CHAPTER 14: PAGTATAGO

31 2 0
                                    

ARIANNE'S POV

Umaga na. Oo. Umaga na. At ako, nandito sa couch. Nakahiga, may kumot at dalawang unan. Tumagilid ako at nakita ko si Joseph na natutulog sa carpet. Sheeet! Natulog siya sa sahig. Nakunaman. Dali-dali akong napabangon. Hindi ako ang dapat na nakahiga dito.

Tumayo ako at dahan-dahang lumipat sa kabilang side niya.

"Adrian... Adrian..." Ginising ko siya.

"Hmm?" sagot niya.

"Huy ano ka ba! Hindi mo manlang ako ginising! Hinayaan mo lang akong matulog sa couch na dapat pwesto mo. Tignan mo tuloy! Nasasahig ka."

"Hmmmm... ayos lang yan. May carpet naman eeh..." Tumaob siya. Haaaay.

"Ate Ariii...." Napatingin ako sa may hagdan.

"Hi Matt! Ayos ba tulog mo?" Tumango siya at tumakbo palapit sa akin para yakapin ako.

"I'm hungry." Sabi niya sabay simangot. Hindi nagtagal at napalitan yung simangot niyang pagkagulat.

"Ate who is he????" Lumapit siya kay Adrian at tinignan siyang maigi. "Hey...he's the boy from the restaurant? Yeah?" Namimilog yung mata niya. Hahahaha cute na bata.

"Uhhuh." Ngumiti ako at binuhat na siya. "Anong gusto mong kainin?" Nilapag ko siya sa kitchen counter at binuksan ang fridge. "Pancakes?"

"YES PLEASE!!!!"

"Ako rin ate." Agad akong napalingon sa nagsalita. Joseph with bedroom hair. OH.

Nabalik ako sa katinuan ng batuhin ako ni Matthew ng potholder sa mukha.

"Ate Ariiiii!!!! I'm hungryyyy!!! You're smiling at him!!!! Don't look!!!!! He's ugly!!!!!! May panis na laway siya sa bibig!!!!!" At hysterical na ang bata.

Natawa na lang ako sa kanya. Agad lumapit si Joseph sa kanya, hinawakan ang magkabilang braso niya at may binulong.

"Look kid, I know you came from states and frankly speaking, I don't give a damn. But if you're talking about me having old saliva on my mouth, might wanna think again." Binugahan niya ng hininga yung bata.

(O.O) SHET! Ginawa niya talaga yon???

Natahimik si Matthew. "OH." Napatulala yung bata. Nalipat ang tingin ko kay Joseph. Nakangisi siya. Maya-maya pa, nagsalita si Matthew.

"How come your breath smells like spearmint?!?!?" Napatingin sa akin si Matthew. Nakakatawa yung itsura niya kasi nagtataka siya na may halong pagkainis at pagkamangha. Nagkibit-balikat lang ako sa kanya at binaling ang atensiyon ko sa fridge.

~oOo~

Walang pasok ngayon. Kaya nandito lang kami sa bahay, naglalaro ng snakes and ladders sa sala. Nakaligo at nakapag-ayos na rin kami. Nahiya naman ako kay Joseph kasi tumulong talaga siya sa pag-aayos sa bahay. Awkward lang... kasi close na sila agad ni Matthew at pinagkukwentuhan na nila ang buhay ko. What the heck diba? Kwento ng kwento si Matthew. Halos lahat ata ng parte ng buhay ko nakwento na niya.... buti na lang hindi ako nagkuwento tungkol sa love life ko. Patay ako nito pag nagkataon. Nakakahiya.

"Hmmm... so kid, did your ate Ariii had a boyfriend?" Whoooops! That's what I'm talking about. Agad napaangat ang ulo ko mula sa board at nakita ko siyang nakatitig sa akin.

Bakit?

"No. I don't know. She doesn't tell stories about those kinds of things. Kuya Aaron said she hates boyfriends."

"Really huh..." Sagot niya at pinutol na niya ang eye contact namin. Nang ibaling ko ang tingin ko sa board, panalo na siya.

"Hey! Whattheheck?!?" Sigaw ko. Ang daya niya! kanina nasa 64 lang siya ah!

Natawa naman siya sa reaksyon ko. Ako man, natawa rin. Parang ang pambata pala ng ginawa ko haha.

*kriiing*

Tumayo ako para sagutin yung tawag.

"Hello?"

"Ayen! May praktis tayo ng jingle rap ngayon. Abnormal ka ba? Papunta na kami ni Clarisse diyan."

Sasagot pa lang sana ako ng may marinig akong boses sa background. "Oo nga. Anong oras na o! Mag-aalas tres na bruha!"

Napatingin ako sa relo namin. 3:45 p.m. na.

"Teka, Aisha, anong araw ba ngayon?"

"Sabado kreng! Sa lunes na kaya 'to. Nag-aantay na yung ibang kagrupo natin. Final requirement to sa MAPEH 'no!" Ay! Oo nga pala.

"Gesige." Binaba ko na yung telepono.

"Uhmm... Adrian... Aalis ka ba ngayon?"

"Hindi naman... bakit?" Nakakahiya 'to pero close naman na sila eh.

"Ayos lang ba kung maiwan ko muna kayo ni Matthew dito? may praktis kasi kami ng mga classmates ko...."

"Yung sa jingle rap ba kay ma'am Ramos yan?"

"Oo eh..." napangiwi ako. Nakakahiya...

"Sama na lang kaya kami?"

"Naku hindi pwede!!!" Masyado atang mabilis ang sagot ko... Hindi siya pwede makita nina Aisha na nandito siya kundi aasarin ako ng mga lokreng na yun. Malisyosa pa naman yung dalawang yun.

"Kahit hindi sa exact location. Sama kami. Please?" Hindi ko siya tinignan. Ayoko. Hindi pwede. Hindi! Huminga ako ng malalim at, "BYEEE!" Agad akong sumibat palabas ng bahay.

Dahil kita sa mukha nila ang pagkagulat, mabilis akong nakalabas. Ila-lock ko na sana yung gate ng may humawak sa magkabilang braso ko.

Humarap ako at isang identification card ang bumungad sakin. Hindi ko nakita ang pangalan pero may pamilyar akong nabasa sa header nun.

"M.I. Tech."


(TO BE CONTINUED)



Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon