Alam na ng parents ni Rai na nandito siya sa Pinas at dito niya ipagpapatuloy ang pag-aaral niya. Noong una, hindi sang-ayon iyong papa ni Rai pero kinalaunan pumayag na rin ito. Wala na rin naman silang magagawa kasi nakapag enroll na si Rai.
Hindi na rin nakatira si Rai sa amin, sa condo na siya nakatira pero malapit lang sa amin. Kaya anytime pwde ko siyang mapuntahan.
"Hayyy!! Ang boring talaga ng physics, parang sleeping pills nakakaantok. Ewan ko ba sa iyo kung bakit mo favorite ang physics."
"Hahaha, ang ganda kaya ng physics, pwde mo ma apply sa totoong buhay."
"Ma apply sa totoong buhay? Nahihibang ka na ba?"
"You heard it right sis, hindi mo lang na aapreciate ang physics kasi ayaw mo ito, pero pag nagustuhan mo, sigurado ako matutuwa ka."
"Iyong iba sinasabi nila na huwag mo bubuksan iyong pinto kasi lalabas iyong aircon, eh may paa ba iyong aircon? Wala naman diba, kaya impossible na lalabas iyong aircon sa room."
"So what's your point?"
"My point is hindi naman talaga lalabas ang aircon, the heat flows spontaneously from an object at higher temperature to one at lower temperature."
"Nerd."
"Hahaha, bahala ka nga diyan. Kahit anong gawin ko para ma convince ka na ang physics is not as boring as you think, kapag hindi ka intersado sa bagay na iyan, hindi talaga kita mapipilit."
"Well, my point ka, kaya don't waste your energy on convincing me that physics is fun."
"By the way sis, hindi na ako makakasabay sa iyo umuwi ha, kasi may pupuntahan pa kami ni pinsan. Kung gusto mo may makakasama ka pag uwi, just wait for Rai na matapos iyong klase niya."
Hindi kami magkaklase ni Rai kasi Fine Arts iyong kurso niya eh. Oh diba? Kurso palang, sosyal na. San ka pa. Kaya one thing in common naming tatlo, we love to draw. Talented kaming mag BFF eh. Hindi lang basta talented magaganda pa. Hahahaha
"Pwde ba ako sumama sis? Pretty please."
"Please, please, please, please sis. I promise na mag bebehave ako."
"Hindi ka pwde sumama dun nuh, date namin iyon dalawa ni pinsan kaya wag kang umepal at wag na wag kang magtatangkang sumunod kasi pag ginawa mo iyon, hindi na kita tutulungang mapalapit sa pinsan ko. Gets mo ba?"
"Oo na nga, ito naman oh. Sino ba nagsabi sa iyo na susundan ko kayo."
"Kilala na kita sis, alam kong mag sstalk ka sa amin. Kaya binabalaan kita."
"Fine, itetext na nga lang si Rai. Gagala nalang kaming dalawa."
"Hi girls."
"Hi pinsan/ Hi Hunter."
At hinug kaming dalawa ni pinsan, ang bestfriend ko naman sinusulit iyong opportunity, eh paano naka libreng hug kay pinsan.
Ganyan lang talaga si pinsan sa mga babaeng malalapit sa kanya, super sweet, napaka protective, daig pa iyong tatay kung mag-alala at daig pa iyong nanay kung pagalitan ka. Minsan nga bibigyan ng malisya ng ibang babae iyong mga ginagawa ni pinsan pero sadyang gentleman lang talaga siya.
"Oh paano Kai'Ree hihiramin ko muna iyong pinsan ko ha."
"Kung wala kang kasama umuwi, sumama ka nalang sa amin, ihahatid kita."
BINABASA MO ANG
Chains of Love and Destiny [ON-GOING]
Novela JuvenilGusto ko pong magpa salamat sa mga taong patuloy na sumusubaybay sa ginawa kong istorya, bumoto, at nag effort mag comment, hindi ko lubos akalain na may naglakas loob na bumasa sa ginawa ko. Marami pong salamat, ipagpatuloy niyo lang iyan. hahahaha...