C H A P T E R E I G H T

5.3K 86 1
                                    

Nagising ako ng nakakaramdam ng sakit ng katawan.

Umupo ako ngunit ng maigagalaw kona ang aking hita ay sumakit ang gitnang parte ko dahilan upang mapahiga ulit ako.

Maya maya lang ay nag tiis na lamang ako sa sakit na nararamdaman saka bumaba ng kama.

Pagkababa ko ay agad kong hinanap ang aking shoulder bag at ng ito'y aking mahanap ay agad ko itong kinuha.

Binuksan ko 'yon at agad hinanap ang telepono ko; ng ito'y aking mahanap ay agad ko itong binuksan at inopen ang application ng phone. Pagka open ay agad kong hinanap ang number at pangalan ng secretary ko at tinawagan ito.

On call. . .

Yes po ma'am?

Pumunta ka dito kung nasaan ako naka lokasyon and mag dala ka ng t shirt at pantalon samahan mo na rin ng jacket.

Sige po ma'am

Pinatay ko ang tawag at kaagad na napaluhod dahil hindi kona kinaya ang sakit ng gitnang parte ko sabay dahan dahang gumapang papunta sa kama. Kaagad kung sinandal ang ulo ko sa kotsyon at pumikit na lang.

Nagising ako ng may humahaplos sa pisngi ko. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko ang secretary ko na ngayon ay ngumiti sa akin.

Hindi ko sya kayang ngitian pabalik kaya pumikit na lamang ako.

"Asan ang mga damit?" Nanghihinang tanong ko rito. Naramdaman ko nalang na tumayo siya at naglakad sa hindi ko alam.

Nakaramdam ako ng may humawak sa likod ng ulo ko pero hindi ko nalang 'yon pinansin dahil alam kong secretarya ko ito.

Maya maya lang ay nakaramdam na ako ng may sumout sa akin na damit at inayos iyon ng masuot ito sa akin. Maya maya lang din ay binihisan na rin nito ang ibaba kong katawan hanggang sa nakaramdam ako ng sinusuot na niya ang jacket sa akin.

Umayus ako ng upo ng ito'y matapos sa kanyang ginagawa.

"Ok ba 'yung itsura ko?" Tanong ko at dinilat ang mga mata. Dahan dahan naman itong umiling bilang tugon.

"Alalayan mo nga ako" Pakiusap ko rito. Tumongo naman ito at inalalayan akong makatayo at sabay kaming pumasok sa CR.

1 week na ang nakalipas simula ng may nangyari sa amin nong stranger at sa loob ng isang linggong 'yon ay hindi ako nakapag aral o nakalabas. Buong linggo ako nagkasakit at nalaman kung may sugat ang privado ko.

Ngayon ay naririto ako sa building ng mga Intreo habang nakabihis ng high neck at trouser. Saka naka light make up na naka bun ang buhok. Sa ibaba naman ay naka rubber shoes lang na kulay puti.

Habang hindi pa ako nakakatungo sa opisina ni Mr. Intreo ay naguusap kami ng secretary ko.

"Around 5pm po" Tinango ko lamang ang aking ulo bilang tugon at nag patuloy sa paglalakad

Habang kami'y naglalakad ay nagtataka rin ako dahil andaming patingin tingin sa amin ng secretary ko. Kaya bilang isang bisita lang ay hindi ko na sila pinansin at nag tungo sa opisina ni Mr. Intreo.

Si Mr. Intreo ay kasabwat ni Mr. Hantie sa pagnakaw ng pera kayla mommy pero wala akong gagawin rito ng masama ngayon, na rito lamang ako upang bilhin ang inoofer nitong magandang village.

Umupo ako sa sofa na katapat ng kanyang table. Nag usap lang kami about sa business at sa offer nito.

Gusto kong ipalago ang kumpanya namin nila mama kaya ko ito ginagawa pero sa bawat pag tugon o bawat pagtanggap ng mga inooffer nila sa akin ay nanatili pa rin akong nag iingat.

Nagawa na nilang pag nakawan ang kompanya nila mama noon kaya hindi ko hahayaang manakawan ang naiwan nilang pamana sa akin.

Nang matapos ang ilang minutong paguusap ay tumayo kami ng secretary ko at lumabas sa kanyang opisina. Nang ako'y lumabas ay nakabangga ako ng isang tao; yumuko ako upang tulungan ito.

"Hindi ba kita nasaktan?sorry huh" Binalik ko sa kanya ang mga nakuwa ko sa sahig at nginitan ito, nginitian niya naman ako pabalik. "Sorry again" Humingi ulit ako ng pasensya sa kanya pero tumongo lamang ito at dumiretsyo papasok sa loob ng opisina.

Humarap ako sa secretary ko at tinignan naman ako nito pabalik. "Halika na" Aya nito sa akin na ikinangiti ko na lamang.

Nagtungo kami sa elevator at pumasok ng may mga nag silabasan. Ilang segundo pa ang hinintay namin bago kami mag silabas.

Dumiretsyo kami ng secretary ko sa parking lot at pumasok sa kotse ko. Siya ang pumewesto sa driving set at ako naman ang sa kanan.

Habang nasa byahe ay kwentuhan lamang kami ng kwentohan ng kung ano ano hanggang sa tumahimik ang paligid namin. Kinuha ko ang phone ko at cinonect iyon sa speaker ng kotse.

Nag hanap ang aking kamay ng application ng music at ng ito'y mahanap, pinindot ko ang isang musika ngunit mag sisimula pa lamang ang kanta ng huminto ang sinasakyan namin na muntik ko ng ikauntog kung saan.

Hinarap ko ang secretary ko at tinanong ito "Rori, bakit anong nangyari?" Hindi ako nito sinagot ngunit sumagot ito sa kaniyang wireless. "en peligro necesitamos ayúdamos" Napakunot noo ako sa kanyang sinabi dahil ni hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinasabi.

Tinignan ko ang paligid ko at nagtataka ng maraming makita ng puro sasakyan na black at mga lalaking may malaking katawan ang nakapalibot sa amin.

"A-anong nangyayari?" Tanong ko sa kawalan at hinarap si Rori na ngayo'y hindi maipinta ang mukha.

Kaagad akong napakapit sa kung saan ng kotse ng biglang ipaharorot ni Rori ang sasakyan. Napatili ako sa kawalan sa nangyari pero kaagad ring napatakip ng tenga ng may sunod sunod na tumatama sa sasakyan. Lalong pinabilis ni Rori ang pagpapatakbo ng sasakyan na nagbigay sa akin ng pagkakaintindi na kung bakit kami sinusundan nila.

"Rori, sino sila? sila ba 'yung pumatay sa parents ko?"

A E S T R I A R Y A 

CBS 1: Hiding The Mafia Boss's Son ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon