"Sis, wake up na. May mission pa tayo. "
"Mmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm. 5 minutes."
Sino ba itong nilalang na nambwibiwsit sa beauty rest ko? Di ba niya alam na nocturnal ako, na hindi ako morning person. Kaasar eh. Weekends kaya ngayon, kaya automatic na late na ako gumising.
"Sis naman eh, it's 10:30 in the morning kaya bumangon kana diyan. Sige ka kapag hindi ka bumangon diyan kakaladkarin kita palabas ng bahay mo, gusto mo ba iyon?"
Teka, parang kilala ko iyong boses. Shit, ito pala iyong araw na magnanakaw kami ng boxers. Naman eh, mapapahamak pa ako nito at baka mamatay ako sa kahihiyan. Talagang may sapi itong bestfriend ko, kung hindi ko lang ito mahal eh edi sana hindi na ako pumayag sa mga kagagahan niya.
"Fine, ito naming babaeng to uh ang brutal, eh sa inaantok pa ako eh. Alam mo isturobo ka sa beauty rest ko eh, kay aga-aga nambubulabog ng buhay." Sabay bato ng unan sa mukha nya.
"Hello? Malapit na kaya mag tanghalian, tapos ikaw diyan nakahilata ka pa rin sa kama mo. Atsaka alam kung hindi mo ako matitiis eh. Kung ayaw mo pa rin bumangon diyan, ako na magbibihis sa iyo."
"Eto na nga maliligo na, huwag atat ha? Pwde? Para namang ang importante ng gagawin natin, eh magnanakaw lang naman tayo ng boxers."
"Bilisan mo, excited na ako."
Naku!!! Pag kami nahuli ng pinsan ko na nagnanakaw ng boxers niya, baka hindi na ako sisikatan ng araw bukas. R.I.P. Yuuri.
**********
"Sis? Bumalik na lang kaya tayo sa bahay at mag movie marathon? Kundi mag mall? Masaya pa iyon."
"Yuuri Michelle Beringer you promised to help me."
"Naman sis eh, kung anu-anong pumapasok sa kukute mo. Kung boxers lang naman iyong gusto mo edi bilhan na lang kita, kahit ilan pa ang gusto mo. Huwag lang iyong boxers ng pinsan ko. Ma heheadline tayo sa ginagawa mo niyan."
Tapos kinaladkad na niya ako. Hindi naman siya masyadong excited nuh? Parang boxers lang. Parang ang big deal naman nun.
"Ano ka ba sis, hindi iyan nuh. Tiwala lang. Atsaka huwag ka ng mag.inarte diyan eh nandito na tayo sa harap ng bahay ng HOT mong pinsan."
"Teka nga lang muna sis ha. Paano mo nalaman na pinsan ko si Hunter ha? Hindi ko naman kayo pinakilala sa isa't-isa ah. At paano mo nalaman na bahay ito ng pinsan ko? Wala naman akong sinabi na address nya ahh. Are you stalking my cousin?"
"Hindi stalk iyong tawag dun nuh, it's called investigation. Atsaka absent minded ka noong nakaraang araw eh at hindi ka makausap ng matino. Affected ka kasi masyado sa panaginip mo. Kaya I dig a little about your cousin kasi wala talaga akong makuhang information sa iyo."
"Investigation your face. Salamat ha, pinaalala mo ulit iyong panaginip ko. Grabe tunay ka talagang kaibigan. Hiyang hiya naman ako sa iyo kasi wala kang makuhang information sa akin. I smiled sarcatically. Pasensiya na ha, nagdadalamhati lang pero tapos na iyon kaya wag na natin iyon pag-usapan."
"Sis, please? I beg you to change your mind. Hindi na iyan like eh, obsession na iyan. Malala ka na, kailangan na kita ipasok sa mental."
"Psshhh, Wala ka palang isang salita eh. You promised to help me. Pinapaasa mo lang pala ako. Ano ba iyan."
Etong babaeng to uh, nagpakonsensya pa. Bahala na nga si Batman sa gagawin namin. Patnubayan sana kami ng Poong Maykapal. Fighting Yuuri. Kaya mo iyan. Eto na talaga, wala ng atrasan to.
'Fine. Pasalamat ka hindi kita matiis."
"I love you talaga sis."
Pinapasok naman kami ng katulong kasi kilala na naman ako. Grabe kinakabahan na talaga ako sa gagawin namin. Mukha na nga akong constipated eh. Hindi talaga ako mapakali. Mabuti nalang umalis sina auntie at iyong pinsan ko.
"Ohh my goshh. Mahihimatay na ata ako sis. Feeling ko maghhyperventilate na ako. Ang ganda pala ng kwarto ng pinsan mo katulad nya na napaka gwapong nilalang. Infairness ha, OC siya. This is a dream come true."
"Pwde ba sis, huwag kang masyadong OA. Kwarto lang ito ng pinsan ko, kwarto lang."
"Huwag kang panira ng moment please? Ang KJ mo naman."
"Kyaaaaaaaaaahhhhh! He is so cute nung bata pa siya. Ang sarap tadtarin ng halik. Ang swerte ng yaya nya dahil siya yung parating kasama ng pinsan mo noong bata pa siya, sana ako nalang iyong yaya ni Hunter. Sana pakasalan na niya ako."
"Kasal agad? Hindi ka pa nga kilala ng pinsan ko eh. Pwde ba, mamaya ka na mag emote diyan. Kunin mo na iyong boxers niya ng makaalis na tayo. At baka mahuli pa tayo kung magtatagal pa tayo."
"Easy ka lang, okey? Hindi tayo mahuhuli. Atsaka ito na nga nakita ko na. Pwde ba kunin lahat? O kaya pwde dito nalang ako tumira?"
"Hoy, huwag kang abusado ha. Isa lang kunin mo, baka magtaka pa iyong pinsan ko. Tara na nga. Bilis."
Damn, sira ba ang doorknob? Bakit hindi mabuksan. Naman uh! Kung kailan nagmamadali saka pa ayaw mabuksan. Bumukas ka please ayaw ko pang mamatay sa hiya. T.T
"Sis, ano ba iyan? Akala ko ba nagmamadali kang umalis bakit ayaw mo buksan? Ikaw ha, hindi mo sinasabi pero gusto mo rin pala akong tumira sa kwarto ng pinsan mo."
"Maghunos dili ka nga, mahiya ka naman sa pinagsasabi mo. Dalagang Pilipina tayo teh. We don't chase boys, boys will be the one to chase us."
"Ayaw kasi mabuksan eh. Ano ba iyan."
"Psh!! Ang damot mo. Buksan mo na nga."
"Eto na nga uh binubuksan ko na."
"Ang tagal, baka uumagahin tayo niyan sis?"
"Will you stop complaining? Ikaw kaya sa lugar ko. Pshhh!"
"Sige na nga, mag eexplore na lang ako sa room ng pinsan mo. Tagalan mo ha."
Ano bang problema mo doorknob ka ha? Pwde ba wag kang mag.inarte ngayon? Kita mong nagmamadali iyong tao. Wag ka na kasing pakipot at bumukas ka na.
*click* *click* *click* [Sorry hindi ko kasi alam ang sound ng doorknob. Hehe]
Ayun!! Bumukas rin. Napapakiusapan ka rin pala doorknob.

BINABASA MO ANG
Chains of Love and Destiny [ON-GOING]
Novela JuvenilGusto ko pong magpa salamat sa mga taong patuloy na sumusubaybay sa ginawa kong istorya, bumoto, at nag effort mag comment, hindi ko lubos akalain na may naglakas loob na bumasa sa ginawa ko. Marami pong salamat, ipagpatuloy niyo lang iyan. hahahaha...