CHAPTER 13 -MEET UP WITH MY FIRST LOVE

105 6 6
                                    

"Sis, napansin ko lang, kanina ka pa nakatingin diyan sa papel ah. Ano bang nakasulat diyan ha?"

"Ahh, wala lang 'to." Tapos tinago ko na ang papel sa bulsa ko.

"Kung wala lang 'yan eh bakit ka palaging tingin ng tingin diyan?"

"Wala nga. Ang kulit nito. Kumain ka nalang diyan."

"Patingin nga kasi sabi."

"Hell no."

"Hell no pala ha."

Lumapit sa akin si Kai'Ree tapos pinipilit niyang agawin 'yung papel mula sa bulsa ko. Ako naman todo iwas. Gumagawa na naman kami ng scene sa cafeteria. Ang babaeng 'to talaga, napaka tsismosa. 

"Guys? Ano ba trip niyo? Sali niyo naman ako oh. Hahaha"

"Eh kasi itong bestfriend mo, nagiging weird na naman. Kanina pa nakatingin sa papel, hindi na nga nakikinig 'yan sa klase kasi 'yung attention niya nasa papel. Kaya na curious ako kung anong nakasulat diyan at kung bakit lutang ang kanyang isip. Kaya pilit ko siyang tinatanong kung anung nakasulat, eh ayaw naman niyang sabihin sa akin, kaya pinipilit ko itong agawin."

"Ano ba kasi 'yan bes? At tinatago mo. Love letter 'yan nuh?"

"Hindi ha, love letter your face."

" 'Wag kana madamot bes, pabasahin mo na kami."

"Ayaw ko nga eh."

"Bes, sasabihin mo ba sa amin kung anong nakasulat diyan o kukunin namin 'yan ni Kai'Ree ng sapilitan?"

"Okey fine, I will allow you to read the note." Tapos inabot ko sa kanila ang papel.

["No matter where you end up or where you live, I will come find you and take care of you for the rest of your life.  -SNOW"]

"Ayyeeeeeeeeeeee!! Kilig overload. Ang haba ng hair mo bes ha."

"Kakainggit ka naman sis, my secret admirer ka. Sana ako rin magkaroon."

"Tumahimik nga kayo. Kinikilabutan ako."

"Bes, 'wag ka KJ okay? Ang sweet kaya ng ginawa niya, maypa mysterious effect pang nalalaman."

"Sino kaya nagpadala nito? ARRRGGGGGHHHH! Kakainis, masisira na ata utak ko kakaisip. Sana naman magpakilala siya. Kasi naprapraning na ako kakaisip kung sino siya."

"Balang araw bes, magpapakilala rin siya."

"Sana nga."

"Pero bakit naman snow iyong code name niya?" Nagtatakang tanong ni Rai

"Aba'y ewan ko. Itanong mo sa kanya." Sabi ko naman. Bwesit na buhay to oh, may hangover na nga ako, may letter pa akong natanggap na hindi ko naman kilala kung sino ang nagpadala.

 "Excited to. Hahahahahha." Sabi naman ni Kai

"Kwento ka bes, kung kailan mo iyan natanggap."

"Ewan ko, basta nakita ko lang 'to sa dress ko na sinoot ko sa party na pinuntahan namin ni pinsan. Wala na kasi akong masyadong matandaan kasi nalasing ako."

"What? Naglasing ka sis? Bakit?"

"Nang dahil sa katangahan ko. Akala ko kasi tubig 'yung nakuha ko, 'yun pala alak."

Chains of Love and Destiny [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon