CHAPTER 5: INITIAL REACTIONS

43 2 0
                                    

"Sumama ka sakin." Seryoso siya.

"Uhm.. actually, kanina pa ako sama ng sama sayo." Napatingin siya sa akin, nabigla siya. Hahaha!

"Halika." Natawa siya at nilahad ang palad niya sa akin.


Absent-mindedly, kinuha ko yon. Naglakad kami pabalik sa Hiace at doon, nakakita ako ng pagkain. Huwah.. So delicious ^^ Kumain lang ako ng kumain. At eto na naman siya. Nakatingin sa akin. Bakit na naman ba? "Bakit ba?" tanong ko sa kanya, puno ng pagkain ang bibig ko. Tinaas niya ang kilay niya at natawa.  Kinuha niya yung box ng tissue sa may compartment sa harap. "O." hinagis niya sa akin. Aanhin ko naman 'to? Nilapag ko yun sa espasyo sa likod ko. Kalahati lang ng upuan ang nasakop ko. Nakapatong kasi sa lap ko yung pagkain. Pagkagat ko ng shawarma, nakawala sa bibig ko yung iba.  Aaahhh.. Wow ayos ah. Psychic ba siya? Kinuha ko yung tissue. Tinignan ko siya na nakatingin parin sa akin. Kinindatan ko siya habang pinupunasan ang bibig ko. Nakarinig ako ng smirk mula sa kanya. Tinawanan ko lang siya at kumain ulit.


Dapit-hapon na non at nakaupo kami malapit sa dagat. Inaabangan ang sunset. Magkatabi kami pero may espasyong kasya ang iang tao sa pagitan namin. Tinignan ko yung relo. Hindi ko kaya 'to.

"Uhm.. J-joseph?"

"Hmmm?"

Hinawakan ko yung lock ng relo. "Hindi ko 'to matatanggap."

Huminga siya ng malalim. "Hindi yan akin."

Tinignan ko siya. "Marami ka ng ginawa para sa akin ngayong araw." Bumalik sa akin yung mga nangyari kanina. Yung paglinis at paggamot niya sa mga sugat ko. Pagpapahiram sa akin ng mga damit. Yung paglibre sa akin ng pagkain kanina. Yung pagpunta dito. Etong relo.. Hay. Bakit niya ba ginagawa 'to?

"Bakit mo  ba ginagawa 'to? Hindi naman tayo close eh. Kahapon lang tayo nagkakilala." At absent ako sa shift ko. "At absent ako sa shift ko." Bulong ko sa sarili ko. Pa-segwey hehehe. Nagta-trabaho ako doon sa convenience store doon sa amin. Kaya kilala ko si Kuya Jed :)) hehe. Balik na tayo.

Matagal siya  bago nakasagot. Hanggang sa nakabumuntong hininga siya at tumingin sa palubog na araw. Napatingin din ako doon. Malapit na lumubog. "Hindi ko alam.." Nginitian niya ako at gabi na. Niyaya na niya ako umuwi.

11:30 na nung makarating kami sa Manila.  11:59 nung makababa ako  ng Hiace.

"Happy Valentine's Day, Arianne." Bulong niya sa akin at umalis na sila. Tumingin ako sa relong binigay niya. 12:00 na...

Teka, Valentine's Day ba?

~oOo~

"WAAAA! Nakakaloka. Sabi ko sayo mbait siya eh. Ayaw mo pang maniwala sa akin." Hay. Hindi ko talaga nakalimutan yong nangyari nung araw na 'yon. Masyadong maraming nangyari nun eh. At heto ako, kinuwento ko kay Aisha yung nangyari kahapon. Mas kinilig pa siya kesa sa akin.

Nakakapagtaka lang. Bakit bigla siyang ganun sa akin. Hindi nga kami close eh. Last week lang kami nagkakilala tapos ganun.

"Pero alam mo, parang may mali eh." Hayss. Oo. Agree na agree ako dito kay Clarisse.

"Anong namang mali doon? Eh malinaw na malinaw, maliwanag pa sikat ng buwan, may gusto sayo si Joseph!" — Aisha

"Wala." Sabi ko ng mahina.

"Wag tayo mag-assume Aisha." Sabi ni Clarisse na ngumunguya ng kornik. "Wala tayong ebidensya." Dagdag niya ng may pahalumbaba pa.

"Hindi pa ba sapat na inalagaan at pinakain niya si Ayen? Atsaka nilayo ka rin nya dun sa demonyitang Orteza na yun." Pagpipilit ni Aisha. Dahil sa pagkakarinig ko ng apelyido ni Jane, parang nag-time travel ang utak ko papunta sa isang pangyayari two years ago.

Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon