CHAPTER 16 (PART 1) -PRACTICE GAME

83 6 5
                                    

Maaga akong gumising ngayon kasi practice namin sa soccer, well inaamin ko, super excited ako. Hindi ako pwde ma late kasi mapapagalitan talaga ako. 'Yung mag tatrain kasi namin ay 'yung couch sa men's soccer team. Wala kasi 'yung couch namin kasi nagkasakit 'yung wife niya, kailangan niyang alagaan. Kaya si couch Conner muna ang pansamantalang mag tatrain sa amin.

2 months nalang at Inter School competition na. Kaya posposan na 'yung pagpapractice namin. Of course, we really need to win. Karangalan kasi ng school ang nakataya dito atsaka 'yung prize. Haha.

May mga incentives rin naman kami eh, like may plus points kami sa lahat ng subjects. 'Yung plus points namin ay magdedepende sa performance namin sa laro. Kaya dapat ibuhos mo lahat ng best mo. Atsaka pwde kami ma late mag pass ng mga requirements, pero hindi 'yung sobrang late ha, may 5 days lang kaming palugit. Pero hindi porke't players kami pwde na kami hindi pumasok, of course kailangan namin umattend ng klase kasi hindi kami exempted sa exams. T.T Malapit na kasi 'yung finals namin. Valid lang yang mga incentives until matapos ang Inter School competition. Oh diba? May expiration rin 'yung incentives namin.

Sa bahay ako ni pinsan natulog. Ayoko ngang umuwi, baka kasi my momo. Takot pa naman ako sa multo. Feel ko kasi kapag ako lang ang mag-isa sa bahay may nanunuod sa akin. Ang paranoid ko ba? Kasalanan 'to ni Kai'Ree eh, pinilit niya akong manoud ng The Grudge. Halos 1 week kaya ako hindi nakatulog ng maayos.

May sarili akong kwarto sa bahay nila pinsan. Pinagawan kasi ako ni tita. Sosyal ko dba? Dalawa ang bahay ko. haha. Si pinsan rin may sariling kwarto sa bahay namin. Ganyan kami ka close.  

Naging dependent na nga ako kay pinsan eh, parati kasi siyang nandiyan sa tabi ko. Sus, kung hindi ko lang siya pinsan, naku, baka pinagnasahan ko na siya. Haha. Pero of course, bawal ang consanguineous relationship, forbidden love kaya 'yun. haha. Baka maging abnormal ang anak namin. 

Super nagmamadali akong maligo, hindi ko na nga nagawa ang mga bath rituals ko. haha. Tapos nagbihis na ako, at dinala ang mga dapat kung dalhin. 

MMMMMMM. Shit! Ang bango. I can smell food. Nagugutom na tuloy ako. Dali-dali akong bumaba sa stairs, addict kasi ako sa pagkain. 

'PIIINNSSAAAANNN" Pasigaw na sabi ko while binackhug siya.

"Ano ba iyan Yuu, ang aga-aga, sumisigaw ka na. Dinidusturbo mo 'yung kapitbahay natin."

"Pinsan. I love you talaga." Sabi ko, still naka backhug pa rin sa kanya.

"Kadiri ka pinsan, na inlove ka sa akin. Sorry ka nalang pero hindi kita type."

Paminsan-minsan talaga walang sense of humor si pinsan. Haha. Nabatukan ko tuloy.

"ARRRAAAAYYY ko naman pinsan, nagbibiro lang ako. Hindi mo naman kailangan mambatok."

"Ang joke nakakatawa pinsan, hindi nakakakilabot."

"Oh, kumain ka na, baka ma late ka pa sa practice nIyo."

"Awwwww. Ang sweet talaga ng pinsan ko." Sabay kurot sa pisngi.

"Tssskk, tigilan mo nga ako. Nakakadami ka na ahhh. Ang sakit na nga ng ulo ko, masakit pa ang pisngi ko. Kumain ka na nga diyan. Magbibihis lang ako."

"Ihahatid mo ako pinsan?"

"Malamang. Alangan naman pabayaan kita, baka ano pa mangyari sayo."

"Ayeeee! Ang sweet ng pinsan ko. Na touch tuloy ako."

"Do me a favor Yuu. Shut up and eat."

Chains of Love and Destiny [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon