CHAPTER 10: GHOSTS

38 1 0
                                    


  [A/N: The long wait is over :) Heto na ang Chapter 10. Nga pala, para sa mga naunang sumubaybay sa ating kwento, may mga in-edit po akong mga scene each chapter, starting one to nine para mas maganda. Ire-read niyo na lang po para mas maintindihan ang kwento :) Thank you for reading! -Karenina x]  

"Asdfghjklqwertyuiopzxcvbnm?"

"Ano sabi mo?"

"Wala :) Good night Arianne."

"Good night Adrian..." Pumasok na siya sa kotse at umalis na sila. Wow, ngayon ko lang napagtanto, magkatunog yung pangalan naming dalawa. Ni-lock ko na yung gate para iwas akyat bahay.

"Aba't nakangiti ka." Tinignan ko yung taong nagsasalita.

"Jane."

"Hindi mo ba ako papapasukin?"

"Bakit, gusto mo ba? Matutulog na kasi ako eh..."

"Ah... ganun ba? Eto na lang, sino yung lalaking nandito sa inyo kanina?"

"Bakit?"

"Wala naman... tinatanong ko lang..."

"Schoolmate natin yun. Hindi mo ba siya kilala?"

"Teka, siya ba si..." pinanlakihan niya ako ng mata kasi gulat na gulat siya.

"Oo. Now back off."

"Woah. Chill Arianne." I gave her a not-so-satisfied look.

"Ano bang kelangan mo?"

"Gusto ko lang mangamusta... masama ba?" Nagpapa-awa pa siya. Halata naman na hindi yun yung tunay niyang pakay.

"Kung yun lang naman pala ang pinunta mo dito, umuwi ka na. Gabi na. Hindi ka na dapat lumalabas ng ganitong oras." Tatalikod na ako ng magsalita ulit siya.

"Arianne, mag-ingat ka. Si Arthur, hindi na siya gaya ng dati... Si Joseph... ingatan mo siya." Woah? Ingatan? Eh wala naman kaming kinalaman sa isa't isa.

"Bakit ba?" iritableng tanong ko sa kanya.

"Kasi alam kong kahit ganto na tayo, may parte parin ako dyan sa loob mo. Kasi ikaw, meron parin dito sa akin."

"Noon mo lang ako kilala. Hindi na ako ang dating Arianne na pwede mong diktahan sa mga bagay na gusto mo mangyari."

"Oo, napagtanto ko na yun.. kaya eto." Inabot niya sa akin yung flashdrive na hiniram niya sa akin last week. Kinuha ko yun, napakunot ang noo ko at tumingin sa kanya.

"Walang virus yan. Nadagdagan lang ng laman. Arianne, wag ka basta-bastang magtitiwala please. Last request ko na sayo 'to. Hindi na ako makikigulo sa buhay mo pagkatapos. Basta, ipangako mong magiging ok ka." Huh?

"Uy kung makapagsalita ka naman parang mamamatay ka na." Pagkasabi ko nun, bumuntong hininga siya. May nangingilid na luha sa mga mata niya.

"Haha. Sige na nga. Joke lang yun. Hehehe." Inabot niya yung kaliwang kamay ko at hinawakan yun. "Mahal kita, bestfriend." Pinisil niya ang kamay ko, dahilan para mapatingin ako sa kamay niya. Tsaka ko lang napansin na iba na ang kulay ng balat niya. Tinignan ko yung mukha niya, napakaputla niya, parang buto't balat na lang siya.

Aalis na sana siya pero hinila ko ng full force ang kamay niya, inangat ko ang sleeve ng jacket niya at nakita kong may mga pasa siya doon, may puting tag din siya sa wrist niya. May nakalagay na numbers at... Hinatak niya iyon pabalik pero dahil sa lakas ng pagkakahawak ko, naputol yung tag niya at tumakbo siya ng mabilis. Pinulot ko yung tag at binasa iyon.

UNIT No.: 0431

M.I. Laboratories

"M.I. Laboratories..." tinignan kong maigi yung tag at binaliktad yon. Parang may computer chip wiring sa likod. Binulsa ko iyon at pumasok na.

Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon