C H A P T E R T H I R T Y F O U R

2.2K 34 0
                                    

Kaagad akong napa punta sa pwesto n'ya at tinignan ng maigi ang screen.

Napayukom ang mga kamao ko ng makita ang isang babae na kinakaladkad ang isang batang lalaki at sa likoran nito ay may isang lalaki na naka black attire na may buhat buhat na isang tao na parang sako pero ito ay halatang babae.

Agad naman akong kinabahan na makita kong ano ang naging kalagayan ni Aurora at nagalit ng mapanood kong anong klaseng kaladkad ang ginawa ni Kaila sa aking anak.

Tumalikod ako sa screen at agad naglakad.




AURORA POV

Nakaramdam ako ng kung anong malamig na bagay na umagos sa aking katawan kaya agad akong napaupo at napayakap sa katawan ko.

"Buti naman gising kana" Agad kong naalala ang anak ko kaya napatingin ako sa paligid.

"No! Lucian!" Kaagad akong napagapang ng makita ang anak ko na dugoan at walang malay.

"Lucian" Tawag ko rito at tinuloy ang pag gapang.

Nang makapunta sa kanya ay agad kong tinampal ang pisngi nito.

"Lucian, gising si mommy ‘to” Sabi ko rito pero hindi pa rin ito nagigising ni mismong pag ungol ng mahina ay hindi niya nagawa.

"Lucian" Tawag ko rito at nagsimula ng tumolo ang mga luha ko.

"Ahh!" Napasigaw na lamang ako ng may kung anong hinampas sakin na matigas na bagay sa aking likuran na ikayakap ko ng maigi sa aking anak.

Patuloy lamang sila sa paghampas sa akin pero hindi ko ‘yun iniinda dahil iniisip ko ang anak ko.

Proprotekhan ko si Lucian kahit ano pang mangyari, kahit buhay ko pa ang kapalit.

Kaagad akong napatayo ng may humablot ng buhok ko dahilan para mawalay ako sa yakapan namin ng anak ko.

"Halika rito"

"Tama na, maawa kayo please. Pakawalan n'yo na kami" Mangiyak-ngiyak kong saad habang hawak hawak ang kamay ng sumabonot sa akin.

"Ahh!” Sigaw ko ng ilabandara n'ya ako sa gilid at kasabay no'n ang pagtama ng ulo ko sa pader.

Napahawak na lamang ako sa ulo ko ng kumikirot kirot ito.

Nahagip naman ng pansin ko ang aking anak na nakahiga at naliligo sa sarili nitong dugo.

"Lucian" Bulong ko sa hangin.

"Hindi, ‘wag ‘yung anak ko" Bulong ko.

Ipinewesto ng isang naka t-shirt na black ang kanyang baril at itinutok ito sa aking anak.

"No!" Napapikit naman ako ng makarinig ng putok na nanggagaling sa baril.

Tumahimik ang paligid dahil sa pag alingawngaw ng putok ng baril at ilang segundo lang ay unti-unti ko na rin dinilat ang aking mga mata.

"Lucian" Bulong ko ulit sa hangin at unti unting idinilat ang mga mata.

Bumungad naman sa paningin ko ang mga nakalantay na tauhan ni Kaila.

Dali dali nakong tumayo at naglakad ng paika-ika saka nilapitan si Lucian at agad itong kinarga.

Maglalakad pa lang sana ako ng may yumakap sa amin.

Kaagad ko iyun itinaka pero itinayo n'ya kami ng maayos at kinuha ang bata sa akin.

Sa puntong ‘yun ay napagtanto kong si Marius s'ya pero dahil sa nahihirapan na ako ay pinaubaya ko na lang sa kanya ang bata.

Inilagay n'ya ang kanyang kamay sa bewang ko at niyakap ko na lang siya sa bewang sabay hawak sa kamay ni yang nakapalibot sa bewang ko.

Sumabay na lamang ako sa lakad n'ya pero kahit na ganon ay hindi mabilis o matagal ang paglakad namin dahil sa akin na paika ika ang paglakad pero kahit may karga s'yang bata ay inaalalayan nya pa rin ako.

Nang makarating sa isang sasakyan ay nag sipasok kami roon dahilan para mag dilim ang paningin ko.




"Hmm" Munting ungol ko at idinilat ang mga mata.

Bumungad naman sa akin ang puting paligid. Dahan dahan akong umopo at pinagmasdan ang paligid ko.

Nasa hospital pala ako.

Agad naman nakuha ng pansin ko ang isang lalaking nakayuko sa tabi ko.

Sinilip ko ito at bumungad ang tulog na mukha ni Marius.

Hinawakan ko ng dahan dahan ang mukha nito at ng maidampi na ang kamay ko ay kusang nahawakan niya ang palad ko.

Kaagad akong napaayos ng upo at agad napaiwas ng tingin.

"Anong ginagawa mo rito at nasaan si Lucian?"

Kaagad rin naman akong napatingin sa kanya ng maalala ko si Lucian.

Nakatingin lamang ito sa akin at hindi makapagsalita.

"Answer me" Napalunok na ito at hindi makapagsalita ulit.

Binubuka n'ya ang kanyang bibig at may sinasabi na hindi ko marinig. At dahil sa gusto ko na talaga makita ang anak ko ay agad kong tinanggal ang mga nakatusok sa akin.

Baba na sana ako sa kama na inoupoan ko ng may yumakap sakin.

"Bitawan mo ako" Hindi naman ito sumagot sa halip ay hinalikan ako nento sa noo.

"Biti-. . ." Napatigil naman ako sa pagsigaw ng marinig ko ang boses nya dahilan para ikahina ko.

"I'm sorry" Kusang tumolo ang mga luha ko ng banggitin n'ya ‘yun.

"Wala na s'ya" Tatlong salitang ikinatigil ng paligid ko at pag kusang blurb ng paningin ko.

Gumalaw ako dahilan para bumalik sa dati ang ayos ng paningin ko.

"Nasaan ang anak ko?" Hindi naman kaagad ito sumagot.

"Asan yung anak ko!" Sigaw ko rito sa loob ng kwarto at humarap kay Marius.

Hinampas ko ito hanggang sa pinag susuntok na ito.

Halos walang lumabas na salita sa bibig ko dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Nang mapagod ko s'yang saktan ay sarili ko naman ang sinaktan ko.

"Lucian!" Sigaw ko rito at kusa na lamang ako nakaramdam ng yapos galing kay Marius.

Nakarinig ako ng ingay sa likod nya dahilan para umiling ako at maya-maya lang ay ramdam kona na may tumusok sa braso ko dahilan para mag dilim ang paningin ko.




"I promise i paghihiganti ka ni mommy, gagawin ko sa kanila ang lahat ng ginawa nila sa atin. Hindi ko sila patatahimikin hangga't hindi ko na kukuwa ang hustisya. Promise ko rin na dadalawin kita rito. Gabayan mo ako nak, hindi ako sanay na wala ka at hindi ka nakikita dito sa tabi ko” Inihagis ko ang puting bulaklak sa puntod nito na unti-unting bumababa.

Nag stay lamang ako rito sa harap ng puntod ng anak ko hanggang sa nag si alisan na sila at gumabi na.

Lumuhod ako at dinikit ang aking palad sa lupa na nagtabon sa puntod ng anak ko.

"Babalik si mommy, I love you my Lucian" Nag stay pa ako ng ilang minuto bago tumayo at tumalikod.

"Why are you doing here?" Tanong ko sa taong nasa harapan ko o ng sumalubong sa akin sa pagtalikod ko sa puntod ng anak ko.

A E S T R I A R Y A

CBS 1: Hiding The Mafia Boss's Son ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon