CHAPTER 6: THE HORROR

51 1 0
                                    


"Opo kuya. Girlfriend ko po siya." Inakbayan ako ni Joseph at ngumiti ng ubod ng yabang. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan ako ng malamig. Tumingin ako kay kuya Jed na mukhang nagdududa sa kanya. Tumingin din siya sa akin at bumalik na ang aking katinuan. Siniko ko ang tiyan niya.

"Balak mo ba akong gawing sinungaling?" Bulong ko sa kanya na punong-puno ng pagbabanta.

"Haha. Babe, kinakahiya mo ba ako?" Sabi niya sa akin na akala mo totoo.

"Babe ka diyan. Ano bang nakain mo?" Palo ko sa ulo niya. Agad naman niyang pinrotektahan ang ulo niya.

"HAHAHA! Sorry na sorry na. HAHA!" Tawa siya ng tawa habang nakataas ang kamay niya na parang nagsu-surrender.

Tsk. Haaay. Etong nilalang na 'to parang may sapak. Tinignan ko siya nang parang nandidiri.

"Oh, makatingin ka naman. Naligo ako, wala akong virus o kung ano." Depensa niya. Umismid ako.

"Alam ko. Mahangin lang." Natawa si kuya Jed. Tinignan naman ako ni Joseph ng matalim. HAHAHA. Ano ka ngayon.

"O mga love birds tama na yan. Punta na tayo." Sabi ni Clarisse. Inabot niya yung binili niya kay Joseph na parang sinikmuraan ang dating. Napa-ow naman siya ng mahina. Ito talagang si Clarisse eh, parang hindi maluwag sa kalooban kapag may kasama kaming lalaki.

"Ayen, sigurado ka bang gusto mo isama yan sa bahay mo?" Bakas sa tono niya na naiirita siya.

"Pwede naman siguro diba, mukha naman siyang mapapagkatiwalaan eh."

"Hmm... Sigurado kang mapapagkatiwalaan yan ah."

"Maka-yan ka naman. Gamit?"

"Oo. Gamit lang ang lahat ng mga lalaki, wala silang mga puso." Sa sinabi niya, parang may natapik na kung ano sa utak ko at muli na naman akong napunta sa isang pangyayari mula sa nakaraan.

"Arianne, makinig ka sakin, please."

"Ayoko makinig sayo! Ayoko!"

"Arianne, please, give me one last chance."

"I already gave you two. Hindi ba't parang kabaliwan yun kapag binigyan kita ulit. Hindi ako tanga."

"Please, Arianne, I'm really sorry, mahal kita, mahal na mahal parin kita, please makinig ka sakin."

"Oh? Ba't mukha kang constipated?" Bulong sakin ni Clarisse. Winagwag ko yung ulo para maalis yung alaalang yung. Leche. Ba't ba kasi... hay. Ayoko na nga.

"Baka ikaw." Bulong ko sa kanya pabalik. Tinignan ko si Joseph sa likod, nakatingin siya sa paligid. At mukhang napansin niyang tinitignan ko siya kaya naman tinignan niya ako pabalik at nginitian. Ngumiti din ako sa kanya.

Teka, parang ngayon niya lang ako nginitian ah. Ngayon nga lang ba? Ewan. Hindi ko maalala. Atsaka, paki ko ba kung nginitian niya ako o hindi. Nung makarating na kami sa bahay, sinubukan kong yayain si Joseph sa loob, ayaw naman niya.

"Pasok ka."

"Wag na. Dito nalang ako."

"Ok sige."

"Yun lang? Grabe ka naman Arianne."

"Wag na Arianne, Ayen nalang."

"Ayen?"

"Bakit?"

"Parang baby hahaha!" Tinitigan ko lang siya.

"Joseph, uwi na."

"Adrian nalang." Sabi niya, ginaya niya pa yung tono ko kanina. Abnormal talaga.

"OK," huminga ako ng malalim "ingat ka, Adrian."

Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon