Simula

7 0 0
                                    

"We'll call you if you're qualified for second interview. Thank you for your time Ms. Vasquez." Kiming ngumiti ang empleyado sa harap ko bago ipinatawag ang susunod sa 'kin. Dali dali akong tumayo at ngumiti din tsaka bahagyang yumuko bago dumireto palabas ng silid.

Bumuntong hininga ako.

Pakiramdam 'ko hindi na naman ako matatanggap. Paubos na ang ipon ko mula ng makauwi sa Pinas. Kailangan ko nang makahanap ng trabaho para masuportahan ang gamot nila Nanay. Patuloy akong naglakad palabas ng gusali habang kinakapa ang cellphone sa bulsa ng slacks ko.

Nagvibrate ito kanina habang nasa loob ako, hindi 'ko naman natignan agad. Baka si Riley na naman 'to. Pagkabukas ay bumungad sa 'kin ang mensahe niya;

Riley:

Ate, makakauwi ka na bago 7pm 'di ba? Bumili ka na ng hapunan. Mamayang hapon pa pala ako makakaluwas. May ipapasa pa 'ko sandali.

Ako:

Okay. Magtext ka pag nakaalis ka na. Mag-ingat ha, Riley.

Matapos mapindot ang send ay dire diretso na ang lakad ko sa terminal ng jeep. Didiretso ako sa pangalawang kumpanyang inaapplyan 'ko ngayon. Alas-dos pa ang schedule ko roon pero ayokong mahassle lalo na't sayang ang opportunity. First impression lasts pa naman.

Pagkasakay ay agad kong dinukot ang baong tinapay sa bag. Gutom na gutom na talaga ako, at halos trenta minutos pa ang biaje bago makarating don. Sana may malapit na sari sari store sa paligid at kailangan ko bumili ng toothpaste, nakalimutan ko magdala kanina, ayoko namang mangamoy empanada mamaya. Isang kagat at sumilip ako sa siwang ng bintana ng jeep. Bahagyang matulin ang takbo ngunit pahinto-hinto rin ito dahil papalapit na ata sa intersection na kadalasan ay traffic.

Sinuksok 'ko pabalik ang tinapay sa bag 'ko at sinikop ang buhok na tumatabing sa mukha ko. Tsaka ito tinali at pinatagal ang tingin sa labas. Polluted na rin talaga ang hangin kahit dito sa bayan, na kung tuus tuusin 'di naman nalalayo sa mga barrio na napalilibutan ng bukirin. SIguro kasi dahil na rin sa parami nang paraming commercialized building na pinapatayo rito.

Unti unting bumagal ang takbo ng jeep sa may intersection kung saan kaliwa't kanan ang motorista. The spotlight blinked red and my eyes caught the biggest billboard that our city Mayor has been proud of. It was a topless young man with his head tilted on the left side, making his already prominent jaw more define. The dangling dog tag on his neck find its way to his lips, slightly biting it while he slips it between his two fingers. His upper body glistened with either artificial oil or sweat. Kadiri siguro kung pawis 'yun, pero mukha namang hindi 'yun problema pag sa kaniya ikinabit o nanggaling. Sa kakisigan niya, eh baka gawin pa siyang santo ng ibang taga-hanga niya pag ganon. The lubricant compliments his chiseled abs which makes him more manly, as if he's already not.

Nagmamakaawa namang kumapit ang suot niyang denim pants habang nakakawit ang hinlalaking daliri sa bulsa nito, slightly tugging the fabric lower. His happy trail looks so proud to bestow such glory while slowly disappearing to the sight of his underwear garter imprinted with a luxurious clothing brand. Despite the smirk in his lips, his eyes dangerously stare in front, almost covered by the curls of his quite long hair. In big white bold letters, the word "UNTAMED AND ROUGH" are written on both sides of the billboard. Sabi ni Kimeng ito raw yung morning look na magpapatagal sa'yo sa kama pag nakita mo. Nung tinanong 'ko siya kung bakit, humagikhik lang siya at sinabing baka raw kasi hilingin mo pang magpabalibag.

Hindi ko alam kung siraulo lang siya, pero malawak talaga ang imahinasyon ni Kim kaya hinayaan 'ko na. Umandar na ang jeep at agad nilampasan ang billboard na iyon. Tatlong buwan na rin simula ng ikabit 'yon at kada tatlong buwan ay pinapalitan din ng panibagong endorsement niya. Tuwang tuwa ang Mayor kada mangyayari iyon, at laging pinagkakalandakan na sa San Lorenzo siya nanggaling at unang nakilala.

Psalm's LawWhere stories live. Discover now