CHAPTER 24: MAG-INGAT KA.

16 0 0
                                    

[A/N: Hello readers! Thank you so much for supporting STYIL until now, although hindi talaga pang-in love ang mga nangyayari haha.. So ayun, malapit na ang pagtatapos ng kwento nina Ayen, Adrian at Milo. I hope you support my new on going story THE UNTITLED STORY OF A CLASS LONER.

Medyo malungkot lang kasi ilang years ko nang ginagawa yung kuwento ni Ayen at parang ayaw ko tapusin hahaha pero, all things must come to an end... kahit masakit. Diba? T.T So ayun, thank you so much for the support, and please do not forget to push the star after reading each chapter. Love you all readers! Mwah :* P.S. I will do my best to give justice to the ending of STYIL. Maikling lang 'to pero worry not, mahaba ang chapter 25 HAHAHAHA. So chapter 24, here it is!]

ARIANNE'S POV


Kinakabahan ako. Si kuya, nasan si kuya??? Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa panginginig. Kuya nasan ka na?

"A-a-ray!" Napalingon ako sa likod ko.

"KUYA KO YAN!" Sigaw ko at tumakbo palapit sa kapatid kong nagdudugo ang mukha. Lahat ng pasensya na meron ako natunaw na lang bigla. Lahat ng panghihina at pananakit na nararamdaman ko, napalitan ng galit. "MGA GAGO KAYO! ANONG GINAWA NIYO SA KANYA?!" Handa na akong talunan sa mukha yung mama na may kalakad sa kanya pero niyakap ako ng isa sa mga mamang may dalang baril.

"Ano ba! Bitawan mo ko! Manyakis ka!" Sigaw ko. Alam kong mukha na akong timang dito at sigaw ng sigaw pero wala nang eme-eme. Kapatid ko ang sinaktan nila.

"Aawatin niyo yan o gagawin ko siyang kamukha ng kuya niya." Isang malamig na boses ang pumalibot sa amin.

Nanahimik ang lahat. May naramdaman akong makapal na karayom na tumusok sa leeg ko. Huminto ang puso ko. Nanigas ang aking mga laman. Anong nangyayari? Gusto kong itanong sa mga taong narito pero hindi ako makalingon, nananatili lang akong nakayuko. Hindi ko makilos ang aking mga binti. Parang naipit ang aking dila sa pagitan ng aking ngala-ngala at ngipin.

Narinig ko ang pagsigaw ni kuya nang binuhatin ako ng isa sa mga mama papasok ng van na puti. Unti-unti kong nararamdaman ang pagpungay ng aking mga mata. Nanlalabo na ang aking mga paningin. Pinilit kong labanan ngunit wala akong nagawa.

***

Nagising ako sa loob ng isang kwartong salamin ang mga pader at dingding. Sarili ko lang ang nakikita ko. Hinanap ko kung may mga CCTV bang nakakabit sa loob ngunit wala akong nakita. Parang alam ko na ito. Isa sa apat na pader na nadito, may mga taong nanunuod sa kabila.

Hindi ako kumilos.

Makalipas ang ilang tibok ng puso, nanumbalik ang aking panginginig.

Niyakap ko ang aking sarili upang mabawasan ang panginginig. Nasan ba ako? Nasan ba sina kuya? Nasan si Adrian? Nasan si Milo?




ADRIAN'S POV

Kinuha na nila si Arianne. Sinakay nila sa van at dinala sa lugar na hindi namin alam.

"MGA GAG*! SAAN NIYO DINALA YUNG KAPATID KO?!?! PAP**AY*N KO KAYO!!!! IBALIK NIYO SI ARIANNE! IBALIK NIYO!!! MGA GA** KAYO!!!" Tinuhod ng isang mama sa bibig si Kuya. Binugbog siya hanggang sa hindi na siya makakilos. Sa kakatuon nila ng atensiyon sa kanya, nakalimutan nila si Milo. Nakatakas siya. Ako na lang ang natira dito. 

Pinanuod ko ang paglamon ng apoy sa bahay nina Arianne.  

Nagtawanan yung mga lalaki. Tinignan ko sila isa-isa. Nginisian ako ng leader nila. Hindi nila ako ginalaw.

.

.

.

Kilala ko kasi sila. 



TO BE CONTINUED.

Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon