CHAPTER 23: SINO

7 0 0
                                    

KUYA'S POV

Anong nangyayari?? Hindi ko maintindihan. Ang gagago nila. Pinalabas kami ng bahay tapos pumunta sila sa kusina? Ano? Kakainin nila yung mga pagkain namin?! Langya hindi pa ko kumakain simula kaninang umaga dahil sa lecheng programming na yan, pupunta pa lang ako doon tapos--- teka, parang nangangamoy gasul...

Mula sa sala, pupunta na sana ako sa kusina nang harangin ako ng isa sa mga malalaking mama na biglang pumasok sa bahay namin.

"Bawal na dito. Labas."

"Ano? Ako palalabasin mo sa bahay ko?" ambang susunggaban ko na siya nang lumabas din mula sa kusina yung isa niyang kasama, may bitbit siyang baril.

Tinignan ako ng masama nung may hawak na baril, at kinasa niya ito.

"Ahe... sige lalabas na.." bulong ko sa sarili ko. Napakamot ako sa ulo ko. Palabas na ako ng bahay ng may tumawag sa telepono. Ay yung cellphone ko, naiwan ko sa taas..

"Hello?" sabi ko sa tumawag.

"Nandyan ba si Arianne?" Ano daw?

"Hello? Boi alam kong ikaw yan. Asan si Arianne? Nandyan ba siya sa inyo ngayon?" Teka, parang kilala ko 'to...

"Tito Rocky 'to. Asan si Arianne?" Tito Rocky? Matagal na siyang hindi tumatawag sa amin ah...

"Wala po tito, bakit po?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng maalala kong hindi ko pa nakikita si Arianne...

"Hanapin mo siya. Wag mo siya iwang mag-isa."

"Huh? Tito? Bak---" Hinatak nung mama yung telepono mula sa akin.

"Anong ginagawa mo?! Labas!" Hinatak niya yung buong landline mula sa kinapu-pwestuhan nito at binato sa sahig. Lumalakas na yung amoy ng gasul na nanggagaling sa kusina. Shit. Hindi kaya...

"Baldo! Sabihin mo kay Onse putulin na niya!"Sigaw nung mama sa harap ko at sumigaw yung may hawak ng baril: "Onse! Putulin mo na!" at namatay na yung ilaw sa bahay.

Sa sobrang dilim, hindi ko makita ang mga nasa harap ko. Maya-maya pa, may mga brasong humawak sa akin at hinila ako. Pinagpawisan ako ng malamig. May tumunog na cellphone at kasabay nun, pumasok ang liwanag mula sa binuksang pinto.

"Boss... Opo nasindihan na... Wala nang mga tao... Isang lalaki... Opo. Sige po." at binaba na niya iyon.

Kinaladkad nila ako palabas ng bahay

Ano bang nangyayari?

(TO BE CONTINUED)


Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon