonde ang buhok ng batang kamukha ko.
"Pauwi narin ang papa mo" Tumongo naman ang batang ako sa sinagot sa tanong nya.
Inangat naman ng batang ako ang hawak hawak nyang barbie doll na regalo sa kanya ng kanyang papa nong 3 years old pa lamang sya.
Ayon sa natatandaan nya, ang sabi ng kanyang ina ay lagi nya raw itong hawak simula nong iregalo ito sa kanya ng papa nya.
Ngumiti naman ang batang ako.
Nang matapos suklayan ng kanyang ina ay inilagay naman nito ang suklay sa tabi nitong bag.
Sinuklayan naman ng batang ako ang aking barbie doll at maya maya ay nakarinig sila ng may nag doorbell na ika buka ng bibig ng batang ako at napasigaw.
"Papa" Sigaw ng batang ako at dali daling bumaba sa hita ng kanyang ina, at nang matapos syang bumaba ay nilagay niya sa sofa ang kaniyang barbie doll.
Nang makapunta sya sa harap ng pinto ay tumingin muna sya sa butas upang makilala kung sino ang nag doorbell pero hindi niya ito makita.
Napatingin naman sya sa kanyang ina at ang kanyang ina ay nakangiti lamang na nakatingin sa kanya.
"Aurora" Napatingin naman ang batang ako sa may sumigaw.
"Papa!" Sigaw naman ng batang ako at napatakbo papunta sa kung sino ang tumawag sa kanya.
Binuhat at itinaas naman sya sa era ng kanyang ama dahilan para mapatawa ang batang ako.
Linapit naman ng ama ang batang ako sa kanyang mukha at hinalikan ito sa noo at pagkatapos non ay ibinaba niya na ang batang ako. Ngumiti naman ang batang ako sa kanya at bumaba ang tingin ng bata at may biglang nahagip ng isang taong naka kulay black sa likod ng puno.
BINABASA MO ANG
CBS 1: Hiding The Mafia Boss's Son ( UNEDITED )
RomansWRITE: 051822 COMPLETE: 010623 Unedited Aurora was a straightforward, helpful, respectful, and nice person. She grieved that she was not present when her parents died in a vehicle accident. Due to her parents' debts, she had no idea where to get th...