CHAPTER 17: SI KUYA

21 2 0
                                    

"Amnesia."

What?

"Oo nga. Ayaw mo maniwala sa akin? Edi lumabas ka na dito." Kinabit ulit ni kuya yung headphones niya at nagpatuloy sa panunuod ng kung ano sa laptop niya.

"Grabe ka naman kuya. Wala pa akong 15 minutes dito sa loob, pinagtatabuyan mo na ako."

"Hindi ah! Ayaw mo kasi saking maniwala edi lumabas ka na dito at pumunta ka sa hospital kung saan ka na-confine dati. Hanapin natin yung doctor na nag-asikaso sayo." Tumayo siya at in-unplug yung cellphone niya sa saksakan. May pinindot siya sa cellphone niya at tumingin sa akin.

"Dialing..."

Parehas kaming nakatingin sa cellphone niya. Hanggang may nagsalita mula doon.

"The number you have dialed is now unattended. Please try your call later." Nagkatinginan kami ni kuya.

"Eeeeeeh. Kuya naman eh. Joke time ka!" Sigaw ko sa kanya with matching hampas. Natawa kami pareho. Namiss ko talaga 'tong si kuya kahit pa paano. "Baka tulog na yung kung sinuman na tinatawagan mo. Dis oras na nang gabi 'no."

Napaisip siya. "Oo nga 'no? HAHAHA. Ikaw, dis oras na nang gabi at nandito ka. Saan ka ba kasi nanggaling?" Napatungo ako. Hindi ko alam. Sasabihin ko ba kay kuya na nawala ako at may nakakita sa akin sa extension ng subdivision kung saan ako nakatira? Anong gagawin ko? Unti-unti kong inangat yung mukha ko para salubungin ang tingin niya.

"Kuya... hindi ko alam. Hindi ko talaga alam."

"Huh? Anong hindi mo alam?"

"Hindi ko maalala. Ang alam ko lang ay nakita ako ni Arthur sa extension ng subdivision at dinala ako ni Milo dito." Nakita ko ang pamumublema sa mukha ni kuya. Natahimik kami pareho. Maya-maya pa...

"Uhm... Ano... Baby... wala ka naman bang nararamdaman na kakaiba ngayon?"

"Kakaiba? Paanong kakaiba? Ang nararamdaman ko lang ay masakit ang ulo ko. Pero kanina pa yun. Hindi masakit ngayon."

"Hindi... hindi yon. Kakaiba... down there." Sabay turo niya sa may baba niya.

Down there? Napaisip ako sa sinabi niya. Nang makuha ko na kung ano yung tinutukoy niya bigla akong kinabahan.

"Kuya paanong kakaiba...?"

"Uhm.. paano ba 'to... yung feeling na parang masakit? Mahapdi? Expanded?" Pinakiramdaman ko nang maigi yung sarili ko. Wala naman. Buo parin naman yung ako.

"Wala naman kuya..." nasagot ko na si kuya pero kinakabahan parin ako.

"Ah.. ganun ba... Hindi tayo sigurado dyan. Sasamahan kita sa ospital bukas ng umaga." Hindi ko alam pero nung makausap ko si kuya, parang nakaramdam ako ng safety. Pakiramdam ko ligtas ako.. Kahit parang may nagsasabi sa akin na hindi.

"Kuya... ayos lang ba kung dito muna ako?"

"Oo naman." Napayuko ako. Hindi ko talaga maintindihan. Hindi ko maintindihan ang mga bagay-bagay na nangyayari... "Bata..." tawag sa akin ni kuya "Ayos ka lang ba talaga? Alam mo, tinitignan pa lang kita parang pasan mo na yung mundo. Magkwento ka naman."

Inangat ko yung ulo ko at tumingin sa kanya. Tatanungin ko ba? Tanungin ko na siguro para masagot na yung mga katanungang namamahay sa isip ko.

"Kuya Aaron, may kilala ka bang Joseph Adrian Costa?" Tinignan ko ng maigi yung magiging reaksiyon niya. Parang may nakita akong pagkagulat, pagtataka at... tama ba yun... lungkot? "Charlin..." Kung titignan ng maigi yung itsura niya ngayon parang lumilipad yung diwa niya sa kalawakan. Tulala siya, nakatingin sa paanan niya.

"Well?"

"Ha? Ah. Oo. Schoolmate mo yun diba?"

"Oo. Paano mo nalaman kuya? Wala naman akong kinukwento sayo na schoolmate ko siya." Mukhang nawala sa bantay niya si kuya kaya napatingin siya sa akin agad. "Wala ba?" Napakamot siya sa kanang kilay niya. Tinitigan ko lang siya.

"Kuya, alam kong kilala mo siya. Eh may kilala ka bang Milo Mirohama?"

"Alam ko na yan bata. Kapatid mo ako. In-explain ko na sayo yung nangyaring plane crash diba?" Tumango ako.

"Si Adrian at Milo, bestfriends mo. Akala ko nga magiging tibo ka eh. Hindi kasi kayo mapaghiwalay. Hanggang sa pinasundo ka nga ni mama. Doon ka na daw sa Japan. Kaso it happened. The crash happened then you and your friends lost contact. Paano? Hindi mo sila pinapansin. Nagsawa na ata sila katatawag at kahahabol sayo. Dahil yan sa amnesia mo. Wag mong pilitin ang sarili mo kung wala kang maalala."

Ah... yun pala...

"Kuya heto, last na 'to..." tinignan niya ako na parang ayaw na niyang sagutin yung itatanong ko. "Gaano na katagal simula nung mangyari yung plane crash?"

"Basta Grade 6 ka nun. Ikaw na mag-compute." Sagot niya sabay kurot sa magkabilang pisngi ko.

~oOo~

Kinabukasan, sinamahan ako ni kuya sa Gyne. Luckily, wala namang unusual. So heto kami ngayon ni kuya, nagliliwaliw sa mall.

"Nagugutom ako baby. Anong gusto mong kainin?"

"Alam mo kuya lagi mo akong tinatawag na baby. Malaki na kaya ako."

"Ay naku~ Nagsalita siya o. Malaki ka na? San banda day? Eh hindi ka pa nga makapantay sa laki ko." Aba loko 'to ah.

"Kuya wag mo akong minamaliit ah."

"Ikaw? Minamaliit ba kita?" Pa-inosente pa pero pinapatungan naman niya ng siko niya yung ulo ko. Pasalamat siya kapatid ko siya.

"Kuyaaaaaa~!" Asar na pagsiko ko sa tagiliran niya. Tawa naman siya.

"Ang cute mo talaga bata. Hahaha. O, ano nang kakainin natin?"

"Kailangan ba pareho tayo? Pumili ka nang sayo!" Tampo kunyare hehehe.

"Ay hala siya. Tampururut." Kunwaring tampo lang yun kaya niyakap ko agad si kuya.

"Kuya ice cream tayo...." Napakunot yung noo niya.

"Mabubusog ka ba nun?"

"Pwede na yun! Sa bahay na lang tayo kumain."

"Bahala ka. Ikaw gagasto ng ice cream mo."

"Ay grabe ka kuya!" Nauna akong maglakad sa kanya papunta sa may ice cream.

Nang makarating, pumila agad ako sa may counter. Nang lingunin ko kung kasama ko pa ba si kuya nakita ko siyang makausap na babae sa labas.

(TO BE CONTINUED)


Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon