CHAPTER 7: SMURFY DAY

42 1 0
                                    

Tuesday, kinabukasan...


Walang training, labanan na kasi. Omegash. Once lang 'to.... Nagte-train kami for three months then gora na. Shets... ngayon ko lang naramdaman yung gantong feel... kakaiba... hindi naman ako lumalaban sa mga ganto at heto kami ngayon. Nakaupo sa may gate, inaantay namin yung susundo sa amin.


Unluckily, wala pa siya. Wala pa si manong driver. Tinignan ko yung braso ko. Shets. Nawawala pala yung relo na binigay sa akin ni Joseph....


"Hoy bruha!" Napaupo ako ng maayos ng marinig ko yung tawag sa akin ng bruha kong kaibigan. "Kamusta naman?" tanong niya sa akin.

Nag-shrug lang ako tumingin sa sapatos ko. Hay. Nasan na kaya napunta yung relo na yun??


"Ayaw mo pag-usapan?" pagpupumilit niya.


"Sige na nga. Huwag nalang. Uy good luck nga pala. Galingan mo ha. Kung matalo ka man, tandaan mo; WALANG FOREVER." Hay. Here she goes again =___=


"Oo. Alam ko.. hindi mo kailangang ulit-ulitin pa kasi ang FOREVER, nandun na sa hospital. Nananahimik na kaya huwag mo na siyang gambalain pa. Marami nang gustong pumatay sa kanya. Huwag ka na makisali pa. OK?" pagtapos ko sa usapan namin. Baka mamaya yun pa yung maisulat ko sa gawa ko yang foreverchurvaeklabu niya.


"Oo na. Makaalis na nga dito." Sabi niya ng tatawa-tawa. Nagtanguan lang kaming dalawa at bumalik na siya sa classroom namin.


Tinignan ko yung relo sa may main hall ng school... 7am palang. Masyado pang maaga. Lumabas muna ako ng school para bumili ng ipit kasi nakaharang yung buhok ko sa mukha ko.


"Kuya Vince, bibili lang ako ng ipit sa tapat. Babalik ako agad."

"Sige Arianne. Mag-ingat ka. Bumalik ka agad ha. 7:30 daw darating yung sundo niyo."

"Opo kuya." Naglakad na ako palabas ng gate. Maaga pa naman. 8:00am ang official time ng klase. Sadyang maaga kami pumasok ni Clarisse at Aisha.


Bumili ako... ang pinili ko kulay Maroon. Plain lang yung panali. Matagal na akong nakatayo sa tapat ng tindahan... Bakit? Kasi hinahanap pa ng tindera yung ipit na pinili ko. Huhuhu XD


Mga 3 minutes na siguro yun ng may marinig ako tumutunog. Sa loob ng bahay nila, nanunuod yung bata ng pelikula.


"La la la la la la sing the happy song la la la la la la smurf the all day long!" kanta nung mga maliliit na kulay blue doon sa screen. Mga makailang ulit din nila kinanta yun. Ang cute ng tunog haha.


"Anong title nyan?" tanong ko sa batang nanunuod.

"The Smurfs po." Sabi niya tapos nginitian niya ako then bumalik na siya sa pan

"Eto na Arianne o." Bigay sa akin ni ateng tinder. Kilala niya ako pero hindi ko siya kilala hehe.

"Hehe. Salamat po."

"Aba'y malapit na pala ang graduation niyo." Sabi sakin ni ate habang inaabot yung sukli ko.

"Opo nga po eh.." Sabi ko na parang naghihinayang na ewan XD

Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon