C H A P T E R T H I R T Y F I V E

2.4K 39 0
                                    

"Gusto ko lang sana ibigay ‘to sayo" Inangat nito ang apat na supot na sa tingin ko ay puro mga pagkain ang laman.

"I don't need that" Saad ko rito at nilagpasan na s'ya.

"You need this Aurora, ilang araw ka ng hindi nakain. Ang sabi mo babawi ka, ipaghihiganti mo ‘yung anak natin pe-. . ."

"Anak namin! Hindi mo ba nakikita o sadyang bulag ka lang talaga para hindi mo mabasa na Lopez ang na sa apelyido ng anak ko at hindi Conan"

Lumakas ang hangin at nakaramdam ako ng may yumakap sa binti ko dahilan para mapalingon ako doon kaso walang naandon na kung sino man.

Lumingon ako kay Marius at maglalakad na sana ng muli na naman humangin ng malakas at nakaramdam ako ng may yumakap ulit sa binti ko.

Napaiyak na lamang ako ng maisip na si Lucian ang yumayakap sa akin.

Napaluhod na lang ako sa nangyayari.

Hanggang sa napahagulgul na ako at nakaramdam ng may yumakap sakin.

"Gaya mo nasasaktan rin ako sa pagkawala n'ya. Anak ko si Lucian kahit na hindi ko apelyido ang gamit nya. Pero Kailangan mong maging matatag at maging malakas, huwag mong ipakita sa kanila na mahina ka, ayaw ni Lucian ng ganto Aurora"

"Hindi ko rin tanggap na nangyari ‘to sa inyo. Ipaghihiganti ko kayo"

Ilang minuto pa ang nakalipas hanggang sa napagdesisyonan ko na kung makikipag ayos ba ako sa kanya o hindi.

Alam kong kailangan kong mag desisyon para sa hustisya ni Lucian.

Huminahon muna ako bago mag salita na ikinadesisyon ko.

"Can we fix this? Pagod na’ko and para sabay nating maipagganti si Lucian" Hinarap n'ya ako sa kanya at hinalikan sa noo sabay harap sa akin nang matapos niyang gawin ‘yun.

"Of course yes" Yinakap ako nito na ikinatugon ko naman.

I really need someone to hug, especially now.

May sumagi naman sa isipan ko dahilan para mapahiwalay ako sa yakapan namin at mapaayos ako ng upo at sarili.

"Why?"

"Yung mga nasabi ko sayo sa bundok" Tumingin naman ako rito at nakita s’yang nakakunot noo pero nawala den agad ‘yun na sa tingin ko ay na gets n'ya na ang tinutukoy ko.

" ‘wag mo na lang intindihin ang mga ‘yun" Napalunok na lamang ako sa mga nasabi ko.

Agad naman ako tumingin sa puntod ng anak ko sabay ngiti ng pilit.

"Hintayin mo ko, pagbalik ko rito ibibigay ko na sayo ang damit ni Kaila na puro dugo ang nakamanstya doon" Lumuhod ako at hinimas ang puntod nito.

Yumoko ako para halikan iyun ng smack at nag tagal pa ako ng ilang minuto sa ganitong pwesto bago ako tumayo at tumalikod sa puntod n'ya.

Ramdam ko naman na nakasunod sakin ang ama ng anak ko.

Simula bukas ay aayusin ko na ang lahat.




KINABUKASAN. . .

ON TEXT.

Aurora:

Can we meet in a costea restaurant?

Jack:

Yeah, see you

I love you

Agad kong inoff ang phone ko at inayos ang salamin na suot bago ko pinaandar ang sasakyan na sinasakyan ko.

CBS 1: Hiding The Mafia Boss's Son ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon