Sinamahan namin ngayon ni Kai'ree si Rai sa skwelahan. Dito na rin kasi siya sa Southern Cross Academy mag-aaral para sama-sama na kami. Yey! Ang saya-saya, kasama ko na ulit iyong isa kung bestfriend.
Childhood friend ko si Rai, siya iyong unang bestfriend ko. Pero after ng graduation namin sa highschool, nag migrate na sila sa Paris. Ang lungkot ko nga nung umalis na sila eh, iyak ako ng iyak. Tuwing bakasyon, bumibisita sa akin si Rai kaya nagkakilala sila ni Kai'Ree.
"Oh yeah! Official student na ako ng Southern Cross Academy. At dahil diyan manlilibre ako ng snacks."
"Yey! Gusto ko iyan bes, free snacks."
"Eto talaga uh basta pagkain, napaka hyper."
"Okey na ito nuh kaysa mag drama ako. Walang basagan ng trip sis, okay?"
To avoid confusion I call Kai'Ree "sis", and I call Avery a.k.a Rai "bes". Tapos ang tawag naman ni Kai'Ree kai Rai is "girl". Uh diba ang gulo lang? Kasing gulo ng lovelife namin ni bes. Haha
"Let's go."
**********
[CAFETERIA]
"Matanong ko lang bes? Hanggang kailan iyang pagiging red-haired girl mo?"
"Red-haired girl talaga? Until I moved on. Bakit hindi ba bagay sa akin?"
"Bagay, actually ang cute mo nga."
"Wow! Ibang klase ka rin magluksa girl ha. Pero mas gusto ko iyong way mo ng pagluluksa. Hindi gaya ng kay Yuu pang soap opera, pang best actress."
"Heh! Tumahimik ka nga, walang basagan ng trip okay? Pag ikaw na broken hearted, tingnan lang natin kung anong klase ka mag emote."
"Hey? Avery? Ikaw ba iyan?"
"Hunter? Kyaaaahhhhhhhhhhhhh. I miss you."
"I miss you too. Kailan ka dumating dito? Anong trip mo at nagpa dye ka ng hair?"
"Kahapon lang. Huwag mo nalang pansinin iyong buhok ko. Wala lang 'to nuh."
"So dito ka na magtatapos ng iyong pag-aaral?"
"Oo, parang ganun na nga."
"Anong nakain mo at nagbago bigla ang isip mo?"
"Wala naman, bakit kailangan pa ba ng reason para dito ulit ako mag-aral?"
"Di na----."
"Arayyy!"
"Oh pinsan what happened?/What happened bes?" They said in chorus
"Ahhh, hehe. Wala, may kumagat lang na lamok. Sige ipagpatuloy niyo na ang inyong pag-uusap."
Ano ba ito si Kai'Ree, bigla nalang naninipa. Ano na naman ang problema nito. Tiningnan ko nalang siya ng masama.
"Arayyy ko naman!"
"Pinsan? Okey ka lang? Bakit ikaw lang ata ang kinakagat ng lamok?"
"Ewan! Baka trip ako ng lamok. I need a drink. Sis, samahan mo naman ako oh."
**********
"Sis? Ano ba kasing problema mo? Bakit mo ako sinisipa. Ang sakit kaya."
"Eh ikaw kasi eh, hindi makuha sa tingin."
"Ha? Ano na naman kasalanan ko? Ano ba kasi ang gusto mong sabihin?"
"Ano ka ba, wala kang kasalanan. Eh kasi, naiinggit ako."
"Ha? Naiinggit? Kanino?
"Kay Avery at Hunter. Ang close kasi nila eh, may pa hug at beso-beso pa silang nalalaman."
"Ases. Nag seselos. First time ata 'tong mangyayari. Wala iyan nuh. Para lang silang magkapatid. Trust me 'cause I'm hot."
"Hot your face. Sabi mo iyan ha?"
"Oo nga. Ganyan lang talaga si Hunter sa mga close niyang babae noh, sweet. Halika na nga."
**********
"So saan ka ba nakatira ngayon?"
"Kina Yuu."
"Edi masaya. Next time gala tayo. Kumusta na pala sila tita?"
"Sige game ako diyan. Okey lang naman sila mama, medyo busy nga lang."
"Oh Kai'Ree sama ka rin ha?"
"Ahhh, oo sige."
"Sige girls, mauna na ako. May practice pa kasi kami."
Nasabi ko na ba na ang pinsan ko ang team captain ng basketball dito sa school namin? Kung hindi pa, pwes ngayon alam niyo na. Bakit kaya ang hihilig ng mga lalaki maglaro ng basketball? Pwde naman ibang sports ang laruin nila di ba? Pero bakit ang basketball ang pinaka popular sports na nilalaro ng mga lalaki? Bakit kaya? Haha.
"Bye/Bye/Bye."
"Pinsan bukas ha, susunduin kita sa room niyo."
"Sige pinsan."
"Girl close pala kayo ni Hunter?"
"Ahh oo, childhood friends kami, sabay nga kaming tatlo ni Yuuri lumaki."
"Kaya sis para na naming kuya si Hunter. Super protective nga niya sa amin ni Rai. Kaya shut-up ka nalang about sa ginawa ni Trevor kay Rai kasi baka basagin niya ang pagmumukha ni Trevor pag nakita niya iyon."
"Ganun ba? Baka naman girl ma develop ka kay Hunter niyan?"
"Hindi iyan nuh, para ko na talaga siyang kuya. Kung nagka gusto man ako kay Hunter dapat noon pa kasi matagal na kaming magkakilala. So napaka impossible iyang sinasabi mo."
"Malay mo magka gusto ka sa kanya."
"Hahaha, I doubt na mangyari iyan."
"Every girl would fall for him kasi napaka gentleman at sweet ni Hunter, pang boyfriend material na."
"Yeah, tama ka diyan, pero malabo mangyari iyang sinasabi mo. Ang weird kaya na ma fall ako sa taong para ko ng kuya. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo."
"Kasi nga sis, iyong type ni Rai na lalaki is iyong bad boy. Iyong maangas na sweet, cold hearted pero sa totoo lang may soft side pala, iyong pa cool effect, basta iyong mga ganun."
"Ganun ba talaga iyong type ko na lalaki bes?"
"Oo, sinabi mo pa. Kaya nga patay na patay ka kay Trevor."
"Haha, well anong magagawa ko eh na inlove ako eh. I.tour niyo nalang kaya ako sa campus."
So iyon inilibot namin si Rai sa campus. Super saya nga niya eh, ang ganda raw ng Southern Cross Academy. Sinabi mo pa, maganda talaga itong school namin. Maya-maya nagpaalam na kami ni Rai kasi may klase pa kami. Si Rai naman pupunta raw siya ng mall, mag shoshopping. Ganyan talaga iyan si Rai pag depress mag shoshopping. Nakakatakot nga iyan mag shopping kapag depress kasi para na niyang uubosin iyong paninda ng mall, parang galit sa pera. Sabagay hindi naman niyan mauubusan ng pera, mayaman kaya iyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/2674011-288-k997899.jpg)
BINABASA MO ANG
Chains of Love and Destiny [ON-GOING]
Teen FictionGusto ko pong magpa salamat sa mga taong patuloy na sumusubaybay sa ginawa kong istorya, bumoto, at nag effort mag comment, hindi ko lubos akalain na may naglakas loob na bumasa sa ginawa ko. Marami pong salamat, ipagpatuloy niyo lang iyan. hahahaha...