CHAPTER 12: KASAMA

35 2 0
                                    

"Halaaaaaaaa. Saan tayo pupunta?? Kelangan ko nang umuwi. Hinihintay na ako ni Matthew!!!"

"OK lang yan."

"La? Abnormal ka? Dis oras na ng gabi at mag-isa lang yung bata!"

"Oo alam ko. At dalawa lang kayo dun. Kelangan niyo ng kasama." Huh?

"Hala?" Ngumiti siya at tumingin sa akin... Ay, huminto na pala yung bike... OK....

"Sandali lang babe. May kukunin lang ako." What the hell?! Babe?! Kadiri naman 'to.

"Sira! Babe ka diyan. Hindi tayo in a relationship kaya umayos ka!"

"Haha! Sungit mo. Meron ka ba ngayon?" Sabi niya sabay tingin sa may bandang likod ko. What the shit? Ano bang hanap nito? Away??

"Oh? Akala ko ba may kukunin ka? Ano pang inaantay mo?" Sabi ko with matching eye-roll. Natawa lang siya sa ginawa ko.

"Naku, huwag ka na magtampo. Halika, ipapakilala kita sa angkan pamilya ko." Sabay hawak sa kamay ko. Ano daw? Ipapakilala ako sa pamilya niya? Shet may anak na ba siya? O.O

Pagbukas ng gate na kulay maroon, bumungad sa akin ang isa bahay. Magandang bahay, maliwanag na bahay. Hindi naman malaki para sabihing mansion, at hindi rin naman maliit para sabihing bahay lang.

Diretso kaming pumasok sa pinto. Kami... siya lang. Huminto kasi ako sa porch. Siguro nagulat siya sa biglaang paghinto ko kaya napatingin siya sakin.

"Bakit?"

"Kasi.... Parang mali naman na bigla na lang akong papasok sa bahay niyo..."

"Oh, anong mali don?"

"Wala ka manlang pasabi sa mga magulang mo na may dadalhin kang tao sa bahay niyo... Nakakahiya... Sige na... lakad na. Aantayin na lang kita dito." Tinitigan niya ako ng maigi.

"Tsk tsk." Lang ang narinig ko mula sa kanya with matching pailing-iling. At hinatak na niya ako papasok. Nang makarating kami sa receiving area, pinwesto niya ako sa may tapat ng isang couch. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ako at nagsalita. "Dito ka lang." Sabay lagay ng pwersa sa balikat ko para mapaupo ako. Buti na lang malambot yung couch kasi kung hindi, wala lang hehehe.

Hinawakan ko yung sofa na inuupuan ko. Ang ganda ng kulay. Leather na cream white. Yung kahoy nun, brownish red yung kulay. Ang ganda ng combination. Nilibot ko yung mata ko sa paligid. Ganda ng bahay nila. Maaliwalas.

Siguro mga fifteen minutes or more na akong nag-aantay doon sa receiving area nila kaya naman inatake na ako ng curiosity.

Tumayo ako at pumunta sa may hagdanan nila. Sa may pader doon, may mga nakasabit na pictures. At isa sa mga nakakuha ng atensyon ko ay yung family picture nila. Lima sila. Dalawang babae at siya. Umakyat ako para makita ng maigi yung picture pero may narinig akong hindi inaasahan.

"Ilang araw na bang hindi umuuwi si ate CJ?"

"Hindi ko alam Pepan. Simula kasi nung tawagan siya sa lab lagi na siyang wala. Ngayon, hindi na siya umuuwi."

"Tinawagan mo na ba?"

"Hindi pa. Iniiwan nila sa baggage yung mga gamit nila sabi sakin ni ate CJ dati."

Natahimik sila.

"Pepan, kinakabahan ako."

Umakyat pa ako ng konti para tignan kung anong meron sa taas, nandun si Joseph sa isa sa limang kwarto. Meron kasing kwarto sa gitna at tig-dalawa sa kanan at sa kaliwa. Sa may kanan sila nakatayo... Parang nakayakap siya sa isang babae. Bumaba ako ng konti para tignan yung family picture nila. Ah... Ate niya pala yun. Hindi ako sigurado kung ate niya yun pero mukhang mas matanda sa kanya kaya ate niya siguro yun.

"Sige ate, alis na ko.." Tama ako. Ate nga niya!

"Arianne? Anong ginagawa mo diyan?" Napalingon ako sa taas.

"Ate mo?" tanong ko sa kanya. Tumango lang naman siya.

"Tara na." Yaya niya sakin. Nauna siyang bumaba ng hagdan kesa sakin. Oh. May dala siyang backpack.... Saan naman kaya punta nito?

"Saan ka?" tumigil ako sa hamba ng pinto.

"Sa inyo. Iuuwi na kita sa inyo. Tara na. Sabi mo walang kasama si Matthew ngayon diba?"

"Oo nga. Pero... ano yan?" turo ko sa bag niya "doon ka matutulog?"

Hindi siya sumagot. Binilisan niya maglakad kaya hindi ko makita yung mukha niya.

"Huy! Adrian. Ano ba! Doon ka matutulog? Wala kang hihigaan doon."

Huminto siya bigla dahilan para bumangga yung mukha ko sa likod niya. Napa-aray ako kasi firm yung likod niya.

Humarap sa siya akin at huminga ng malalim. "Alam mo, Arianne, maingay ka eh. Magigising yung aso sa'yo. Halika na nga." Inipit niya ang ulo ko sa kanang braso niya at hinatak ako palabas ng gate.. Ano ba 'to. Alam kong maliit ako pero huwag naman niyang ipamukha sa akin =.=

Umangkas na ako ssa pwesto ko.

"Ako ang magpe-pedal."

"Weh? Seryoso? Kaya mo ako?"

"Weak ba akong tignan? Gusto mong maupakan?" Natawa lang siya sa akin. Mukhang nalilibang siya sa akin ah. Naaasar na ako sa kanya.

1:45 a.m. na kami nakarating sa bahay. Pinagbigyan ko siyang matulog sa bahay pero, isang malaking PERO, sa sala siya. Si Matthew, tulog sa kwarto. Ayoko namang istorbohin yung bata kaya nilgyan ko na lang ng unan yung magkabilang panig ng hinihigaan niya. Nag-wash na rin ako nun at nagbihis nang pantulog. Since may lalaki dito sa bahay na hindi ko naman kamag-anak, nag-suot ako ng jogging pants at pinaglumaang tshirt ng tatay ko na masikip na sa kanya. Medyo manipis yung tela kaya nagsuot ako ng doble na sando. Bago bumaba ng sala, pumunta ako sa cabinet at kumuha ng kumot at tatlong unan.

"Adrian. Ayos ka na ba dito? Gusto mong buksan yung tv?" tanong ko sa kanya habang nilalapag ko yung mga unan at kumot na gagamitin niya.

Humarap siya sa akin at ngumiti. "Ah oo sige." Pero yung ngiti niya, hindi umaabot sa mata.

Hindi ko na lang masyadong pinansin at binuksan yung tv. Naka-cable ako kaya 24 oras may palabas. Umupo ako sa couch at tumabi naman siya sakin. Makalipas ang mga 15 minutes na nakaupo, nakadama ako ng antok. Siguro mga ilang minuto pa lang akong nakakatulog nagising ako bigla. Sinubukan kong tumayo pero antok na antok na talaga ako at napapikit na ako ng tuluyan.

Sa susunod na pagmulat ng mata ko, umaga na.

(TO BE CONTINUED)


Signs That You're In  Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon