C H A P T E R T E N

5.3K 77 0
                                    

"Hmm" Naitagilid ko ang aking ulo ng makaramdam ng parang may dadampi ulit ng malamig na bagay sa noo ko.

Gumalaw ako at kinapa ang gilid; ng may makapa ay kinuwa ko 'yon at inamoy. Kaagad napataas ang isa kong kilay dahil iba ang amoy ng unan na nakuha ko.

Kaagad akong napaupo ng sumagi sa isip ko ang nangyari bago ako nakapunta rito. Pinagmasdan ko ang paligid pero napadako ang tingin ko sa batang lalaki na may hawak na bimpo. Mula sa likoran nito ay may dalawang matanda na nasa tingin ko ay mag asawa.

"Nasaan ako? Atshaka sino kayo?" Tanong ko sa kanila at nilibot ulit ng tingin ang paligid.

"Iha, ako nga pala si cara tawagin mo nalang akong nanay cara" Naibalik ni nanay cara ang tingin ko rito, isa siyang ginang na may pagka matanda ang mukha o sabihin na nating isang senior na talaga.
May pagkakulobot na ang mga hugis ng mukha nya at may mapuputi din siyang mga buhok, nakasuot ito na bestida na ang disenyo ay bulaklakin. Tinignan ko ang katabi nito at saka nag kunot noo.

"Ako naman, tawagin mo akong Tatay Istol" masayang banggit nito at binigyan ako ng masayang ngiti.

"Mga kamag anak po ba kayo ng mga magulang ko?" Tanong ko sa mga ito at umayos ng upo.

"Hindi iha, gusto lang naming tawagin mo kami sa ganoong mga tawag" Tumongo ako rito at dinako ang paningin sa batang lalaki.

"Siya nga pala si Zack, anak ng anak ko"

"Uhmm hi" Sabi ko at kumaway rito. Tinugonan naman ako nito ng masayang ngiti at unti unting nag tago kay Tatay Istol.

"Why? Is there something wrong with my face?"

"Pasensya na iha mahiyain talaga ang batang iyan pero gising karin naman na ay halika na sumama kana samin kumain" Tinungoan ko ito at bumaba mula sa kama.

"Aray" Ungol ko sa biglaang pag kirot ng kung anong mahapdi sa noo ko.

"Magpahinga ka na lang muna anak, papadalhan na lang namin si Zack ng lugaw para sayo" Hindi ko ito tinogunan ng pansin at saka humiga na lamang.

"Zack, apo. Kuhanan mo nga siya ng lugaw doon sa kaldero at ilagay mo sa mangko" Tumongo naman ang batang nangangalang Zack at umalis na.

"Iha anong pangalan mo?" Unti unti kong dinilat ang aking mga mata ng may mag tanong, tinignan ko ito at nginitiaan.

"Aurora po" Maiksi kong sagot rito ngunit may galang.

"Ano pong nangyari? At bat nandito po ako?"

"Mula sa bangka ay nakita kong ingangat mo ang mga kamay mo. Pumunta ako sa pwesto mo at nakita kitang palubog na kaya kinausap ko no'n si Jack para ihahon ka. Nang maihaon ka ay binigyan ka ng hangin sa bibig ni Jack at iniligtas ka niya anak" Ngiti nitong sabi. "Nang mailabas mo ang tubig sa iyong bibig ay nawalan ka ulit ng malay kaya ginamit ko ang pampabilis na para sa bangka at umalis tayo sa lugar na iyon. Tas ngayon nandito kana" Pagpapatuloy niya.

"Wala po bang mga lalaking naka all black and office attire ang sumunod sa atin?" Napaisip ito saka tumongo.

"Pero anak, may mga taong natagpuan na ganon. Madami sila at nakompirmamg patay na" Sa Kanyang sinabi ay napakalma nito ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ito na po ang lugaw" Napatingin ako sa nagsalita at napangiti dahil ang cute ng bata.

Dahan dahan akong umopo at saka kinuha ang hinanda niya para sa akin saka dahang dahang kumain.

Napahawak ako sa balakang ko dahil sa pagod at hirap sa pagtatanim ng palay mula rito sa palayan. Kaninang umaga ay tinuroan nila ako magtanim ng palay dito sa putikan at ng matutunan ko ito ay pinasarili nila ako.

"Hayts" Pagod kong sabi at yumoko ulit para makapag tanim dito sa putik.

Nagtanim lang ako dito ng nagtanim at napahinto sa pagtatrabaho ng may sumigaw sa pangalan ko.

"Ate aurora, kain na daw po tayo sabi ni tatay!" Kinaway ko na lamang ang kamay ko at nag thumbs up rito. Ginawa niya rin naman ito kaya natawa ako ng mahina.

Sa huling palay na hawak ko ay ibinaoon kona ito sa putik saka tumayo ng deretsyo.

"Aray, sakit ng balakang ko" Mahinang sabi ko saka nag stretching. Nang matapos mag stretching ay umahon na ako mula sa putikan at dumiretsyo sa poso saka nag hugas ng mga kamay rito. Nang matapos sa paghuhugas ng mga kamay ay hinubad ko ang mga boots na suot ko at hinugasan ko rin ito saka naghugas ng binti at paa. Matapos gawin iyon ay nagtungo ako sa gamit namin at kinuha ang bimpo saka nagpunas ng binti at mga paa.

Pagkatapos punasan ang bandang baba ay binalik ko ito sa lagayan at tinaob ang mga boots.

Sa pangalawang pagkakataon ay nag stretching ako at dinako ang paningin sa kubo na ngayo'y puro nakatingin sa akin ang mga tao. Nginitian ko ang mga ito at nag situgon naman ang mga ito ng malawak na ngiti.

Tumakbo ako papunta sa kanila at ng huminto ay humarap ako sa kanila na ngayo'y may mga ginagawa. Tumingin ako sa isang tao na ngayo'y nakatingin sa akin.

"Hi po, magandang tanghali po sa inyo" Bati ko rito na nakuwa naman ng attention ng mga nasa kubo. Nginitian naman ako nito at binati rin ako

Tumingin ako sa mga nakahanda sa hapag at nawala ang ngiti ng mapansin ang iba ibang putahe ng pagkain.

"Ano po ang mga yan?" Hinarap ko sila na may pagtataka at ganun den naman sila saka sabay sabay silang nag sitinginan.

"Hindi mo ba alam ang mga ito?" Tanong ni Nanay Iswa.

"Yung iba lang naman po" Sagot ko sa kanyang katanungan at saka napa kamot sa batok.

"Ito ay tuyo, bagoong, itlog na pula, pancit canton, sardinas, kamatis, at kanin" Tumongo naman ako sa naging sagot ni Nanay Iswa. Pero naagaw pansin ng aking paningin ang isang lalaki. Moreno ito at may pag kasingkit. Muka itong chinese pero siguro mag mumuka pa itong koreano kung puputi ito.

"Magandang hapon, anong pangalan mo? Hindi kasi kita kilala" Napalunok ito at tumingin kay Nanay Iswa. Nginitian naman siya ni Nanay Iswa. Tumingin ito sa mga taong nakapalibot sa amin at nginitian naman siya, ang iba ay may kahulugan ang mga ngiti at ang iba ay ngiting masaya.

Hinarap ako nito saka nagsalita.

"Ako si Jack" Napangiti ako sa paraan ng pagpapakilala niya dahil parang itong nahihiya.

"Aurora" Tugon ko rito at nilahad ang isang kamay. Napalunok mona siya saka tinanggap ang kamay na nilahad ko.

A E S T R I A R Y A

CBS 1: Hiding The Mafia Boss's Son ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon