C H A P T E R T W E N T Y

3.4K 42 0
                                    

Pinalibot ko ang aking paningin sa buong resort na pinuntahan namin rito sa pampanga.

"Hmm, so fresh" Bulong ko ng maramdaman ang simoy ng hangin. Napapikit pa ako dahil sa simoy ng hangin na ito. Hangin na minsan mo lang malalanghap at minsan mo lang mararamdaman.

Pagkadilat ko ng aking mga mata ay napadako ang aking tingin sa dagat na ngayo'y payapang umaagos.

Makalipas ang ilang minuto sa kakapalibot ng aking paningin sa paligid ay tumayo muna ako sa pagkakaupo at tumalikod sa tanawin ng resort.

"Aray!" Kaagad akong napatili ng bumangga ako sa kung saan.

Inangat ko ang aking paningin upang malaman kung ano ang nabangga ko.

"Marius" Gulat kong saad ng makita ang mukha nito.

"Excuse" Maglalakad na sana ako upang iwanan siya ngunit nakakaisang hakbang pa lamang ako ng hawakan nito ang aking pulso at hilain ako papasok sa loob ng kwarto namin ni Lucian.

"That kid" Tinuro nito sa Lucian na payapang natutulog. "Who is his father?" Humarap ito sa akin ng naka salubong ang mga kilay at nameywang.

"Si Jack syem-. . ."

"Don't you dare to lie. Answer me; I'm his father, right?" E? Alam naman pala nya, bat nag tatanong pa.

"Alam mo naman pala e, bat nag tatanong kapa?" Tanong ko rito at napairap. Pero huli na ng napagtanto ko ang aking sinabi.

Hinarap ko ito at magsasalita na sana ng mag salita ito.

"Great, thanks for being honest"

Jack is calling.

Kaagad kong sinagot ang tumatawag na si Jack at ipinatong ang aking telepono sa tenga.

Kamusta?

Ok lang naman, ikaw ba?

Ganon den.

Nakarating na kayo sa resort?

Oo, ikaw? Nakauwi kana ba?

Gano-. . .

Toot toot.

Kaagad akong napatingin sa cellphone ko ng mamatay ang call naming dalawa ni Jack. Lowbat na pala.

Naglakad ako papuntang kama at nag charge sa malapit na saksakan. Ichacharge ko na sana ang phone ko ng may mag salita.

"Nanay! Nanay!" Nabitawan ko ang charger at ang cellphone dahil sa sigaw ni Lucian. Kaagad akong lumapit rito at inalo ito upang mapatahan.

Nang maramdaman ko na maayos na ang tulog niya ay umupo ako ng maayos at chinarge ang phone ko. Pagkatapos ko itong maicharge ay humiga ako sa tabi ng anak ko. Yayakapin ko na sana ito ng may kumatok mula sa pinto ng kwarto namin.

Bumangon kaagad ako at tamad na naglakad patungo sa pintong iyon. Pagkapunta ay binuksan ko iyon at naipataas ko ang aking kaliwang kilay ng bumungad si Marius.

"Anong ginagawa mo rito?" Hindi ako nito sinagot at basta na lamang pumasok sa kwarto namin ng walang kibo.

Kaagad kong naisara ang pinto at saka sinundan si Marius.

Nang maabotan ko ito ay hahawakan ko na sana sya ng yumoko ito dahilan para muntik na akong matalisod. Nagpa meywang ako sa likoran nito at mag sasalita na sana ng tumayo ito at sumampa sa kama.

      Aba't, trespassing na nga, nagawa pang tumabi sa anak ko.

Umiling iling na lamang ako at sumampa na lang den sa kama at tinabihan sila.

CBS 1: Hiding The Mafia Boss's Son ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon