CHAPTER 32- CUPID AND KAI'REE

16 0 0
                                    

[Night before the tournament]

Calling.....

[0917*******]

Kai saan ka na bang babae ka. Di ko mapigilang mag.alala kay Kai. I have a hunch that she already knows it. Why? It's because #1 humugot siya sa physics class namin. I know! I know! Di siya enough to support my hunch. Pero iyong hugot niya kasi ay tungkol sa kanyang boyfriend (which is di ko alam kung naghiwalay na sila ngayon o hindi pa) and betrayal. #2 hindi siya tumuloy sa gala namin slash interview session namin kay ate Candice. Kilala ko iyong babaeng iyon, aside sa addict iyon sa mga gwapong lalaki, wala rin iyong pinalampas na tsimis. Pero kahit na malaman man niya o hindi sa ngayon, masasaktan pa rin siya. 

Calling.....  

[0917*******]  

Napatampal nalang ako sa ulo ng hindi pa rin niya sinasagot iyong tawag ako. Hay naku Kai. asan ka na bang babae ka? San ka ba nilagay ni Lord ngayon. Naku naman ohh. Please pick up the phone Kai.

[The number you have dialed....]

Dammit Kai!!! Pick up the phone.

Calling.....

[0917*******]

[The number you have dialed....] 

Dammit Kai. Itetext na nga lang kita.

Kai? Saan ka na ba?

Okay ka lang ba?

Hoy babae! Saan ka ba nilagay ni Lord?

Sumagot ka naman oh. 

Hoy! Nakidnap ka ba ng alien? Ba't di ka nag rereply?

Kai? Hoy? Hello? Ano na?

Pinalodan na kita kaya mag reply ka. Bayaran mo ako ha? Utang iyan di libre. ahahahha

Bwesit na babae 'to. Di pa rin nag rereply. Ano na kaya ang nangyari dun? Okay lang kaya iyon? 

*ring* *ring* *ring*

Napaigting nalang ako ng biglang mag ring iyong cellphone ko.

"Kai? Hoy babae? Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko ha? Anong klaseng tao ka?" Sabi ko sa kanya.

"Wow. Just wow Yuu. Naka silent iyong phone ko okay? Kaya sorry na. Wag ka ng mag inarte diyan nanunood kasi ako ng healer."

"Ha? Healer? Ano iyan?" Tanong ko.

"Kdrama, sis. Ang astig nga ni Ji Chang Wook eh. Ang cool niya at ang romantic. Ang swerte swerte naman ni Park Min Young. Sana ako nalang siya. Hahhayyy" Sabi niya

"Ohh. Di ako maka relate sa iyo. Akala ko pa naman kung napano ka na. Nag.aalala lang ako baka kasi anong kalokohan iyong ginagawa mo."

"Ha? Kalokohan ka diyan. Good girl to sis."

"Ah sis. Can we meet tomorrow? After the game? Labas tayong tatlo ni Rai." Sabi ko. Bukas na pala iyong execution day. Di joke lang. hahahaha. Bukas na namin sasabihin ni Rai iyong tungkol sa pambababae ni Nick. Gago talaga iyong lalaking iyon. Matapos niyang pakiligin iyong kaibigan ko, sasaktan niya lang? Langya talaga.

"Oo ba. Catching things up? hahaha. Sabagay matagal na rin naman tayong di nagkakasamang tatlo. Busy busyhan kasi kayong tatlo at ako rin sa lovelife ko."

"Oo parang ganun. Atsaka ikwekwento pa namin iyong tungkol kina pinsan at ate Candice. Naku sis. Maloloka ka talaga." Sabi ko

"Hahhaha. Ayy dai aabangan ko iyan.  Sabi niya sabay tawa ng tawa.  Naiimagine ko tuloy iyong mukha ni Kai kapag tumatawa. Say Yuu..." Dugtong niya

"Ano?" Kinakabahan kong sabi. Ang lungkot kasi ng boses niya.

"Do you think.."

"Do you think?" Pag.uulit ko. Langya. Maypa suspense pa 'tong si Kai

"Do you think that the reason why.."

"Hoyy babae. Pwde ba diretsohin mo ako?" Sabi ko.

"Hhahahaha. Chillax sis. Masyado ka namang highblood. Ang wrinkles mo, dadami iyan." Natatawang sagot ni Kai

"Sabihin mo na kasi sis."

"Do you think that the reason why our lovelife is so messed up, it's because Cupid has a poor eyesight?" Sabi ni Kai

Di agad ako naka react. My mind just went blank for a second. Nag hang ata iyong utak ko.  "What the fuck sis? Letse ka. Akala ko kung ano na iyong sasabihin mo." Sabi ko nung nag sink in na sa utak ko iyong sinasabi ni Kai.

"Seryoso nga kasi ako sis." Sabi ni Kai habang tumatawa. Abnormal talaga 'tong babaeng 'to. Puros kalokohan lang iyong alam.

"Abnormal ka talaga. Dami mong alam na kalokohan. Magseryoso ka kasi."

"Seryoso nga kasi ako. Kaya siguro nagkanda letse letse iyong lovelife ng ibang tao kasi hindi 20/20 iyong eyesight ni Cupid. Kaya ang daming nasasaktan eh."

"Addict. hahahhaa. Dinamay mo pa si Cupid sa kalokohan mo."

"Bakit kasi  di makontento sa iba." Dagdag pa ni Kai.

"Sis? May pinagdadaanan ka ba?" Patay malisya kong tanong.

"Wala noh. Naisip ko lang na kung mahusay ba pumana si Cupid?" 

Bigla akong sumabat sa sinasabi niya, di tuloy natapos iyong sinasabi niya. "Gaga kaya nga si Cupid iyong pangalan niya diba? Di iyan si Cupid kung di siya marunong pumana."

"Loko! Patapusin mo kasi ako. Wrong use of words okay?"

"Yeah right. Ayusin mo kasi iyang sinasabi mo sis." Natatawa kong sabi.

"What I mean is kung  di ba siya nagkamali sa pagpana. Kung sana iyong taong naka tadhana para sayo iyong napana niya. Happy ending na ba tayo lahat?"

"Happy lang walang ending." Natatawa kong sabi. Tama nga ang hinala ko. I think she already knows it. Pero ayoko namang pangunahan siya. Kung maaari gusto ko siya iyong mag.open up sa amin. Hahhayyy. Pero sa gagawin namin bukas, pinapangunahan na rin namin siya.

"Ulol. hahahha. Nasa tao naman kasi iyon sis. Wag mo idamay si Cupid, di niya kasalanan iyon. Sadyang may mga tao lang talaga na di kayang maging tapat. Pero sis, sabi nga nila na di ka nagmamahal kung di ka nasasaktan." Dagdag ko pa.

"Hahahhaha. Tama ka nga naman. Malungkot niyang sabi. Wala nga palang forever. Kasi the only constant in the world is change."

"Well, sis. Iyong forever depende naman kasi iyan kung paano mo idedefine iyan. Nasa tao lang iyan."

"Hmmmm. Siguro. Forever starts when you meet the person that is destined for you." Sabi ni Kai

"Hahahhaha. Yeah yeah. Destiny eh. Naniniwala ka pala diyan sis?" Tanong ko kay Kai

"Oo naman nuh. Pero letse iyan si tadhana, mapaglaro. Nabobored siguro iyan kaya trip niyang man trip ng tao."

"Ngayon naman si tadhana ang dinamay mo."

"O sige. You need to rest may laban ka pa bukas."

"Ahh yeah. hahahhaa. See you tomorrow sis."

"See you. Good luck Yuu."

"Thanks sis."








Chains of Love and Destiny [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon