CHAPTER 21: SA MAY GATE

19 1 2
                                    

[A/N: Heto naaaaaaaa :D]

MILO'S POINT OF VIEW

*Ding dong*

"Magandang gabi po..." bati ko kay manang, ang kasambahay sa bahay nina Arianne.

"Oh! Milo, hijo bakit ka naparito?" napangiti si manang nang makita niya ako. Binuksan niya ang gate, sapat para masagot niya ang mga tanong ko.

"Si Arianne po... uhhmm...." napahawak ako sa mga kamay kong nilalamig dahil sa sakit nang aking tyan.

"Si Ayen ba kamo? Wala pa siya eh.6:30 ang uwian niyo diba? Mag-a-alas otso na nang gabi at wala pa siya, nihindi nga siya nagte-text kung asan na siya." Kinusot ni manang yung kanang mata niya at binuksan nang tuluyan ang pinto para makapasok ako.

"Ay hindi po, gusto ko po sana sabihin na kasama ko po siya ngayon..." Napatingin sa akin si manang.

"Ay talaga hijo? Asan siya?" Dumungaw si manang sa labas nang gate at medyo na dismaya nang makitang wala si Arianne sa paligid kundi ang kotse ko lamang.

"Nasa loob po siya nang van, natutulog. Hinimatay siya kanina sa school at sabi ng school doctor na-over fatigue daw siya sa dami nang ginagawa niya."

"Ay ganon ba, halika, buhatin na natin siya papasok nang bahay."

Pumunta kami ni manang sa van at binuksan ang pinto. Doon nakita namin ang nakahilatang si Arianne.

"Ay kawawang bata."

Napangiti ako. Ang cute talaga ni Arianne pag tulog. Sana lagi na lang siyang tulog. Saksakan ng sungit kasi kapag gising.

Pumasok si manang sa van at ginising si Arianne. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Bakas sa mukha niya ang kakulangan sa pagtulog.

"M-milo... " Nasambit niya nang makita niya ako. Nginitian ko lang siya at tinulungang makalabas.

"Iwan na kita sa pangangalaga ni Manang ah..." Tinignan ko si Manang, tumango siya sa akin at pumasok na sa loob ng gate, iniwan itong nakabukas para makapasok kami. Ano pa bang sasabihin ko... ah! "Wag mo ko masyadong ma-miss ah, magkikita pa naman tayo." At kinindatan ko siya. Nanlaki naman ang mga mata niya at pabiro akong hinampas.

"Grabe ka! Hindi kita kailangan 'no! Kaya kong mabuhay ng wala ka!" At tumawa naman siya ng malakas.

Alam kong biro lang yung sinabi niya pero tumagos. Nakakatawa aminin pero... nasaktan ata ako... Pero hindi naman dapat ako nakakadama ng ganito kasi magkaibigan lang kami... Magkaibigan.

"O, bakit humaba yung mukha mo?" Natatawa niyang sinabi sa akin ng makatayo na siya sa tabi ko.

Hindi ako makasagot. Nararamdaman ko pa rin yung kirot ng mga sinabi niya sa akin. Amin na kaya ako? "Oo, tama." bulong ko sa hangin. Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. "A-arianne,"

"Arianne?" sabay kaming napatingin ni Arianne sa tapat ng gate. Papasok doon, ang lalaking alam kong may pagtatangi din sa babaeng kasama ko.

(A/N: HAHAHA. Sino kaya? XD)

Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon