CHAPTER 3: EXPECTATION

61 1 0
                                    

Shetss. Ano bang nangyari sakin kanina!!! Arggghhh!!!

[FLASHBACK] "Hi ate Ayen! Kamusta po?" Aba't ngiting-ngiti 'tong batang 'to. "OK lang naman ako..." Nakakaramdam ako ng konting awkwardness sa atmosphere... "San punta mo?" Tanong ko sa kanya. "Uuwi na po." Ah.... K. "San ka po nakatira?" *Insert horror sound effects here* [END OF FLASHBACK]

Sinong mag-aakala na kapitbahay ko pala siya? Nakakaloka. Pagkatapos kasi niya akong tanungin, hindi ako sumagot. Natameme ako. Tinignan niya lang ako sa mata.. Sa mata.. Well.. Hindi ako tumingin pabalik kasi baka... Hays. Hiningi pa niya ang number ko. Binigay ko naman kasi matagal-tagal na rin naman kaming magkakilala....

"Tao po..." Ayayyy... Mukhang kilala ko na kung sino yun ah... "Ate Ayen? Nandyan ka po ba sa inyo?" Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?? Naku naman.. Hindi dapat siya pumupunta dito... Baka malaman ng ibang estudyante kung saan ako nakatira baka mahirapan ako 'pagnagkataon...

**kringgg kringgg kringgg pizza delivery**

"Hello? Sino 'to?" May tumawag sakin na un-registered number. Himala rin naman na tumigil na sa pagtawag sa akin si Milo...

"Ate Ayen bakit hindi mo binuksan yun gate?" Woah... Si Milo... Sa sobrang pagka-shock ko sa mga pangyayari, in-end ko yung call.

**kringgg kringgg kringgg pizza delivery**

"Hello?"

"Ate Ayen wag mo papatayin!" Stranded yung daliri ko. Papatayin ko na sana eh. Naunahan pa niya ako =_= Well, no choice. "Oh... bakit ka pala napatawag?"

"Gusto sana kitang makausap..."

"Oh? Bakit naman?"

"Kasi.. Teka, papasukin mo muna ako sa inyo."

"Ano ka, sinuswerte? Ayoko nga!"

"Sige na ate. Ang lamig lamig dito sa labas. Naka-sando lang ako. Baka magkasakit ako. Hindi ka ba naaawa? Baka pagtripan ako ng mga tambay dito kasi may gwapong nakatayo sa harap ng bahay ng kapitbahay ko at ayaw akong papasukin."

"Aba't ang dami mo pang sinabi ha."

"Papasukin mo na kasi ako!" Nagulat ako XD Hehe. Oo nga naman Ayen. Papasukin mo kaya? Kawawa naman yung tao nandun lang sa tapat ng bahay niyo nakatayo. Mukhang basurero >:D

Lumabas ako ng bahay at binuksan ang gate. Take note, nakatawag parin sakin si Milo. "Oh, bakit? Maga-alas otso na ah." tanong ko sa kanya.

"Huwag mo muna ibababa..." sabi niya.

At sa hindi sinsadyang pagkakataon, patingin ako sa kanya. Sa mga mata niyang nakatingin sa akin. Bukas ang ilaw sa labas kaya kitang kita ko ang mga mata niyang nakatingin din sa akin. Tinignan ko siya ng maigi at may naramdaman akong hindi pamilyar na pakiramdam...

*dug dug*

What the hell? Saan galling yun?

Gusto ko sanang hawakan yung dibdib kaso an awkward naman yun diba. Kaya I diverted the attention. Mukhang wala ata siyang balak patayin ang tawag kaya ako na ang pumatay nun. "Alam mo, saying yung load."

Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. Hindi kita uurungan pare. Dahan dahan kong binaba ang cellphone ko at ibinulsa. "Bakit?" tinanong ko ulit siya. "Ah.. Wala. Gusto ko lang tignan yung loob ng bahay niyo." Sabi niya sa akin habang nagkakamot ng batok. Gusto lang palang tignan yung loob ng bahay... Edi wow XD

"Ano naming mapapala mo sa pagtingin sa loob ng bahay ko? Halos wala naming laman yan." Dire-diretso lang siya sa pagpasok.

Mukhang hindi ko na siya mapipigilan pa kaya pumasok na rin ako sa loob. Hindi naman ako masama sa mga taong bumubisita dito kaya pinainom ko siya. Tubig lang. Hindi pa kasi ako namimili ng stocks. Kakain na rin ako nun kaya niyaya ko siya. Pagkain yun, hindi dapat tinatanggihan :D Dalawa na kaming kakain kaya sinamahan niya akong bumili ng kakainin namin. Mga 7:30 na rin yun ng gabi. Wala na yung lolang nagtitinda ng ulam sa may kanto kaya lumabas kami ng subdivision at sumakay ng jeep papunta sa isang fast-food chain.

Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon