[After wanmilyon years, nakapag.update na rin sa wakas. Seryoso, di ko alam pinagsusulat ko. I would really appreciate it kung mag cocomment kayo mga reader's. Hehehehhee. Demanding ba? Pero gusto ko lang talaga malaman mga saloobin niyo. Iyong alam niyo na. Kung nagustohan niyo ba o hindi. That's it. So eto na.]
DAMN! I hate this kind of feeling. Iyon bang okey ka naman, wala ka namang kaaway, problema, pero deep inside, feeling mo may kulang. Iyon bang nalulungkot ka pero hindi mo matukoy.tukoy kung ano ang rason kung bakit ka malungkot. Kasalanan kasi ito ng pagkain eh. HAYYYYYYYYYYY!!!! Ano ba kasi iyon? Bakit may part ako na hindi maalala. Nabagok ba ako noon? Nagka amnesia? AYYYYYYYYY!! EWAAAAAAAAAN!!!!!!!!!!
HOYYYYYYY!!!
"AYYYY PAGKAIN". Gulat kong sabi.
"PAGKAIN! PAGKAIN! PAGKAIN! Puro nalang pagkain. Malala ka na talaga sis."
"Bakit naman?" Tanong ko kay Kai
"Puros nalang pagkain ang nasa utak mo. Sabihin mo nga sa akin ang totoo sis, may bulate ka ba sa tiyan? Baka kailangan mo ng i.purge ang mga parasites sa tiyan mo. Alam mo na, bawas ganda points."
"Tsk! Wala no. May iniisip lang ako."
"Ano naman iyon sis? Lasagna? Ice cream? Takuyaki?"
"Hindi rin, mas seryoso pa diyan."
"Ex mong gago?"
"Gago! Hindi. Asa siya. Ang swerte naman niya kung iisipin ko pa siya."
"Hahahahhahahhaa. Addict ka sis? Kung hindi pagkain, o gago mong ex, eh ano?"
"Ewan ko. Di ko alam."
"Ay shit sis, wag mo akong masagot sagot na EWAN KO. DI KO ALAM. Gagohan lang?"
"Hoy! Wag ganyan sis, nakakawa points iyang babaeng nagkacuss."
"Eh ikaw kasi eh. Abnormal ka. Ano nga iyan sabi. Share, share." Sabi ni Kai sabay nag beautiful eyes.
"Di ko nga alam. Ang kulit nito. Kung alam ko lang kung ano talaga ang gumugulo sa isipan ko edi sana hindi na ako namomoblema ngayon."
"Alam mo ba sis, overthinking can lead you to mental hospital?"
"Ha? May ganyan bang kasabihan?"
"Oo, meron sis. Inembento ko lang iyan, ngayon. hahahhahaha."
"Pero seryoso. Di ko talaga alam kong ano ang problema ko. HAYYY naku. Feeling ko may kulang eh."
"Bagong jowa? Sagutin mo na kasi si papa Zeke, sis."
"Sagutin? Bakit nanliligaw ba siya? Hindi naman ah."
"Sus! Hindi nanliligaw pero nagpaparamdam na." Hay nako sis, ang manhid mo."
"Di ah, ayoko ko mag assume nuh. Ayoko bigyan ng ibang meaning ang kabaitang pinapakita sa akin ni Zeke. Atsaka sis, di naman porket parang may kulang sa buhay ko, boyfriend na agad ang magpupuno. Ewan ko ba. I just felt empty inside. Oh! english iyon ha. Pero seryoso sis, parang may na mimiss ako. Parang may importante akong bagay na nakalimutan."
"Baka naman si Sky iyang sinasabi mo? Naku sis ha, hindi ko feel iyan. Masamang pangitain iyan. Amoy PAIN at GAGOHAN. Wag iyan, masasaktan ka lang ulit."
"Abnormal 'to. Di nga si Sky, ibang tao ang tinutukoy ko. Eto naman, kung makapag conclude."
"Kung hindi bagong jowa, si ex na gago, eh sino? Wag mong sabihin si Papa Blake iyan?"
BINABASA MO ANG
Chains of Love and Destiny [ON-GOING]
Teen FictionGusto ko pong magpa salamat sa mga taong patuloy na sumusubaybay sa ginawa kong istorya, bumoto, at nag effort mag comment, hindi ko lubos akalain na may naglakas loob na bumasa sa ginawa ko. Marami pong salamat, ipagpatuloy niyo lang iyan. hahahaha...