Matapos malaman na buntis ako ay nag desisyon na lamang akong itago ang bata. Hindi sa pagiging selfish kundi para na rin sa kasiyahan ng mag asawa at para na rin sa kaligtasan namin ng magiging anak nya.
Ngayon ay naririto ako sa tapat ng tindahan at bumibili ng makakain para sa dalawa.
"Opo tas 'yung vitamilk na flavor is chocolate" Sagot ko sa tindera.
"Ito" Inabot naman niya sa akin ang mga pinimili ko. Kinuha ko ang mga 'yon at nag hintay sandali para sa sukli. Nang maibigay 'yon ay dumiretsyo na ako ng uwe.
Pagpasok sa bahay ay dumiretsyo ako sa kusina at nag ayos ng baonan nila Jack. Nang matapos ay pumonta ako sa isang kwarto at ginising ang dalawa.
"Jack, gising na" Tinampal ko ang pisnge nito pero timalikod lamang ito kaya ka agad ko itong piningot sa tenga. "Hindi kapa ba gigising hah?!" Sermon ko rito dahilan para mapaupo siya at mapahimas sa kanyang tenga.
"Sorry naman" Paumanhin nito at humarap sa akin saka yumakap. Pinatakan ako nito ng mga halik sa aking balikat na ikatawa ko na lamang saka siya hinalikan sa noo.
Dahan dahan naman itong humarap sa akin na ikangiti ko. Ilang segundo pa kami sa ganoong sitwasyon hanggang sa pinaligo kona ito dahil may pasok pa sila saka nilipat ang attention sa isang batang natutulog.
Humiga ako sa tabi nito at hinamas ang kanyang buhok saka hinalikan ng smack ang kanyang noo at unti unting napapikit ang mga mata.
"Hmm" Napadilat ang aking mga mata ng mag unat ito. Tinignan ko ito at nakita syang unti unting dumilat.
"Nanay"
"Po?"
"Good Morning"
"Morning"
"Bumangon kana at ihahatid kapa namin ng dada mo sa school" Ngumoso muna ito bago tumongo saka ngumiti.
Umopo naman ito at nag papabuhat na ikasimangot ko ngunit binuhat ko rin naman sya bandang huli.
"Nanay, mabigat po ba ako?"
"Sakto lang"
Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin ang dalawa.
Nang malaman kong buntis ako ay tumigil ako sa pag aaral at si Jack din ay ganon. Pinipilit ko itong mag aral pero ayaw niya kase gusto nya akong alagan at ang magiging baby ko. Hindi niya totally inakop ang bata ngunit sya lamang ang naging gabay naming mag ina ng mga time na walang wala kami.
Simula nong alagan at suportahan niya kaming mag ina ay nagugustohan ko ito ng paunti-unti, hanggang sa napunta na nga sa pagmamahalan . Inamin ko sakanya ang nararamdaman ko at hindi ko ineexpect na parehas lamang ang aming nararamdaman para sa isat isa.
5 years old na ngayon si Lucian Miles Opheli - Lopez at may kulay amber brown eyes sya na katulad sa akin pero kamukang kamuka nya ang kanyang ama, sadyang kulay lang talaga ng mata ang pinagkaiba.
Meron syang amber brown eyes na may pagkamatangos ang ilong, may mapulang labi at dalawang dimple pero isa din syang tabachoy. Gusto ko kasi na malusog ang bata at dahil sa angking nitong kulay puti ay napa kacute nito.
Buti nga at nakakayanan ko itong buhatin.
"Nanay" Nakuha naman ng aking attention ang pagtawag sakin ng Anak ko. Tumakbo ito papunta sa akin at ngumiti na sinuklian ko rin naman ng ngiti.
"Tapus na po ako maligo" Sabi niya at inalog alog pa ako.
"Ok, umupo ka nalang doon para makakain na" Itinuro ko naman rito kung saang upoan ito uupo. Kaagad naman itong naglakad at umopo sa upoang iyon.
Sumonod naman ako sa aking anak at umopo sa isang bakanteng upoan. Hinintay pa namin si jack na makatapos maligo. Nang ito'y makatapos ay nag simula na kaming kumain.
Nang matapos sa pagkakain ay naligo na ako at si Jack naman ay nag hugas na ng plato.
Pagkaraan ng ilang minuto ay inaya kona ang mga ito na aalis na, na sila namang ikasunod.
Sa 6 years na pagtatago ko hindi ko ginalaw ang bank account ko dahil baka ma trace ako ng mga kumakalaban sa akin. Sa mga nag daang taong ding iyon ay patago akong nag tratraining sa gubat. Simpleng training lang naman ang ginagawa ko at ang mga ginagamit ko lang na sandata ay kahoy, sinturon, kutsilyo at pana na gawa sa kahoy.
Hindi ako nakakagamit ng baril dahil baka mahuli ako ni Jack.
May alam na si Jack tungkol sa pamilya ko at sa mga kumakalaban sa akin. Alam ren nito ang nangyari kung bakit ako na buntis pero syempre hindi ko kinuwento kung paano gumawa ng baby.
Pero alam kong alam nya kung paano gumawa.
Ayaw nitong sumang ayon na gumamit ako ng baril dahil ayaw nito na mag laban ako sa kanila. Ang gusto niya ay ang mga trabahador ng politica ang gagawa o kikilos kong paano gagawin para mairesolba ang agwatan at maprotektahan kami.
"Dito nalang po" Huminto naman ang sinasakyan naming tricycle kaya nag sibabaan kami.
"Ako na ang maghahatid sa kanya sa room" Sumang ayon ang kasama namin ni Lucian at saka ito nag abot ng bayad sa driver.
Nagtungo naman kami sa room nito at ng kami'y makapunta ay inilapag ko ang kanyang bag sa gilid nito saka yumoko upang makausap ang bata.
"Lucian, makinig ka sa teacher at wag kang sasama kahit kanino kahit kaibigan pa namin yan. Hintayin mo kami rito" Tumongo ito sa binilin ko saka ako hinalikan sa aking noo.
"Mahal ka ni Nanay"
"Mahal karin po ni Lucian" Napangiti ako sa tugon nito. Nang ito'y matapos halikan ang aking noo ay ako naman ang humalik sa kanyang noo saka nag paalam na.
A E S T R I A R Y A
BINABASA MO ANG
CBS 1: Hiding The Mafia Boss's Son ( UNEDITED )
RomanceWRITE: 051822 COMPLETE: 010623 Unedited Aurora was a straightforward, helpful, respectful, and nice person. She grieved that she was not present when her parents died in a vehicle accident. Due to her parents' debts, she had no idea where to get th...