CHAPTER 25 (PART 2) -THAT FATEFUL DAY

24 1 0
                                    

[Yuuri's POV]

Siguro nagkakasiyahan na iyong dalawang iyon. Siguro kinikilig na ng sobra iyong kaibigan ko. Siguro dapat tapusin ko na 'tong walang kwentang iniisip ko at mag enjoy nalang ako.

"Ano kaya ang magandang gawin. Mag swimming? Mag jetski? Manlalaki? Magpa spa? Oo tama po kayo ng dinig mga kaibigan, may spa dito. Tao talaga, ang daming pakulo. Mag food trip? Yes, po. ang daming food stalls dito. Naglalaway na nga ako eh. Mukha yatang mauubos iyong pera ko dito."

This is paradise. Ang saya.saya. I admit,matakaw ako. hahahaha. Halata naman siguro. Tumakbo na ako syempre sa may ice cream shop. Masama kaya paghintayin ang pagkain. ''ICE CREAM. TAKUYAKI \(*O*)/" Sumigaw talaga ako with matching dalawang kamay sa taas. Iyong mga tao naman, tinitingnan ako, siguro iniisip nila na ang ignorante ko o kaya nababaliw na ako Pake ba nila, eh masaya ako atsaka hindi ko naman sila kilala.

Habang busy ako sa pagtakbo, bigla nalang nahagip ng aking peripheral vision ang isang pamilyar na lalaki, kahit nakatalikod pa siya, kabisadong.kabisado ko iyong hubog ng katawan niya. Kaya tumatakbo ako ng paatras. Seriously, bakit ko ba ginagawa ito? Trip ko talaga pahirapan ang sarili ko. Pwede naman kasi akong tumakbo ng hindi paatras. Ano kaya ang trip ko ngayon. hahaha.

Nang makalapit na ako sa kanya. Hinawakan ko iyong balikat niya. Lumingon siya sabay sabing, "Bakit ka nandito?"

"Ikaw nga nandito ako pa kaya." Sagot ko naman sa kanya.

"Aba! Pinipilosopo mo na ako ngayon pinsan ha." Oo tama po kayo mga kaibigan, si pinsan lang iyong nakita ko. Akala niyo noh, iyong gago kong ex. hahahahaha.

"Hindi kaya. Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Ano nga kasi ang ginagawa mo dito pinsan? Akala ko ba chaperone ka ng magjowa?"

"FYI pinsan, nililigawan palang ni Nick si Kai'Ree, kaya hindi pa sila mag jowa, nagdedate palang sila."

"Ganun na rin iyon, pupunta din sila doon. Ano na? Bakit ka nandito?"

"Chill lang pinsan, di ba uso sa iyo ang word na patience?"

"Aish. Sasagutin mo ba iyong tanong ko o itatapon kita sa dagat?"

"Ito naman. Ang init ng ulo. Ito na sasagutin ko na. Kasi nga po pinsan, dito naisipan ni Nick na dalhin kami ni Kai'Ree. In short, dito nila naisipang mag date."

"Ahh, kaya pala. So asan na sila? Bakit ikaw lang yata mag.isa?"

"Pinsan." TT____TT Parang batang sabi ko saka yumakap kay pinsan. Seriously? ano ba talaga ang role ko dito? Baliw.baliwan? Shunga.shungahan?

"Bakit? Ano bang nangyari?" Concern na tanong ni pinsan sa akin.

"Kasi super na bobored at nalulungkot na ako dito. Ayoko namang guluhin iyong pinakahinihintay na date ni Kai. Atsaka sino ba naman ang may gustong makipag date na may sabit diba? Ang sabit na iyon ay walang iba kundi ako. Sabay turo ko sa sarili ko. Kung alam ko lang na dito ka rin nagpunta edi sana sayo nalang ako sumama."

"Malungkot ka na niyan pinsan?" Natatawang sabi niya.

"Oo, ikaw kaya ang mag.isang gumala dito habang iyong iba nagkakasiyahan." Sabi ko habang hindi parin bumibitaw sa pagkakayakap kay pinsan.

Magsasalita na sana ulit ako ng may biglang may nagsalita na lalaki. "Hunter. Hunter Hunter. Iyong boses niya parang pamilyar. Teka? Saan ko nga ba narinig iyong boses niya? Hmmmmm. Oh well. Hindi ko na nga lang iisipin kong sino siya. Sasakit lang ulo ko sa kakaalala. Umalis lang kami sandali may kayakap kana? Hanep parekoy. Anong damoves na ginawa mo? Paturo naman ako." Hahahahhaa. Akala niya babae ako ni pinsan? What the. Kilala ko 'tong si pinsan hindi naman iyan basta.batsa nangyayakap ng babae o magpapayakap sa babae.

Chains of Love and Destiny [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon