CHAPTER 2: IN DENIAL

98 1 0
                                    

HINDIIIII!!! HINDI KO SIYA GUSTOOOOO!!! Pero bakit kinikilig ako??? Aish.

10 o'clock na ng gabi at heto ako. Nakatingin sa kisame habang nakakunot ang noo. Pa'no ba naman kasi ngayon ko lang na-realize na binati niya pala ako... Nabingi lang ako ng pagkakagusto ko sa kanya. ANO?! Wah.. Gusto ko nga siya.... Pero hindi! Baka akala ko lang...

Nung binati niya ako kanina... yun ang unang salitang narinig ko sa kanya. Hay nako. Bumaba ako sa sala at nag-toothbrush. Pagbalik ko sa taas humilata agad ako. Bahala siya sa buhay niya at matutulog na ako :P

*Kinabukasan*

"Hi ate Ayen! Aga natin ah... excited ka na naman sigurong makita si--U-uy! Hello kuya Milo! Magkasunod lang pala kayo ni ate AYEN ng pasok ah." At pinagdiinan talaga ni Julie ang pangalan. Oo alam kong hindi yun ganun ka ganda. Hindi naman kasi talaga yun ang pangalan ko.

"Good Morning po... Andyan po ba si Arianne?" Speaking...

"Anong kailangan mo?" – ako

"Ate naman. Bakit ba ang sungit mo pagdating sa akin?" – siya

"Hindi ako nagsusungit. Ano ba kasing kelangan mo??" – ako

"Haha. Ikaw talaga. Peram nalang ng flash drive mo." – siya

"Balik mo yan. Dapat walang virus o gasgas." – ako

Nag-thumbs up lang siya sa akin at ngumiti. Hay. Jane Orteza. Wala akong magagawa kung tuwing kinakausap kita lagi akong ganto. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Mga bata pa naman kami nun pero kung makapag-throwback ako sa mga pangyayari noon, parang napakasakit ng mga nangyari.

"Ate Ayen pinapauwi na tayo ni Sir. Wala daw training ngayon. Pahinga daw muna." – Julie

Tinanguan ko siya at bumalik sa office namin. Kinuha ko na ang bag ko at naglakad pabalik ng classroom naming, nagbabakasakaling may mga tao pa sa room. Tuwing uwian kasi kami nagte-train. Nang papunta na ako, nakasalubong ko si Milo. OK na sana kaso may nakita akong nagbigay ng kirot sa bandang dibdib ko...

Kirot ba yun o ano? Hindi ko kasi maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Parang may kumukurot-kurot sa ilalim ng balat sa dibdib ko. Pero maniwala kayo sa akin, pasimula palang ang istoryang 'to. Wala talaga akong gusto kay Milo, pero... Hay ewan. Para naman akong sira na nakatayo dito sa 3rd floor. Nakahawak sa dibdib at nakatingin kina Milo at isa pang babae na magkasama. Tsss. Maka-alis na nga. Alas dos na nang hapon at masyadong mahapdi ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

Nang nakabalik na ako sa room namin, wala nang tao. Nilapag ko yung bag ko sa upuan kung saan ako umuupo at nagsulat sa blackboard. Sulat dito, drawing doon. Kung anu-ano lang yung pinaggagawa ko. Umuwi nalang kaya ako? Binalik ko na sa drawer yung chalk at nagsimulang burahin yung mga pinagsusulat ko sa board hanggang sa matira nalang doon ang sinulat ng classmate ko.

"'Walang forever'. Pati ba naman ikaw?" Sabi sakin nung lalaking papasok ng room.

"Uhm... excuse me? Kilala ba kita?"

Kumunot ang noo niya at pumasok na nang tuluyan sa room. Hindi ko maintindihan pero pagpasok niya, ako lang ba 'to o parang bumagal yung daloy ng mga pangyayari.

"Huy!" Sigaw niya sa akin with matching kaway kaway. "OK ka lang?"

"A... E... Anong oras na?"

Tumingin siya sa G-Shock niyang itim. Ngumiti at tumingin sa akin. "3:45pm."

"Ah... OK." Nilapag ko sa lamesa yung eraser at dinampot yung bag ko sa upuan. Naglakad ako hanggang sa makalampas ako sa kanya. Sinundan naman niya ako ng tingin.

Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon