CHAPTER 15: SA MAY EXTENSION

21 2 0
                                    

[A/N: That's Milo with bubble tea for ya :D]


Naimulat ko ang mga mata ko sa isang madilim na lugar. Ang sakit ng ulo ko. Ang sakit sakit. Parang binibiak. Tumingin ako sa paligid ko. Nasa likod ako ng isang van. Kahit masakit ang ulo ko, pilit kong pinakatandaan yung naunang nangyari. Pero wala. Wala akong maalala.

Biglang bumukas yung pinto sa likod.

"Ayen! Gising ka na pala. Ayos ka lang ba?"

Huh?

"Halika." Inalalayan niya akong makalabas sa van.

"Ang sakit ng ulo ko Milo. Asan ba tayo? Anong nangyari?"

Tumingin siya sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Nakita ka ni Arthur malapit sa extension, nakagapos ang mga kamay at sumisigaw, humihingi ng tulong."

Si Arthur?

"Teka, teka, wala akong maalala. Hindi ko maalala."

"Hindi mo, wala ka bang, talaga.... hindi mo.... hindi mo talaga maalala?"

"Ba't naman ako magsisinungaling kung naaalala ko?" Pinilit kong alalahanin kung ano yung nangyari pero sa halip na maalala ko, lalong sumakit yung ulo ko.

Napahawak ako sa sentido ko. Ang sakit. Napakasakit. Nawalan ako ng balance kaya napakapit ako kay Milo at tsaka ko pa lang na-realize, nasa C St. kami. Malapit sa extension.

"Anong oras na?" tanong ko sa kanya. Madilim na. Kailangan ko nang umuwi.

"10:45."

"Dapat siguro.. mauna na ako? Kailangan ko nang umuwi." Tumayo ako at lumabas.

"Ayen... sandali!"

Hindi pa ako nakakalayo, nakadama ako hilo. "Hatid na kita sa inyo."

Pumayag ako na ihatid niya ako dahil hindi na kaya ng ulo at katawan ko. Inalalayan niya ako pabalik sa van. Sa may passenger seat niya ako pinaupo. Siya ang nag-drive. Siguro inborn na sakin ang pagiging curious kaya kahit out of context, naitanong ko sa kanya eto:

"Ba't may van ka? Kanino 'to?"

"Sa tito ko. Nandun kasi sila sa bahay ngayon. Umalis sila at binilin sakin 'to. Nung kumatok si Arthur sa gate sabi niya nakita ka niya, pinadala niya ako ng kotse para may masakyan. Nawalan ka daw kasi ng malay nang makita mo siya."

"Ah... Ganon ba..." may iba pa siyang kinuwento pero hindi ko na siya maintindihan. Tumingin ako sa kalsada. Teka, palabas na 'to ng subdivision ah?

"Uy! Saan tayo? Hindi 'to papunta sa bahay ah?"

"Doon tayo sa bahay niyo mismo. Para ligtas."

Isang oras at kalahati na ang lumipas, nasa labas na kami ng gate ng bahay. Binuksan ko na yung pinto ng sasakyan at kinatok yung gate. Hindi nagtagal, bumukas naman iyon.

"Arianne, hija. Ba't naparito ka?"

"Magandang gabi po, manang Josie." Nagmano ako sa kanya.

Dire-diretso akong pumasok sa bahay at sumalampak sa couch. Nahihilo ako. Mula sa gilid nang mata ko, nakita kong pumunta sa kusina si manang.

Biglang umingay. May narinig akong kumosyon doon at maya-maya pa, nasa tabi ko na.

"Arianne! Ayos ka lang ba? Kahapon ka pa namin iniintay ni Matty. Saan ka ba nanggaling?"

"Adrian. Hindi ko alam. Hindi ko alam. Nandito pala si Matthew?" napakunot ang noo niya.

"Oo. Nandito siya."

Umupo ako ng maayos habang nakapikit at naramdaman ko ang paglubog ng pwesto sa tabi ko.

"Eh? Kelan pa?" Naimulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya. Kitang-kita ko ang pagsasalubong ng kilay niya.

"Hindi mo naaalala?"

"Wala siyang naaalala."

Lahat ng atensyon ay natuon sa taong nakatayo sa may pinto.

"Aba. Nandito ang bata." Tumayo si Joseph para lapitan si Milo. Hindi sumagot si Milo. Sa halip, nagtitigan silang dalawa.

(TO BE CONTINUED)



Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon