CHAPTER 19: LINKS

41 2 0
                                    

Pumasok parin ako sa klase kahit half day lang. Lunch break iyon nung dumating ako sa school. Pagkapasok ko sa classroom si Aisha ang unang nakakita sa akin. Napatayo siya at lumapit sa akin. "Uy Ayen saan ka ba nanggaling??" Mula sa hindi ko alam na direksiyon, lumitaw si Clarisse. "Ba't hindi ka pumunta nung praktis? Galit na galit si Leader. Hindi daw magpe-perform yung wala."

"Okay." Tumanghod ako sa desk.

"Ano?! Okay lang isasagot mo?? Ayos ka lang ba!? Requirement kaya 'to." Sinilip ko si Clarisse at nakita ko ang paghalukipkip niya.

"Ayeng, baka hindi ka maka-graduate niyan dahil lang na-incomplete ka sa MAPEH." Basang-basa ko sa mukha ni Aisha yung pag-aalala.

"Edi manghihingi ng special project. Makaka-graduate ako, ano ba kayo." Sagot ko. Nagtinginan lang silang dalawa.

Makalipas ang mga 10 minuto, dumating na yung teacher namin. Nagpulasan yung mga kaklase kong nagdadaldalan sa may hamba ng pinto. Naupo sila sa kaniya-kaniyang mga silya nila. Sa may tabi ako ng bintana nakapwesto. Dahil ang seating arrangement ay alphabetically arranged, nasa likod sina Aisha at Clarisse. Ang apelyido kasi ni Aisha ay Weltes at Zobel naman si Clarisse. Nang lingunin ko silang dalawa, nakatingin sila pareho sa akin. Alam kong hindi dapat ako mainis kaso nakadama ako ng asar.

"Let's start." Sabi ni sir. Hindi pa siya nagsisimula ay ayoko nang makinig sa kanya.

"Everybody, sit properly. Alam niyong ayokong may natutulog sa klase ko." Nilibot niya yung mata niya sa buong classroom. At nang mahagip ako ng mga mata niya, nagulat siya. "Aba, Herrera! Himala at hindi ka excused." Medyo sarcastic na pagkakasabi niya. "Buti naisipan mo pang mag-aral."

"Tapos na po yung training namin sir." Dahan-dahan siyang tumango.

"Balita ko lumaban na daw kayo?" Ano ba yan. Huli sa balita.

"Opo sir. Nung isang linggo pa po."

"Sinong nanalo?"

"Hindi pa po ina-announce."

"Ah... I see...." Ano pa? Magtatanong ka pa? Tanong na. "That will be all." Humarap na siya sa blackboard para magsulat ng magsalita ulit siya. "By the way, alam mo bang namumutla ka? You look pale. My advice is you go to the clinic." Napakunot yung noo ko sa sinabi niya. Tumingin ako sa repleksiyon ko sa pamamagitan ng bintanang nasa kaliwa ko. Namumutla nga ako. Pero ayos naman ang pakiramdam ko.

"Someone, please escort miss Herrera to the school clinic." Utos ni sir. Agad na tumayo si Aisha at si Clarisse para samahan ako. Nang makalabas na kami ng classroom, nagsalita si Clarisse.

"Alam mo naiinis pa rin ako sayo."

"Hindi ko tinatanong." Nanlaki ang mata ni Clarisse sa gulat at napatigil kami sa paglalakad.

"Sabihin mo nga, ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan ah! Naging close lang kayo ni Joseph bigla-bigla kang nagkakaganyan!!" Galit na galit siya.

"Hindi kita maintindihan." Sagot ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko, inirapan ko siya at tinalikuran.

"BULLSHIT!" sigaw ni Clarisse at hinarap niya ako sa kanya ng buong lakas.

"Bestie tama na, kalma..." Pagpapakalma ni Aisha kay Clarisse. Binitawan niya ako at hinarap si Aisha.

"Ikaw na lang maghatid sa kanya sa clinic. Hindi ko siya kayang pakisamahan ngayon."

"Anong pang inaantay mo? Alis na." Lumabas na yung mga salitang iyon bago ko pa man sila pigilan.

Tinignan ako ni Clarisse nang punong-puno ng sakit, galit at kalungkutan. Napangiti siya. Hindi yung ngiting masaya, ngiting mapait. "Parang hindi na ikaw yung Arianne na kilala ko." Napailing siya at tumalikod na.

Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon