C H A P T E R S I X T E E N

4K 67 0
                                    

Limang linggo na ang nakalipas at napunta na sakin ang lahat ng kayamanan ko at ang naiwan nila mama.

Binalik kona rin naman sa dati ang flower shop namin dahil nga pinalitan ito ng bar. Bukod doon ay napa alis narin ang mag asawa sa mansion at ang kaso naman kay manang ay nalutas na.

Nakulong si Kaila at si Miss Hantie habang ang pamilya ni manang ay binigyan ko ng trabaho sa kumpanya ko pero yung mga hindi nga lang graduate and yung nasa legal age na.

Sa mga sinira nyang building na naiwan nila mama ay hindi na ako nakapag patayo ng building doon dahil napalitan na ito ng mga Compi Hotel. Sa mga pinatayo naman na building ni Kaila ay pinasabog ko ito para deretsyong masira pero syempre alam iyon ng gobyerno.

Bumili na lamang ako ng malaking building na halagang 5 billion. Inubos ko ang lahat ng pera ko doon sa building na iyon pero nong hindi kopa nabili 'yon ay bukas na ang mga flower shop ko kaya may pumapasok na pera at may mga nag papadeliver na din naman kaya halos ganun na lang ang halaga ng pera ko.

Nagpapasalamat na lamang ako dahil malaki ang mga pera na pumapasok sa amin.

Nang maibili ko naman ang building ay marami namang bumili at maraming nag padeliver ng mga flowers kaya halos naging billion ulit pera ko. Sampong flower shop lamang ang naiwan nila Mama sa akin pero ginawa kong bente 'yon.

Itong mga nakaraang mga linggo ay naging busy ako dahil sa kaka asikaso ng mga kailangang asikasuhin kaya hindi ko nabibigyan ng time ang pamilya ko. Kaya nag take ako ng isang linggo para sa bonding namin at naging masaya naman ang bonding.

Wala pang one week ay na asikaso na ng dalawa ang kaso kaya naging busy ako ng dalawang linggo. Kinabukasan kasi ng pag uwi ko ay nakatanggap ako ng text na unknow pero galing kay Atty. Lexus pala iyon kaya naging dalawang linggo ako naging busy. Pangatlong Linggo ang isang linggong bonding namin at ang sa dalawang linggo ay hinati ko ang oras ko sa pamilya ko at sa trabaho ko at ngayon ay nandito kami ni Lucian sa mall habang hinahanap ang hypermarket.

"Baby ayon oh" Tinuro ko sa aking anak kung saang banda ang hypermarket na ikangiti naman nito.

"Let's go Nanay, bili na tayo Ice cream" Pumasok kami sa loob ng hypermarket saka nag hanap ng Ice Cream dito.

Nag ikot kaming dalawa para makahanap ng Ice Cream pero wala kaming nakita kung kaya nag pabalik balik kami.

"Nanay pagod na po ako" Napasimangot ito pero hinimas ko lamang ang kanyang buhay at nag salita.

"Isa pa ok? Tapos pag wala ulit tayong nakita dito ay maglalaro na lang tayo sa Tom's World at pagkatapos non ay uuwi na tayo pero bago tayo umuwi ay bibili tayo ng Ice Cream sa seven eleven"

"Ok po" Cute nitong saad na ikahalik ko sa kanyang noo ng smack at tumayo sa pagkakapantay sa kanya.

"Halika na Lucian" Saad ko rito at tumingin sa paligid saka humarap kay Lucian.

"Lucian?" Tumingin ulit ako sa paligid saka napasigaw ng hindi ko ito makita. "Lucian!".

       Bat bigla na lang na wala 'yon?

"Lucian! Lucian! Anak! Nasaan ka?! Lucian!" Tumakbo ako rito saka tumingin tingin sa paligid upang mahanap ito ngunit hindi ko ito mahagilap.

Kaya sa huli ay sumuko ako at nag desisyon na lamang na ireport ito sa office ng mall na 'to. Ngunit hindi pa ako nakakapunta roon ng may mahagilap ang aking paningin ng isang pamilyar na bata.

"Lucian!" Sigaw ko. Humarap ito sa akin at ngumiti.

"Nanay!" Tumongo ako kung nasaan siya at ng ako'y makapunta sa tapat nito ay yinakap ko ka agad ito ng mahigpit.

"Na-nanay dina po ako ma-makahinga ng ma-maayos" Sa kanyang sinabi ay napahiwalay ka agad ako saka chineck ang buong katawan nito.

"Bat humiwalay ka kay nanay huh?" Tanong ko rito saka hinarap ito sa akin. Hinawakan ko ang kanyang mga pisngi at napakagat labi.

"Diba sabi ko sayo nong nasa bahay pa tayo ay wag kang lalayo kay Nanay diba? Bat lumayo ka huh?" Ibinaba ko ang aking mga kamay at saka hiwakan ang kanyang mga kamay.

"May nakita po akong boy na kamuka ko and may hawak po syang Ice Cream na nasa cup kaya tumakbo po ako tas lumapit sa kanya para tanongin po siya kung saan niya po 'yon nabili" Mahabang paliwanag nito.

"Sige, pero sa susunod. Magpapaalam ka na sa akin" Tumongo ito ng naka nguso na ikangiti ko.

Tumayo ako at tinignan ang mga taong pinuntahan ni Lucian.

"Hello po. Salamat po pala at hindi nyo po napabayaan 'yung anak ko. Hindi naman sa pabayang ina pero diko po kasi naramdaman na tumakbo siya papalayo o umalis man sa tabi ko. Sorry and thank you" Ngumiti ako sa kanila na tinugonan naman nila ng ngiti.

"Anak mo?" Nakuha ng aking attention ang nag tanong kung kaya nabaling ang aking paningin sa kaniya.

"Oh, Atty. Lexus" Tinungoan ako nito at nginitian.

"Ah oo, anak ko. Siya si Lucian"

"Hello Lucian" Hindi nagsalita ang anak ko ngunit tinugonan lamang niya ito ng isang ngiti at kaway.

"Ahm, mauna na po kami. Salamat po"

"Aalis na kayo?"

"Oo bakit?"

"Sumabay na kayo sa amin. Baba na rin kami e" Umiling ako rito at nginitian na lamang siya.

"Siguro, sa susunod na lang kung magka salubongan ulit tayo. Uhm, kasi ano e. Kailangan den naming pumunta ng Tom's World" Nginitian ko sila ng pilit at saka napakagat ng labi.

"Hmm, sige. Oh, kilala mo na ba sila?" Tinuro nito ang kanyang mga kasamahan. "Hindi".

"Ah, ito si Mommy. Lian Kie Conan ang pangalan niya" Pakilala nito sa isang ginang.

"At ito naman si Daddy. Jed Morgan Conan naman ang name niya" Ang gwapo naman niya.

"Ito naman si Caspian Morgan Conan" Nginitian ko ito pero hindi niya ako pinansin. Awtss, gwapo mong maging masungit.

"Hello po" Napatingin ako sa Anak ko ng ito'y mag salita. Naglakad ito at may nilapitan. "Hello po, kamukha po kita".

"Nanay" Kinoutan ko ito ng noo. "Bakit?".

"Ano po name niya?" Nag taka ako sa tinanong nito kung kaya nilingon ko ang tinutukoy nito.

     Marius.

I don't know why pero parang huminto ang mga nasa paligid ko at tumibok ng mabilis ang aking puso.

"Nanay" Napakurap ako ng may humawak sa kamay ko.

"Lucian"

"Ano po name nya?" Hindi ko ito sinagot pero hinawakan ko ang kanyang kamay ng mahigpit.

"Nanay, masakit" Nabitawan ko kaagad ang kamay nito ng tawagin niya ako. Nawawala na ako sa tamang pag iisip.

"Sorry"

"Si Kuya Marius Morgan Conan siya Lucian. Panganay sa aming mag kakambal".

"Morgan? Bakit puro Morgan po kayo?"

"Hindi ko alam"

Nakatingin lamang ako sa ama ng anak ko habang nagdadaldalan sila.

Umiwas na lamang ako ng tingin at sumunod sa kanila.

Sa nagdaang oras ay kay Marius at Lucian lamang nakatutok ang attention ko. Paano ba naman kase, mag kasama sila kanina pa at hindi lang iyon. Magka holding hands pa.

"How are you?" Hindi ko pinansin si Marius ng bumulong ito sa akin.

"Are you tired?" Hindi ko ulit ito pinansin at pinagpatuloy ang pagpapatulog sa aking anak.

Nandito na kami sa kotse at ginigitnaan namin ang bata.

"Anyway, nice to meet you"

A E S T R I A R Y A 

CBS 1: Hiding The Mafia Boss's Son ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon