C H A P T E R N I N E

5K 81 0
                                    

Kaagad akong napasigaw ng biglaang niliko ni Rori ang sinasakyan namin. "Rori!". Nang ideretsyo ni Rori ang pinapatakbong sasakyan ay naugtog ako.

"Aray. Dahan dahan naman" Napataray kong sabi rito kay Rori. Nagpaunmanhin ito ngunit hindi ko siya tinugonan.

"Sorry po"

Tumingin ako sa side mirror na sakto namang may sumolpot na black na motor na may nakasakay na kasoutan ay puro black. Napataas ang dalawa kong kilay sa pagtataka at saka ko nalamang na alala na nasa panganib kaming dalawa ng secretarya ko.

"Rori bilisan mo, mapapatay nila tayo!" Sigaw na sabi ko sa secretarya ko. Lalo naman niyang pinabilis ang takbo ng sinasakyan namin.

"Rori, mag ingat ka naman sa pagpapatakbo!" Sigaw ko. Ilang sandali pa ay nagdahan dahan ito sa pagpapatakbo ng sinasakyan pero sabay kaming napayuko ng may nagpaputok.

Nawala sa balance ang takbo ng sinasakyan namin pero ng maka get over na si Rori sa nangyari ay binilisan nito ang pagpapatakbo ng aming sinasakyan.

Napahawak ako sa aking seat belt at pumikit. Rinig ng mga putok na baril ang mga naririnig ko sa paligid na naging dahilan upang mag si unahan ang tulo ng mga luha ko.

Ayuko pa, gusto kopa mabuhay.

Napadilat ang aking mga mata ng makaramdam na hihinto kami, napakapapit ako dahil roon. Nang huminto ay napalunok ako dahil pagkahinto na pagkahinto ng aming sinasakyan ay ang paghinto at pagikot naman ng mga sumosunod sa amin.

Ngayon ay pinapalibotan na kami ng mga puro naka black at naka shade.

Maya maya lang sa pagtitigan namin lahat ng nasa harap namin, ay nakarinig ako ng parang may nangangalikot. Tumingin ako rito at sakto namang naisarado iyon.

Napatingin ako sa baril na hawak hawak ni Rori at ilang segundo na tinititigan ko 'yon ay kinuha niya ang aking kanang kamay at ipinatong ito sa aking palad. Nabigla ako sa ginawa nya at aalisin na sana iyon sa kanang kamay ko ng hawakan niya ito ng mahigpit.

"Ma'am" Inangat ko ang tingin ko at umiling sa harapan ni Rori.

"You need this, sakali mang may magtangkang bumaril sayo ay gamitin mo 'to. Pagkahinto ng bilang ko mula sa tatlo ay tumakbo ka palabas sa kotse na ito" Nginitian ako nito pero umiling ako sa kagustohan niya.

Ipinagsaklob nito ang aming mga kamay at nanghalik ng smack rito saka umopo siya ng maayos.

"Magingat kayo Ma'am" Ibinuksan nito ang pinto ng sasakyan at hahawakan kona sana ito upang pigilan ngunit huli na dahil kaagad itong nakalabas.

Pumikit na lamang ako ng mariin bago mag ayos ng sarili at ginawa ang dapat gawin para makalabas ng ligtas.

Tumingin ako kay Rori pero napababa ang tingin ko sa kaniyang kamay na ngayon ay may tinuturo. Tinignan ko ito at ang nakita ko ay ang kamay nitong may hawak ng baril.

Nag senyales ito ng mga bilang hanggang sa nag uno.

Kaagad akong lumabas at pumasok sa gubat. Pero dipa ako nakakalayo ay nagtago ako sa isang puno, napatakip ko ang aking mga bibig saka nanginig ng makita ko ang sunod sunod na pag baril nila kay Rori na ngayo'y puro dugo ang lumalabas sa kanyang bibig at nakatayo sa kanilang gitna.

Sinubukan kong umatras ngunit may kung ano akong naramdaman sa aking bandang braso na ikinasigaw ko.

"Ahh!" Tinakpan ko ang kaliwa kong kamay sa balikat ko na natamaan ng bala.

"Habulin nyo siya!" Rinig kong sigaw sa di kalayoan. Tumayo ako at sinubukang tumakbo rito sa napasukan kong gubat. Takbo lang ako ng takbo rito hanggang sa napaluhod ng matamaan ako sa bandang likod.

Sana naman hindi ako mapuruhan.

Pilit ko namang tumayo at tumakbo. Huminto ako sa tabi ng maramdaman kong wala ng sumosunod sa akin. Kaagad kong pinunit ang baba ng dress ko at inayos iyon; ng maayus ito ay pilit kong kinuwa ang bala sa braso ko.

Napapikit ng mariin at pilit hindi nag iingay sa sakit na nararamdaman. Nang matapos ang pagkuha sa balikat ay pinilit kong kuhanin ang bala na nasa likoran ko. Matapos ang pagkuwa ng mga bala ay binalot ko ang braso ko ng tela galing sa kasuotan ko at sa likod den. Wala na akong pakielam kong magpakita na ang kalooban ng kasuotan ko, ang basta nasa akin ay ang hindi pag agos ng mga dugo mula sa mga natamaan.

Nang matapos sa ginagawa ay nadako ang attention ko sa mga bala, dahil doon ay nagpunit ulit ako ng tela sa suot ko at sa pinunit kong iyon ay nilagay ko roon ang dalawang bala dahil pwedi pa ito gawing ebidensya para mahanap sila. Nang mabalot 'yon ay inipit ko yun sa short ko.

Nang alam kong kaya kona ay tumayo ako at nakiramdam sa paligid. Luminga linga ako at napatingin sa hawak kona baril. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko ito gusto at wala akong training o kaalam alam sa pag gamit ng baril.

You need to be strong aurora

Huminahon muna ako bago tumakbo. Palinga linga ako habang tumatakbo dahil baka may sumolpot o may nakatago. Kaagad akong napasandal sa puno ng makakita ang lalaking katulad kanina.

Hinarap ko sya at tinutukan ng baril na ikinataas ng dalawa niyang mga kamay. Binaril ko ang nasa likoran nito kahit puno lamang iyon.

Napatingin sya doon kaya nagkaroon ako ng changes para tumakbo. Habang natakbo ay paiwas iwas ako sa mga balang pinapaputok nito hangang sa dumadami na ito at nag sisisulpot ang mga kalahi niya, laking pasasalamat na lamang at hindi pa ulit ako natatamaan ng bala.

Napahinto ako sa pagtakbo ng wala na akong maapakan na lupa. Napa atras ako at napatingin sa likoran.

Lahat sila ay may hawak na mga baril at nakatutuk iyon sa akin. Tumingin ako sa likoran ko at napalunok ng makita ang malalakas na alon na sumasampal sa lupa.

Pumikit ako at saka nag desisyong tumakbo; tumakbo ako ng hangga't sa makakaya ko saka tumalon at lumobog sa dagat.

Napasigaw ako sa sakit ng matamaan ang aking katawan dahil naramdaman ko ang pagbaon ng bala sa sugat na natamo ko kanina lang.

"Ahhh!" Sinubukan kong lumangoy ng lumangoy, ng pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga ay umahon ako ngunit hindi kaagad ako nakaahon dahil sa malakas na alon.

Sa huli ay tuloyan na akong nagpadala sa dagat dahil pinagbabaril na nila ang bahagi ng dagat na tinalonan ko. Pagkailalim ko ay tumingin ako sa paligid ng taas, nagbabakasakaling may bangka man na dumaan. Ngunit mula sa malinaw na dagat tubig ay nakikita kong makulimlim at kumokulog na.

Mawawalan na sana ako ng pag-asa at ipipikit na sana ang mga mata ng makakita ng patusok. Dinilat ko pa ang aking mga mata at nakitang may dumadaan na bangka.

Lumangoy ako upang makapunta roon pero may humawak sa paa ko na unti unti kong paglubog. Mula sa baril na nasa aking kamay ay tinutok ko ito sa humawak sa akin at binaril ito.

Nabuka ang aking bibig sa biglang pag agos ng dugo nito kung kaya nawalan ako ng balance para huminga.

Pinilit kong lumangoy upang makalapit sa bangka pero pagkaahon ko pa lang ay nag blublurb na ang paningin ko.

Hindi ko na kaya.

Sa huling pagkakataon na alam kong ikakaligtas ko. Itinaas ko ang aking mga kamay at sumigaw "Tulong!". Pagkatapos ko itong mabanggit ay sya naman nitong ikadilim ng paligid ko.

A E S T R I A R Y A

CBS 1: Hiding The Mafia Boss's Son ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon