Kaagad kong kinuha ang inabot na Ice Cream sa akin ni Tatay Istol. "Salamat po" Ngumiti lamang siya at umupo sa tabi ko.
Nilantakan ko naman kaagad ang ice cream kaya mabilis itong na ubos .
"Ang takaw mo talaga iha" Nahiya naman ako sa sinabi ni Tatay Istol kaya napa ayos ako. Kinapa kapa kopa ang nasa gilid ng bibig ko upang malaman kung may natirang pahid ng Ice Cream.
"Aurora!" Kaagad nakuha ng attention ko ang sumigaw ng pangalan ko. Tumingin naman ako sa sumigaw at kaagad napatayo.
"Nanay Cara!"
"Halika at samahan mo akong mag luto" Tinignan ko naman si Tatay Istol at magpapaalam na sana ng tungoan ako nito kung kaya hindi na rin ako nag salita at sumunod kay Nanay Cara.
"Ano pong lolotuin?" Tanong ko rito.
"Adobo at sinigang" Tumongo ako bilang tugon at nag tungo sa lamesa saka nag himas ng kangkong.
Pagkatapos mag himas ay nag hiwa na ako ng mga kailangang hiwain saka nag lakad papuntang gripo at hinugasan rito ang mga manok at baboy na nahiwa ko rin kanina.
Hindi kasi napahiwa ni Itay Sorwe ang mga ito nong nabili niya sa palengke dahil daw siguro sa kakamadali nya ay kaagad niya itong binili ng hindi pa nahihiwa.
Pagkatapos mahugasan ang mga kailangang hugasan ay tumayo ako at inayos ang mga kailangan ayusin. Hanggang sa nag pahinga muna ako ng ilang minuto dahil sa sobrang napagod ako. Nang ako'y matapos makapag pahinga ay nag simula na akong mag ayos ng mga kailangan gamitin pang luto.
"Jack!" Sigaw ko mula rito at hinanap siya banda sa taniman. Nakita ko itong nakaway at kumaway rin ako rito at saka nag senyales na lumapit siya sa akin.
Nag linis muna ito ng sarili bago pumonta sa akin at kinoutan ako ng noo.
"Patulong ako, hindi ko kasi kayang buhatin" Tumongo ito at saka hinawakan ang magkabilang hawakan ng malaking kaldero at inangat ito saka ipinatong sa sementadong kalan na ang ilalim ay puro kawayan. Ganun din naman ang ginawa niya sa isang kalderong malaki.
Nang ito'y matapos ay ginawa ko na ang mga kailangang gawin hanggang sa napaupo na lang dahil sa pagod.
"Bakit andito kapa?" Tanong ko kay Jack ng mapansing andidito pa pala sya.
"May kailangan ka pa ba?" Umiling ako rito at ngumiti.
"Wala na ata Jack, Salamat huh" Sabi ko naman rito na sya naman niyang ikatungo saka umalis sa harapan ko.
Maya maya lang ay tumayo ako at nag lagay ng mga kahoy sa ilalim ng kaldero.
Habang pinapanood ang mga apoy na nagsisilbing pang luto sa mga pagkain ay naalala ko ang mga nangyari, dalawang linggo na ang nakalipas.
Dalawang linggo na ang nakalipas ng mangyari ang pag tatago ko sa bundok. Sa dalawang linggong ring iyon ay nalaman ko na hindi nabawasan o ninakawan ang pera ko.
Hayts, Paano ako magsisimula?
Kaagad akong napabangon ng makaramdam ng kung anong lalabas sa bibig ko. Dumiretsyo ako patungo sa CR at ng makapasok rito ay ka agad akong nag suka. Nang ako'y matapos ay nagtaka ako dahil laway lamang ang nasusuka ko.
Hindi ko na lamang 'yon pinansin saka bumaba na lamang para kumain.
"Ang baho" Mga salitang lumabas sa aking bibig ng maka amoy ako ng mabaho.
"Nanay Cara!" Sigaw na tawag ko kay Nanay saka pumasok sa kusina na takip takip ang ilong.
"Bakit iha?" Lumapit ako rito at tinignan ang kanyang niluluto.
Isa itong scrambled na may halong sibuyas pero ng makita at malanghap ulit ng ilong ko ang amoy ng sibuyas ay kaagad akong napatakbo sa malapit na CR at doon nagsuka ng nag suka. Hindi sya totally suka na tipong ilalabas ang mga huling na kain kasi ang na susuka ko ay tanging laway ko lamang.
Nang maka get over sa nangyari ay nag hilamos ako at saka nag hugas ng kamay.
Lumabas ako sa CR saka umakyat sa taas. Sa kwartong tinutulogan ko ay pumunta ako sa CR na kalapit nito at doon na lamang naligo.
"Jack!" Sigaw ko ng makita si Jack na ngayo'y nag aayos ng itatanim na palay.
Nginitian naman ako nito at kinawayan.
"Jack, tulungan mo ako!" Nakita ko naman itong nawalan ng ngiti at napa ayos ng tayo.
Napayuko na lang ako at tumalikod sa kanya dahil feeling ko ay ayaw niya akong tulungan.
"Aurora!" Narinig ko naman ang sigaw na tawag sa akin ni Jack pero diko 'yon pinansin. Tumakbo ako at dumiretsyo sa likoran ng puno at dahan dahang yumoko saka napa hikbi hanggang sa iniyak ko na talaga.
May nag angat naman ng ulo ko at nakita ko si Jack na may pagtatakang nakatingin sa akin at nakakunot noo.
"Aurora, bat naiyak ka?" Hindi ko ito pinansin. Inalis ko ang kanyang mga kamay na nakahawak sa mukha ko.
"Wag mo akong hahawakan!" Napasigaw na lamang ako ng pakiramdam ko ay hahawakan ako nito. Hindi ko alam, hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito. Palagi na lang akong ganito.
"Huh? May problema ba?" Hindi ko ito sinagot at nakatingin lamang sa kanya. Hinawakan nito ang aking balikat ngunit inalis ko iyon.
Napa buntong hininga naman ito at napahawak sa kanyang noo. "Naiisip mo ba na hindi kita tutulungan?" Tumongo naman ako ng dahan dahan bilang sagot rito.
"Huwag mo ng isipin 'yung ganyang bagay Aurora, tutulungan naman kita eh, hays"
"Ano ba problema mo?" Sa kanyang tanong nakaramdam ka agad ako ng saya kung kaya pinunasan ko ang aking mga luha at napangiti. Kaagad kong tinuro ang puno ni Tatay Sorwe na may mga bungang mangga.
"Kuhaan mo ako ng maraming mangga, dapat 'yung hilaw huh"
"Huh? E puro hinog ang nandoon at maya maya ay ku-. . ."
"Wala akong pake. Basta kuhanan mo ako ng hilaw na mangga sa puno na 'yon at dapat doon kalang kukuha! Hindi ka pwede mag patulong at shaka wag kang baba doon ng wala kang nakuha para sa akin. Remember this Jack, wagka ng magpapakita sa akin kapag hindi ka nakakuha ng mga mangga sa puno ni Tatay Sorwe!" Sigaw ko sa kanyang harapan.
Nakaramdam naman ako ng pagtutubig ng mga mata ko ng parang hindi ito kukuha. Iiyak na sana ako ng yakapin ako nito at ihimas ang likod ng ulo ko.
"Sarap" Sigaw ko at ngumuya ng mangga na may halong cheese.
"Salamat dito ah" Sabi ko at ipinakita kay Jack Ang Pagkain na dinala nya galing sa puno ni Tatay Sorwe.
Tumongo ito ng may halong pagtataka.
"Bakit? Anong problema?" Tinitigan ko ito sa kanyang mga mata at napa simangot.
Hindi ako nito pinansin kaya kumagat na lamang ako ng mangga ngunit napatigil ako sa pangunguya ng malasahan ko na hinog pala ito.
Magsasalita na sana ako ng may tumikhim kaya napatingin ako rito at napakunot noo.
"Buntis ka ba iha?" Nagulohan ako sa kanyang tanong ngunit naiintindihan ka agad ng maalala ang nangyari sa amin ng gabing iyon.
"Hi-Hindi pwede"
No. No. No. Ayukong isang Mafia Boss ang magiging ama ng anak ko.
Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang pregnancy test. Ayuko, hindi ito pwede.
Huminahon na muna ako bago idilat ang aking mga mata. Pagkadilat ay bumungad sa akin ang dalawang linya.
Positive.
"Hindi pwede. Isang mafia boss ang naitalik ko ng gabing iyon. Hindi pwedeng siya ang magiging ama ng anak ko" Nalaman ko na isang Mafia Boss ang naitalik ko ng gabing iyon ng sabihin ito sa akin ng sekretarya ko noon at ang Mafia Boss na iyon ay ang fiance ni Kaila.
A E S T R I A R Y A
BINABASA MO ANG
CBS 1: Hiding The Mafia Boss's Son ( UNEDITED )
RomanceWRITE: 051822 COMPLETE: 010623 Unedited Aurora was a straightforward, helpful, respectful, and nice person. She grieved that she was not present when her parents died in a vehicle accident. Due to her parents' debts, she had no idea where to get th...