CHAPTER 22: WARNING

7 0 0
                                    

"Arianne?" Tawag sa akin nung lalaking papasok ng gate namin.

"Adrian..." Tugon ko sa kanya. Napangiti siya at napatingin sa kasama ko.

"Owww, kasama mo pala si Milo, Choco Malt Drink." Nakangisi niyang sinabi sa akin kahit kay Milo siya nakatingin.

May narinig akong malakas na buga ng hangin mula sa ilong ni Milo. Hindi ko na kailangang tignan pero dama kong may kuryente sa pagitan nila.

"Ang bigat ng atmosphere dito ah. May gusto ba kayong iparating sa isa't isa?" Kung sila gulat sa lumabas sa bibig ko, ako, gulat na gulat. "Joke. Ha-ha-ha... Tara pasok tayo sa bahay?" Yaya ko sa kanila.

"Uhh, uwi na siguro ako Arianne. Tutal kanina mo pa ko kasama."

"Oo nga p're umuwi ka na. Nakakaumay." Nakita ko ang talas ng titig ni Milo kay Adrian.

"Atleast hindi mabaho." Sagot ni Milo.

"Sariling amoy. Hindi ka kasi nagtu-toothbrush." Tirada ni Adrian. Ano bang problema ng dalawang 'to at parang may asar sa isa't isa.

"Itigil niyo nga yan. Para kayong magjowa na nag-aaway." Natahimik sila.

"Sige, dito na ko Ari-" Paalis na si Milo nang may humarang na limang lalaki sa harap niya, may mga bitbit silang malalaking baril. Hindi ako magaling sa mga baril pero alam kong hindi maganda ang dulot ng mga iyon kapag pinagana na.

Alam ko gabi na pero bakit naka-shades sila?

"Mga kuya at ate labas muna kayo sa bahay niyo." Sabi nung pinakamalaking mama sa unahan.

Para kaming mga de susi na robot na sumunod sa kanya. Pagkasabi nung mama, tinanguan niya yung mga kasama niya at pumasok siya sa loob ng bahay namin.

"Hoy teka lang kuya, saan ang lakad mo??"

Nakita ko kung paano napaatras si Milo sa talas nang tingin nung mama. Hindi ako makakilos. Hindi kami makakilos.

Pinasok nila ang bahay at nakita kong pinalabas nila si manang at si kuya sa bahay. Dinala sila sa amin. Asan si Papa? Tss. Parang napaka-importante naman nung tanong. Natural wala. Balewala naman kung umuwi siya o hindi. Hays.

*Dug dug*

"Aw..." napakapit ako sa dibdib ko. Ang sakit ng dibdib ko...

*Dug dug*

Nanlambot ang tuhod ko kaya naman nahigit ko yung tao sa tabi ko, si Milo. Napatingin siya agad sa akin.

"U-uy! Arianne! Ayos ka lang ba?"

Agad na sumaklolo sa akin si Adrian. Inalayan niyo ako patungong sidewalk nang sumigaw yung isang mama na may hawak na baril.

"Hoy! S'an kayo pupunta? Walang aalis dito!" Naramdaman ko yung paghigpit ng hawak ni Adrian sa akin. Huminga siya ng malalim atsaka humarap sa mama.

"Etong babaeng 'to, may sakit. Kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya, hindi kita mapapatawad. Uubusin ko ang lahi niyo."

"H-huy, w-wag ka ganyan. Hindi m-mo ba nak-kikitang may a-ack, baril s-siyang dala?" Bulong ko sa kanya.

Agad siyang humarap sa akin at doon, nakita ko ang baga sa mga mata niya.

"Hindi mo ba nakikita kung gaano ka kaimportante sa akin?" Ramdam ko ang lalim ng tingin niya sa akin. Natahimik ako.

"Ahem!" Agad akong napalingon sa tao, kay Milo. Binigyan niya si Adrian ng huwag-ka-ngang-gago na tingin. Nanlaban naman si Adrian.

Mamaya pa, nakaamoy ako ng kakaiba sa hangin.

Napatingin ako sa gawi ng bahay namin.

Lahat ng mga pinundar ng mga magulang ko, pinaghirapan nila ng 20 na taon, lahat ng mga ibinigay na ala-ala, hindi malilimutang tawa, tumulong mga luha, nawala lang sa loob ng kalahating oras.

(To be continued)

[A/N: Sorry for the delay readers. Busy tayo sa acads eh. Magsisipag na ako mula ngayon. Enjoy!]

Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon