C H A P T E R F O U R T E E N

4.4K 72 0
                                    

Nang matapos mag paalam sa isa't isa ay lumabas na ako ng eskwelahan at hinanap si Jack.

"Jack!" Sigaw ko rito ng mahanap ko ito. Humarap ito sa akin at kumaway na ikangiti ko saka tumakbo patungo sa kanya.

Nang ako'y makapunta sa kanyang harap ay hinalikan ko ito ng smack sa kanyang labi at nag salita. "Halika na" Ngumiti muna ito bago tumongo.

Nag para naman ako ng tricycle. Nang ito'y huminto sa harapan namin ay pumasok na kaming dalawa na ikaandar naman kaagad ng sinasakyan namin.

Nang tumigil ang sinasakyan naming tricycle ay bumaba kami at naghiwalay na ng lalakaran.

Isang chef si Jack samantalang nag call center muna ako. Hawak niya ang oras niya doon sa trabaho niya dahil bukod sa chef ay kinuwa rin siyang manager dahil sa pinagkakatiwalaan ito ng kanilang amo na ikatuwa ko naman dahil nga sa pwedi niyang masundo pauwi ang bata sa bahay na nanggaling sa eskwelahan.

Sa nagdaang taon ay nakapag tapos kami ng pag aaral pero pinasok ko pa rin ang trabaho bilang call center.

Noong mga isang taong gulang pa lang si Lucian ay nag plano na kaming mag aral para sa ikabubuti ng bata.

Pagkahinto ko sa pagkakalakad ay tumayo ako ng maayos at tumingin sa paligid. Nang makitang wala naman sumusunod sa akin ay nagtungo ako sa isang black na SUV at pumasok rito.

"Maayos na ba ang lahat?" Tumongo naman ito sa akin bilang sagot na ikatuwa ko saka kaagad inilabas ang isang supot na mayroong 10 thousand at ibinigay ito sa kanya.

"Pasensya na kung 10 thousand lang ang laman. Hayaan mo, tutuparin ko naman ang pangako ko sayo e. Konting tiis na lang at matutupad ko na 'yung mga pinangako ko sa'yo" Tumongo ito at tumingin sa akin ng naka ngiti.

"Ok lang po 'yon madam"

"Salamat at pinagkakatiwalaan mo pa ako"

"Syempre naman. Ang pamilya mo ang tumulong sa pamilya ko ng walang wala akong mapakain sa kanila at sila din ang dahilan kung bakit natupad ko ang mga pangarap ng mga anak ko" Ngumiti ako rito at napa buntong hininga. Ano na kaya nangyari sa puntod nila mama? Sana namulaklak 'yung tinamin ko sa itaas ng puntod nila at sana hindi iyon inalis. Hmm, nililinis kaya nila 'yon?

"Madam? May problema ba?"

"Ah, sorry naalala ko lang sila Mama" Tumongo ito at ngumiti sa akin.

"Huwag kang mag alala nasa maayos silang sementeryo" Oonga pala nilipat nga pala niya ang puntod nila Mama sa ibang sementeryo.

"Ahm, sana pagbalik ko. Ok na ang lahat"

"All fixed madam" Napangiti ako sa kanyang sinabi at magpapasalamat na sana rito ng may naalala ako.

"Kamusta na pala 'yung mansion nila mama?"

"Sad to say madam pero. Doon napo nakatira ang mag asawang Conan at ang mga dating nagtatrabaho doon na naiwan nyo po ay wala na. Noong una ay nag si alis ang iba dahil nabalitaang patay kana at ang manang naman na itinuturing mong Nanay ay patay na dahil pinatay ni Señora Kaila dahil nga sa ayaw nitong umalis at isuko ang pamamahay ninyo" Nang marinig ko ang pangalan ni Kaila ay namuo sa akin ang galit na ikayukom ko ng kamao.

"Ano pa?"

"Ang mga flower shop naman ninyo ay tuluyan ng inangkin at pinalitan ng bar ni Señora Kaila. Lahat ng pagmamayari na naiwan ng mga magulang mo ay inangkin na nito. Ang dahilan naman niya sa kasong iyon ay mapupunta lahat ng mga kayamanan mo sa kanya dahil sa pinagkatiwala mo raw ito. Na ikapayag naman ng gobyerno. Tungkol naman sa mga pera mo ay maayos lang naman. Tumataas ng tumataas dahil hindi alam ni Miss Hantie na black card mo pala ang hinuhilogan niya ng pera"

"Bakit naman?"

"Ang black card ni Miss Hantie ay peke lang. 'yung napag utusan nya na gawan sya ng black card ay tinakas lang nito ang pera nya and." Huminto ito sa pagsasalita at uminom ng tubig.

"Ako ang nag aasikaso ng mga pera nito na ilalagay sa black card na inilalagay ko naman sa black card mo"

"Nagtaka ba sya?"

"Hindi naman madam dahil hindi nya pa alam na peke 'yung black card nya at hindi niya rin alam na black card mo ang hinuhulugan nya. Ang ginagamit niya lang card para sa pang shopping nya ay ang BDO. Hays madam, nakakaloka sya"

"E, bat hindi nya pa tinitiganan kung magkano na pera nya?"

"Sabi nya sa akin nong isang araw, gusta nya daw ma supresa kung magkano na ang pera nya sa black card nito"

"Ano pa?" Tanong kong muli na ika ayos niya ng upo at saka tumikhim.

"Ang mga building na pinatayo ng Parents mo ay pinawasak na ni Señora Kaila. Ang dahilan naman nya kaya pinawasak nya ang mga iyon dahil daw sa kanya na napunta ang kayamanan ninyo. Pero Madam. Pag nalaman ng mga nasa gobyerno na buhay ka, kahit anong laban ng mga Balton at kung kumuha man sila ng abogado na mataas ay sa inyo at sainyo pa rin mapupunta ang mga kayamanan na naiwan mo dahil nga sa hindi ka totoong patay"

Ang galing talaga ng baklang 'to.

"About sa 900 million. Nailagay muna ba sa black card ko?"

"Yes Madam"

"Continue your mission Jaysep"

Marami akong pinagawa rito ngunit ngayon lamang ako nag tanong tungkol sa mga nalaman nya.

"Madam. Correction Jayshie hindi Jaysep" Napatawa na lamang ako sa pag susungit nito sa akin.

Si Jaysep or in short Jayshie ay isang spy at investigator nila Papa. Matanda na ito pero nagsisilbi pa ito sa akin na ikinapapasalamat ko rito. Pinapangako ko talaga na tutuparin ko ang mga pinangako ko sa kanya.

"Hindi pwede ang ganon Jack. Alam mo kung sino ako at kailangan kong gawin ang dapat kong gawin. Atshaka may anak ako kaya kailangan ko talagang gawin yun para maprotektahan sya"

"Ayuko Aurora at hindi ka rin uuwi sa manila"

"Napaka swapang mo naman" Sumbat ko rito at tinaasan sya ng kilay.

"Ako pa talaga huh?!"

"Jack, kilala mo ako atshaka babalik rin tayo rito"

"Hindi, hindi tayo pupunta doon"

"Bahala ka!" Sigaw ko rito at tumalikod sa kanya saka nagtungo sa tapat ng kwarto.

"Ok fine" Agad sumilay sa aking mukha ang kasiyahan ng marinig ang sinabi ni Jack.

Humarap ako rito at nag open hug for him na ikangiti nya.

"Sakay ka na anak" Sumunod naman aking anak sa aking inutos na ikasara ko naman ka agad ng pinto ng van.

"Ok na, paandarin muna"

Habang nasa byahe ay nag kwentuhan lang kami ng anak ko hanggang sa huminto ang sinasakyan namin na ikababa namin sa tapat ng isang hotel.

Pumasok kami rito at ng ibigay sa amin ang numero ng magiging kwarto namin ay umakyat na kami at hinanap iyon.

"Nanay, terrace po muna tayo" Tumongo ako sa kagustuhan ng anak ko kung kaya ng makapasok kami sa kwarto ay dumiretsyo kami sa terrace.

"Ang ganda rito Nanay" Sumilay sa kanya ang matamis na ngiti na ikangiti ko rin. Hinimas ko ang kanyang buhok saka humarap sa view ng terrace na ito. Finally, I'm back.

A E S T R I A R Y A

CBS 1: Hiding The Mafia Boss's Son ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon