C H A P T E R T W E N T Y N I N E

2.3K 32 0
                                    

"Hindi naman po sa ganon”

Tinabihan ni Marius ang bata dahilan upang mapagitnaan namin ang bata.

Humangin ng malakas na ikapikit ko at niramdam ang hangin.

“Ang fresh ng air” Bulong ko.

“Mommy, amoy usok po” Napadilat ako ng mag salita ang anak ko saka ko na amoy ang usok. Kaagad kong tinakpan ang ilong ng anak ko.

“Saan galing ‘yung usok?” Tanong ko at tumingin sa paligid.

Nahinto ang tingin ko sa sasakyan na humaharorot.

Napayakap ako sa anak ko ng sumalubong sa amin ang makapal na usok na nanggaling sa sasakyan.

Bigla akong nakaramdam ng may yumakap sa likod ko pero diko na lang ‘yon pinansin dahil ang iniisip ko ay ang anak ko.

Sa usok na dala ng sasakyan ay nahirapan akong huminga sa kadahilanan na pinipigilan kong umobo, halos mapaiyak na rin ako dahil sa lalamunan ko.

Nang makaramdam ng walang usok na nangagaling sa sasakyan ay humiwalay ako ng yakap at agad napahawak sa dibdib saka napa talikod sa kanila at napa ubo ng umobo.

May humahagod naman ng likod ko samantalang ubo lang ako ng ubo. Pagkatapos kong umobo ay pinunasan ko ang mga luha ko.

Tumayo ako at pumonta sa lalaking nag drive ng sasakyan.

Nakasalamin ito habang may inalalayan na babae.

Nong nasa harap kona ito ay s'ya ko namang pinaharap s'ya sa akin. Kaagad ko itong sinampal pag kaharap na pag kaharap nito.

"Hoy, ikaw na lalaki ka. Ang pasikat mo naman masyado. Mag papausok ka na ngalang, sa harapan pa namin”

Pagkatapos na pagkatapos ko s'yang sabihan ay siya ko naman pagbalik sa pwesto namin kanina.

“May baby boy, are you ok?” Tanong ko at iling naman ang sinagot nito.

“Ano masakit, saan? Patingin nga, malaki ba o maliit? Malalim ba o hindi? Nasaan huh? Nasaan? Halika nga, pumasok tayo sa loob” Tumayo kami at inalalayan ko s'yang tumayo.

"Marius! ‘yung bata! May masakit daw sa katawan n'ya!” Sigaw ko at hinanap si Marius. Nakita ko itong nakatingin lang sa amin at hindi nakilos.

“Marius, ano ba!” Sigaw ko rito at hinampas siya sa kanyang braso.

Kaagad nitong kinarga ang bata at dumiretsyo sa loob samantalang ako ay sumunod.

“Ahh, daddy!” Sigaw ng aking anak habang ito'y karga ng kanyang ama. Napapikit na lamang ako at napapaiyak na dahil sa nangyayari sa anak ko.

Pagkapasok namin sa loob ng mansion ay nilapag ni Marius ang bata sa sofa na ikadali kong kumilos para maasikaso si Lucian.

“Emergency kit!”

“Nak, nakikita mo ba ‘ko?” Tanong ko ng mangiyak ngiyak dahil nakikita ko na itong nanghihina. Hinimas ko ng maayos ang noo ng bata at napakagat labi.

“A-aray”

“Sa’n masakit?” Tanong ko at chineck ang katawan nito. Nang ma icheck ko ang katawan nito, nakita ko sa kanyang tagiliran ang isang maliit na pana.

“Marius, may pana si Lucian”

“What?!”

Tinignan ko ng maayos ang pana at nakakita rito ng isang maliit na papel.

“Marius, may papel” Saad ko at tinignan si Marius na ngayo’y unti unting tinatanggal ang pana sa bata.

“A-ahh da-daddy”

“Shh, everything will be alright my son” Saad ni Marius.

Nang makuha ni Marius ang pana ay kaagad kong kinuha ang isang maliit na papel na nasa pana.

“Malalim sugat nya Aurora. Kailangan nating ipatahi” Tumayo ito saka kinarga ang bata.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating kami sa hospital.

“Nurse help! Help us please!” Sigaw ko. May mga nag sitingin sa amin at meron deng nag sibulongan pero hindi ko na lamang ‘yon pinansin.

“Baby. Mommy and daddy is here huh. Don't be afraid sa gagawin sayo”

“Ano pong nangyari sa bata?” Kaagad akong napalingon ng may mag tanong.

“Nurse, na pana po ‘yung anak ko. Patahi naman na kaagad baka kasi maubosan ng dugo ‘yung bata” Mangiyak na mangiyak kong pakiusap sa isang nurse.

“Sige po ma’am” Kaagad nitong saad.

May mga pumunta sa aming mga nurse at sama sama nilang hinatak ang wheelchair na kung saan nakaupo ang bata.

Sumonod kami sa kanila at pinagbawalan ng sumonod ng makapunta sa tapat ng emergency.

“Hanggang dito na lang po kayo. Bawal pong pumasok”

Napaupo ako sa gilid ng upoan at napapikit.

Ano bang nangyayari? Ba’t nadadamay ang anak ko.

“Where's my phone?” Kaagad kong banggit ng maalala ang secretarya ko.

Dumilat ako at kaagad kinuha ang cellphone saka ito tinawagan. Sa unang tawag ay hindi n'ya ito na sagot ngunit sa pangalawang tawag, dito n'ya na sinagot.

ON CALL.

Who is this?

Atty. Lexus?


Yeah, and you-. . . Owh, Aurora.

Ehem, kamusta?

Ba’t na sa'yo phone ng secretary ko?


Uhm

Hays, before that. Alam mo ba kung saan nakatira si Marius?


Actually yes

Pwede ka bang pumunta do’n then paimbestigahan ‘yung nangyari sa garden and ‘yung about sa pana.

Sa cctv ka muna mag check.


Sige, pupunta na’ko do’n.

Ay teka-. .

*Toot toot.

Kaagad kong pinatay ang tawag at inangat ang tingin sa pinto.

Ilang minuto akong nakatitig at naghihintay na may lumabas. Hanggang sa lumabas na nga ang doctor at sinalubong ako nito ng mukhang seryoso.

“Ms. Opheli and Mr. Conan”

“Kamusta na po ang anak ko doc?” Tanong ko at hinarap ito.

“Sa ngayon, ok na ‘yung bata. Natahi na rin namin ‘yung sugat nito so be careful everytime pag dating sa kanya dahil nga sa may tahi s'ya at sa bandang tagiliran pa. Then tago ang tahi, so may change na baka madanggi ka agad”

“ ‘yon lang po ba?”

“As of now, yes”

“Hmm, thanks”

“Welcome. Pwede nyo na rin siyang maiuwi”

A E S T R I A R Y A

CBS 1: Hiding The Mafia Boss's Son ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon