C H A P T E R T W E N T Y F O U R

2.8K 40 0
                                    

Napangiti at napa ilang ako sa naging lambingan ng dalawa.

Kaagad kong itinaas ang kaliwa kong kamay at nag hanap ng waiter. Nang makakita ay tatawagin ko sana ito ng may lumapit sa akin na isang waiter.

"Ano pong problema ma'am?"

"Uhm, mag oorder kami pero asan 'yung lis-. . . Ay ito pala sorry, palista na lang kuya" Tumongo ang waiter sa akin at ngumiti. Mula sa aking peripheral vision ay nakita kong nilbas nito ang isang note.

Pinagmasdan ko ang mga litrato ng mga pagkain at binabasa ang mga pangalan nito.

"Lucian, do you want ginataang alimango?"

"Alimango? 'yung nangangagat po?"

"Hindi sila na nangangagat 'nak. Nang iipit lang"

"Sige po"

Nilipat ko ang tingin ko kay Marius at napa kunot noo ng may tinitignan ito at halata rito na naiinis siya kung kaya nilingon ko ang tinitignan nya at nakita ang waiter na nakatingin sa akin.

Magsasalita na sana ako ng may humawak ng baba ko at ipaharap sa pwesto nila lucian. Sinamaan ko agad ng tingin si Marius sa ginawa nya pero hindi ako nito pinansin.

"Can you focus on your work and not on my wife?" Wife?

Napalunok ako sa huling sinabi ni Marius pero tinoun ko na lamang ang pansin ko sa listahan.

"Hmm, sinigang na bangus" Napangiti naman ako sa nabasa.

"Ano sa'yo Marius?" Tumingin ako ng nakangiti kay Marius pero sinamaan ako nito ng tingin.

"I said earlier that you would call me hubby." Tinaasan ako nito ng kaliwa niyang kilay na ikawala ng ngiti ko.

"Uhm, hu-hubby, anong u-ulamin mo?" Ngumiti ito sa akin na ikawala ng ngiti ko.

May ikakadagdag pa palang pogi points itong si Marius e. Hmm, parang ang sara-. .

"Mommy!"

"Ay ang sarap halikan" Napatakip ako ng bibig ng may nasabi akong hindi kaaya aya. Agad kong inayos ang listahan ng food nang restaurant na 'to at itinoun ang pansin rito.

Hinanap ko roon ang kare kare na baka sa listahan pero walang mapansin o mabasa man. Asan na 'yon?

"Kare kare" Bulong ko at nag patuloy sa paghahanap nito.

"Mommy?" Rinig kong tawag sa akin ng aking anak.

"Maya na anak, hinahanap ko pa 'yung baka"

"Baka? May baka po ba sa listahan?" Napakunot noo ako sa tinanong ng bata kung kaya nailipat ko sa kanya ang attention ko. Magsasalita na sana ako ng unahan ako nito.

"At shaka po, bakit baliktad 'yung listahan mommy? Nababasa nyo pa po ba yan? O hanggang ngayon hinahanap nyo pa rin 'yung kare kare at baka?" Napakurap ako sa sinabi ng anak ko. Nilipat ko na lamang ang tingin sa listahan na hawak ko at don ko lang napansin na baliktad ito kung kaya kaagad ko itong inayos at napatikhim.

"May baka ba kayong tinitinda?"

"Wala po"

"Huh? Bakit naman?" Tanong ko sa waiter at naghanap ng mababasang kare kare na baka.

"Hanggang seafood lang po kami ma'am" Natigilan ako at napalunok ng maintindihan ko ang sinabi ko sa kanya.

Umayos ako ng upo at inilatag sa lamesa ang listahan at inurong 'yon gamit ang kamay papunta sa pwesto ni Marius. Nang mapwesto ko ito ay inangat ko ang tingin ko sa langit na ngayo'y may mga star na.

"Ikaw na muna mag order"

"Mommy?"

"Hmm"

"Bakit hindi po ka'yo makatingin samin ng maayos? At shaka mommy bat ganyan na po kinikilos nyo ngumiti lang naman si daddy ah" Napanganga ako sa sinabi ng anak ko at napabaling ang tingin sa kanya.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya na dahilan upang mabaling ang tingin ko kay Marius na ngayo'y naka kunot noo pero nawala din 'yon at agad itong ngumiti.

"Basta mag order na kayo"

"Ginataang alimango po sa akin"

"Sinigang na baka sak- I mean. Ano ba 'to. Ah basta sinigang na lang"

"Bangus or hipon?"

"Hipo- I mean bangus, sinigang na bangus"

"Kayo po sir? Ano po order nyo?" Napanguso ako at napatingin sa anak ko na ngayo'y nakatingin sa akin. Nginitian ko ito at nginitian rin ako nito na ikalabas ng kanyang dalawang dimple sa magkabilaang pisngi.


"Wow ganda" Saad ng aking anak.

"Do you like it?" Rinig kong tanong ni Marius sa anak namin.

"Opo"

"How about you Aurora?" Napatigil ako sa pagtingin sa paligid at napaharap rito.

"No"

"Why?"

"Kasi, I don't like it" Hindi ito sumagot pero tatalikoran na sana ako ng magsalita ako na ikatigil nya. "Because, I love it" Saad ko at napangiti.

"You love it?" Kinoutan ako nito ng noo na ikatungo ko bilang sagot.

Naglakad ako papunta sa tapat ng kama at binagsak ang katawan rito. Nakaramdam ako ng may sumampa at yumakap sa likuran ko pero napapikit na lamang ako hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising na lamang ako ng nauuhaw ako na ikaupo ko at napababa sa kama. Pagkababa ko ay tumingin ako sa kama at nakita doon na nakahiga si Lucian habang natutulog.

May napansin naman akong nawawala na ikakunot noo ko.

Asan si Marius?

Naglakad na lamang ako keysa problemahin si Marius kung nasaan ito. Nag tungo ako sa kusina. Pagkapunta ay binuksan ko ang ilaw rito at kumuha ng baso saka naglagay ng malamig na tubig na kinuha ko sa ref saka ininom ito.

Pagkatapos uminom ay naglakad ako patungo sa mga cabinet at naghanap ng popcorn, nang makakita ay inilagay ko 'yon sa lamesa at naghanap ng mantika at nang makahanap ay binuksan ko na ang kalan at niready ang mga kakailanganin.

Pinatong ko sa kalan ang kaldero sabay lagay ng maraming mantika dito, nang uminit ay nilagay ko ang mga popcorn at tinakpan ito. Pagkatapos ko itong gawin ay umupo ako sa isang upuan.

Pagkaupo ay inangat ko ang paningin sa harap at nagulat na lamang ng makita si Marius na ngayon nakaupo at nakatingin sa akin.

"Marius naman" Saad ko rito at napahawak sa dibdib. Kaagad naman akong umayos at tumikhim dahil tumahimik sa aming paligid.

"Nauuhaw kana ba or nagugutom?"

"Thirsty" Saad nito. Tumayo ako at nag tungo sa harap ng ref. Nang nasa harapan ako ng ref ay bubuksan ko sana ito ng may maalala ako.

Humarap ako kay Marius pero pag kaharap ko ay may tumolak sa akin dahilan upang mapadikit ako sa ref.

Itutulak ko sana ito ng hawakan nya ang mga pulso sa mga kamay ko at itinaas 'yon sa taas ng ulo ko saka ako hinalikan.

Ang tangi ko lamang nagawa ay ang magwala at ng mapagod ay unti unti na akong napatugon sa halik nya.

Tanging tunog lamang ng nagsisiputokan na popcorn ang nagsilbing ingay sa paligid namin.

Napadilat ang mga mata ko ng humiwalay ito sa halikan. Ngumisi ito at tinalikuran na ako saka nagsimula na itong maglakad papunta sa harap ng kalan na nilulutoan ko ng popcorn.


A E S T R I A R Y A

CBS 1: Hiding The Mafia Boss's Son ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon