C H A P T E R T H I R T Y O N E

2.6K 33 0
                                    

"Welcome to japan Lucian" Ngumiti ito sa akin saka binalik ang kanyang tingin sa harap ng mga nag aayos ng airplane.

"Halika na po" Hinawakan nito ang kamay ko at hinatak papasok sa loob ng airport. Nang kami’y makapasok ay kaagad kaming dumiretsyo papunta sa parking lot at saka pumasok sa isang SUV na naghihintay sa amin.

Umandar ang sinasakyan namin na naging dahilan upang maging busy kami ni Lucian kakatingin sa labas ng bintana.

"Daddy gutom na po ako" Nalipat ang pansin ko kay Lucian ng mag salita s'ya. Tinignan ko si Marius na ngayo'y nakatingin sa bata.

“Later my son”

Tinuon ko na lamang ulit ang pansin sa labas na ikangiti ko.

         Hays, nakapunta rin ng ibang bansa.

Ilang minuto ang dumaan ay huminto na rin ang sinasakyan namin.

"Saan tayo daddy?”

“Mall” Napangiti ako ng kargahin ni Marius si Lucian.

Habang kami'y naglalakad ay may mga nag sitabi sa aming mga tuxedo men.

Hindi ko na lamang ito pinansin dahil bantay sarado na talaga kami ng anak ko simula nong mangyari ang gabing ‘yun.

"Wow dami toys" Napatingin ako sa paligid namin at nahagilap ng mata ko ang isang teddy bear na kulay asul.

Naglakad naman ako papunta ron at kinuha ‘yun.

"Lucian ang ganda oh" Saad ko at tumingin sa likoran pero wala sila sa likuran ko. Tumingin ako sa paligid at nakita ko silang naglalagay ng mga laruan sa cart.

Agad naman akong napatayo at naglakad patungo sa pwesto nila.

"Marius anong ginagawa mo?"

"Naglalagay ng laruan sa cart" Sagot nito at saka ito nag lagay ng robot sa cart.

"Excuse me? That's not my meaning, ang meaning ko bakit mo masyadong iniis-poil ‘yung anak mo?"

Tanong ko rito at napahawak sa braso n'ya na ikatigil n'ya. Napatingin ito sa kamay kong nakahawak sa braso nya.

Kinoutan ko ito ng noo.

"I want to spoil him" Sagot nito. Inangat nito ang tingin n'ya sakin na ikaiwas ko.

"Hindi pwede Marius"

"And why?" Tinignan ko ang bata na ngayo'y tumitingin ng mga laruan na nilagay nila sa cart.

Nasa cart din naman sya, pero tumatayo pa ito para makakuha ng ibang laruan kumbaga nasa gilid na gilid ang cart na hawak ni Marius.

"Masasanay ‘yung bata" Tinignan ko ito sa mga mata n'ya.

"I don't care, marami akong pera at sa totousin kaya ko pa syang bilhan ng mansion, mall, helicopter-. ." Sinamaan ko ito ng tingin kaso hindi n'ya nako pinansin.

Bumalik ito sa paglalagay ng mga laruan sa cart na ikalagay ko na rin ng teddy bear.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil masyado n'ya ng iniis-poil ang bata.

Inayos ko na lamang ang buhok ko at hindi na ito pinansin pero ‘yung anak ko ay pinapansin ko naman.

Hanggang sa makapunta kami sa magarang bahay ay hindi ko pa rin siya pinapansin.

Napangiti na lamang ako dahil pang japanese ang style ng bahay pero maliit lang s’ya at malawak sa harapan ng pinto.

Nagtungo naman ako sa harap ng bintana at binuksan ko ‘yun at bumungad sa akin ang magandang tanawin na gusto ko.

Tahimik lamang na naagus ang dagat at ang mga bituin naman ay napaka gandang tignan.

"Aurora you need to rest" Hindi ko naman ito  pinansin. S'ya na ang nagsara ng bintana pero padabog ito.

"Mommy, punas n'yo po ako" Lumapit naman ako rito at hinawakan ang kaliwa nitong kamay.

MARIUS POV

Napasalubong ang mga kilay ko ng kanina ko pa napapansin na hindi ako pinapansin ng babae.

Sinundan ko sila hanggang sa makapunta sa tapat ng C.R.

"Kumoha muna pala tayo ng damit Lucian"

Tumalikod ako sa kanila at nag madaling pumonta sa mga gamit nila.

Naghalukay naman ako doon at kumuha ng damit na pantulog at damit panloob ng anak ko.

Humarap naman ako sa pinag talikodan ko at bumungad sa akin ang nakangangang bibig ni Aurora.

"Anong ginawa mo?" Napakunot noo naman ako sa naging tanong nito.

“Naghalukay hindi ba obvious?” Sagot ko. Napapikit ito ng mariin at ng dumilat ang mga mata nya ay sumalubong ang mga kilay nito.

"Yes nag halukay ka nga, pero hindi mo naman dapat kinalat ng ganyan ‘yung mga damit ni Lucian. Marius naman. Gagamitin ‘yan ng bata tapos bababoyin mo lang ng ganyan"

"Kumukuha lang naman ako ng damit, masama ba ‘yun?"

"No"

"No! At shaka k-. .. . ."

"At shaka ano? huh. Kaya mung iutos na iligpit ‘yang mga ‘yan ng maayos gaan sa mga tauhan mo ak-. . .

"Yes because I'm their boss" Napahawak ito sa noo na problemado.

Kinuha niya ang damit na nasa kamay ko at sunod naman nito ay binihisan n'ya na ng damit ang aming anak.

Nagulat na lamang ako ng banggain ako nito ng biglaan at kinuha ang mga damit ni Lucian sa sahig at inilagay ‘yun sa bag na pinaghalukay ko.

Isinukbit n'ya ito sa kanang balikat at kasunod non ay ang bag nitong mga puro gamit nya na isinukbit n'ya sa kaliwang balikat.

"Halika na Lucian"

"Bakit po?"

"Why?" Napasalubong ang mga kilay ko ng mapagtantong aalis sila.

"Aal-. ."

"Hindi kayo aalis"

"Aalis kami sa ayaw at sa gusto mo at shaka hindi lang naman ikaw ‘yung may malaking perang hawak dito" Magsasalita pa sana ako ng unahan  ako nito.

"Kaya kitang kasohan kapag hindi mo kami pinaalis"

"At anong ikakaso mo sakin?" Natahimik ito sa sinabi ko.

"Basta kung ano pwede ikaso" Agad ko naman itong hinawakan ng mahigpit sa braso nya dahilan para mapaiyak ito.

"Marius masakit"

"Hindi kayo aalis hangga't na sa pamamahay ko kayo"


A E S T R I A R Y A

CBS 1: Hiding The Mafia Boss's Son ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon