[@ Cafeteria]
Kakatapos lang ng aming mala torture na practice. Kidding, asa naman ako na tatapusin agad iyong practice namin haggang 7:00pm pa kaya kami dito.
1 hour break lang ang binigay ni Manager sa amin. Mas strict pa nga iyong Manager namin kaysa sa couch namin. Iyong couch kasi namin medyo siya iyong cool type na tao. Iyong pa chill chill lang, parating kalmado at tumatawa. Iyong Manager namin mala dragon, pero mabait naman siya, strict nga lang. Mas nadadagdagan nga iyong pagka strict niya kasi iniwan siya ng boyfriend niya. Tsk. Dinamay pa kami.
Isang buwan nalang at Inter school competition na. Pusposan na ang pagpapractice ng mga kasaling skwelahan. Isa ito sa mga pinaka importanteng laban, lahat ng school na kasali nagpapalakas at pinaghahandaan ang darating na laban kasi nga nakasalalay ang karangalan ng school dito at syempre iyong prize.
Kasali nga pala ako sa basketball team ng Ruga Academy. Ambantot lang ng pangalan ng school namin. Sino kaya nakaisip nito, nang mabigyan ko ng reward.
"Tol." Tiningnan ko kung sino iyong nagsasalita. Si Luis lang pala. Sa isip ko.
"Bakit tol?" Sagot ko naman, sabay subo ng fries.
"Pahiram naman ng pera oh, naiwan ko kasi iyong wallet ko sa locker, tinatamad na akong kuhanin iyon atsaka gutom na gutom na ako. Mamaya nalang kita babayaran." Pagmamakaawa niya.
"Kunin mo nalang." Sabay abot ko sa kanya ng wallet ko. Ayaw ko humawak ng pera, kumakain kasi ako, tinatamad na akong maghugas ulit.
"Salamat tol." Sabay tanggap niya sa wallet ko. Tumango nalang ako bilang sagot saka kumagat ng burger.
"Tol pwde ba 100 pesos nalang? hahahha. Mukhang mapaparami ata iyong kain ko. Okey lang ba?"
"Walang problema." Bagot na sabi ko.
"Teka ano 'to?" Pabulong niyang sabi na naririnig ko naman. Malapit lang kasi kami. Hindi ko nalang siya pinansin, busy kasi ako sa pagkain ko. At ayaw ko na magsayang ng energy sa pagsasalita gagamitin ko nalang 'to sa practice game mamaya. Pero ang mga susunod na sinabi niya ang biglang umagaw sa attensyon ko.
"Bakit may wrapper ng snickers dito? Itatapon ko na nga lang 'to." Aakmang itatapon na niya pero pinigilan ko siya.
"Teka anong gagawin mo diyan? Bakit mo itatapon iyan? Bakit mo pinapakialam iyan?." Sunod sunod na tanong ko kay Luis, napatayo na nga ako sa kinauupuan ko at medyo lumakas na iyong boses ko. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dito. At wala akong pakialam. Madami na kasing mga studyante ngayon, lunch time na kasi.
"Teka lang muna. Bakit ang dami mong tanong?" Nalilitong sabi ni Luis.
"Wag mong itapon iyan." Seryoso kong sabi kay Luis.
"Bakit? Wrapper lang 'to tol. Baka langgamin ka niyan." Despensa niya.
"Wag mo nga pakialaman iyang gamit ko. Wala kang pakialam kung langgamin man ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/2674011-288-k997899.jpg)
BINABASA MO ANG
Chains of Love and Destiny [ON-GOING]
Teen FictionGusto ko pong magpa salamat sa mga taong patuloy na sumusubaybay sa ginawa kong istorya, bumoto, at nag effort mag comment, hindi ko lubos akalain na may naglakas loob na bumasa sa ginawa ko. Marami pong salamat, ipagpatuloy niyo lang iyan. hahahaha...