CHAPTER 20: WOUNDED

19 1 0
                                    

Hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa akin kahapon. Pagkalabas ko ng training room bigla akong nag-black out. Dinala ako ni Milo sa clinic. Sabi ayos naman daw ako, na-over fatigue lang.

Bumangon ako.

"Huwag ka munang tumayo." Napatingin ako sa nakatayong nilalang sa gawing kaliwa ko.

"Milo." Nginitian niya ako at tumayo malapit sa higaan.

"Paano ka nakapasok sa kwarto ko?"

"Uhm... Ako naghatid sayo?" Nilibot ko yung mata ko sa kapaligiran. Nasa town house ako.

"Bakit tayo nandito? Bakit hindi sa bahay?"

Natahimik siya. Kitang-kita ko kung paano nandilim yung expression ng mukha niya. Pinagpawisan ako ng malamig. Bakit ganto yung nararamdaman ko?

"Uhhmm..." May konting pagnginig sa boses niyang pilit niyang tinatago.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Bakit, Milo?" Napasabunot siya sa buhok niya at bumuntong hininga. Kung titignan yung kilos niya parang ayaw niyang sabihin sa akin.

Tuluyan na akong tumayo at lumapit sa kanya. Dama ko ang biglang pagsakit nang ulo ko pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. Sa halip, niliitan ko ang distansya sa aming pagitan at hinawakan ko ang kamay niya. Kinolekta ko lahat nang lakas na meron ako at sinubukan kong muling magtanong sa kanya.

"Anong nangyari, Milo?"

Kahit alam ko sa sarili kong hindi maganda ang maririnig ko, pilit kong nilakasan ang loob ko sa pagdating ng mga salitang sasabihin niya.

"Inatake yung bahay niyo."

 "A-a-ano?" Bumilis ang tibok nang puso ko.

"Yung bahay niyo, may mga lalaking sumugod doon kagabi at---"  Parang tinamaan nang malalaking kaldero yung magkabilang tenga ko. SI KUYA.

"Si Kuya? Asan si Kuya?!?" Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya dahilan para makita kong may kirot na dumaan sa mga mata niya. At dahil doon, napatingin ako sa mga kamay naming dalawa. 

Dahan-dahan kong binawasan ang lakas nang pagkahawak ko sa kanya at nilapit ang kamay niya sa aking mga mata. Doon ko lang napansin na may mga sugat pala ang kanyang kamay. Tinignan ko yung kabila at nabawasan ang bigat nang makita kong wala naman. 

Narinig ko siyang bumuntong hininga muli at naramdaman ko ang mga bisig niyang pinalibutan ako. Hindi ko maintindihan pero parang ang sarap sa pakiramdam. Makalipas ang ilang tibok nang puso, naisipan kong maupo na dahil nakakangawit na. Kahit ayaw ko pang kumalas sa yakap niya, ginawa ko na.  

"Kanina ka pa ba nakatayo? Halika. Maupo ka muna." Yaya ko sa kanya. Nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa akin. Hinatak ko ang kamay niya nilapit siya sa kama. Wala akong upuan sa kwarto ko. Kama at side table lang. Nasa gawing kanan ko at kaliwa naman niya ang higaan. Binitawan ko ang kamay niya at nilagay ang aking mga kamay sa mga balikat niya. Kahit 5"4 lang ako at 5"11 siya, kinapitan ko iyon at itinalikod siya sa kama. Unti-unti kong nilagyan nang pwersa yung kapit ko sa kanya dahilan para mapaupo siya sa higaan. 

"A-alam mong hindi dapat akong nakaupo sa higaan mo diba?" Huh?

"Bakit naman?" Nanlaki ang mga mata niya. Maya-maya pa, namula na ang mga pisngi niya.

"Basta. Hindi tama na nakaupo ang lalaking gaya ko sa kama nang isang babae."

"Hmmm..." Napaisip ako. Binigyan ko siya nang kibit-balikat at tumalikod para kunin yung medical kit ko sa may side table.

"Lalo na ngayon, bahay mo 'to at dalawa lang tayo dito ngayon..."

"Ano?" Sabi ko sa kanya at naupo sa tabi niya bitbit ang kit. "Hindi ko kasi masyado narinig yung sinabi mo, akin na yung kamay mo ayusin natin yung sugat mo." Ang hina kasi nang boses niya. May nginig factor pa. 

"H-huh?! W-wala. Wala, wala akong sinabi." Sagot niya habang nakatingin sa sugatan niyang kaliwang kamay.

"Sigurado ka?" Hinila ko yung kamay niya at binuhusan yon nang agua oxinada.

"Aw! Oo, oo. Wala. W-wala akong sinabi. Kumakanta lang ako..." Sagot niya habang tinatanggal ko yung mga bula.

"Nakanta ka pala? Sample nga." Binuhusan ko muli yung sugat niya.

"A-aray! Masakit, Arianne. Pinagti-trip-an mo lang ata ako eh." Huh? Hehehe.

"Hindi ah. Tinatanggalan ko lang nang mga germs yung sugat mo. Mahirap na baka magka-infection ka. Bilang kababata mo na hindi mo nakapiling noon, nais kitang tulungan." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Tawa ka diyan!" Diniinan ko yung sugat niya dahilan para mapasigaw siya.

"Grabe Arianne, sadista ka." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hindi naman." At tapos na ako sa pag-ayos nang sugat niya. "Yan!" Binato ko yung kamay niya pabalik sa kanya at tumayo para ibalik yung med kit sa drawer.

"Arianne," humarap ako sa gawi niya at nagulat akong nasa harap ko na siya, nakatayo. Nilahad niya yung kanang kamay niya na hindi ko alam kung para saan.

"Bakit?" Tinanong ko siya. Tinawanan na naman niya ako at kinuha niya yung kaliwang kamay ko at inintertwine yun sa kanang kamay niya. Napatingin ako sa kanya. Bakit ganito yung nararamdaman ko, parang...

Nilapit niya ako sa kanya at nagsalita.

"Binilin ka sa akin nang Kuya mo kagabi. Huwag daw kitang pabayaan."

Gamit yung braso niyang may sugat sa kamay, pinaloob niya ako sa isang mainit na yakap.

"Paano kita pababayaan kung hindi ko kayang malayo sayo?"

At sa mga salitang yon, naramdaman ko ang pagdampi nang mga labi niya sa noo ko.

(A/N: Hellowww my beloved Readers! Salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa STYIL kahit halos apat na buwan akong hindi nag-update dahil sa biglaang pagkasira nang aking beshie na si LenLen the Laptop sa kalagitnaan nang term kung saan nagsimula pa lamang ang mga sunod-sunod na gawain na ibinigay sa amin na dulot nang makabugbog-utak na kurikulum nang aming pamantasan. Huwag niyo po sanang makalimutang bumoto at mag-comment. Maa-appreciate ko po iyon, mahal ko kayo.  ^^  )

Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon