CHAPTER 19 -THE "SORT" OF DATE

92 5 8
                                    

[Zeke's POV]

OHHH YEAH. Sunday na, ang araw na pinakahihintay ko, ang date namin ni Yuu. More like friendly date sa kanya, pero bahala na basta may word pa rin na DATE. 

Sobrang excited ko, akalain niyo yun, pumayag siyang lumabas kasama ko, napapayag ko ang isang YUURI MICHELLE BERINGER na tinitingala ng maraming kalalakihan. Walang kahirap-hirap ko pang napapayag siya ha, feeling like a boss. Sorry boys, but I have a date with a hot chick, mamatay kayo sa inggit. Bwahahahaha

Pagpasensiyahan niyo na ako ha? Sobrang saya ko lang talaga. Kaya pagbigyan niyo na akong sumaya, kahit ngayon lang. 

Itetext ko na nga lang si Yuu, baka makalimutan niya eh. Mapahiya pa ako.


To: Yuu

Punta ako sa bahay niyo ha, mamayang 2:00pm. Okey lang ba?

Message sent


Sana hindi niya makalimutan. Baka masira lang yung plano ko. Siya pa naman yung kauna-unahang girl na todo effort talaga ako. 

Mag reply ka, mag reply ka, mag reply ka. "ARRGGGHHHHHHHH" Tapos ginulo ko ang buhok ko. Para naman akong engot nito.

"ARRRGGGGHHH!! YUURI MICHELLE BERINGER, WHY ARE YOU DRIVING ME CRAZY? BAKIT IKAW PA? MARAMI NAMANG BABAENG NAGHAHABOL SA AKIN. NAPAKARAMI KUNG CHOICES. IKAW LANG ANG TANGING BABAE NA MAPANGAHAS NA NAKAWIN ANG PUSO KO. BAKIT MO AKO GINAGANITO."

Ang addict ko ba? Wala lang trip ko lang sumigaw, wala namang makakarinig kasi ako lang mag-isa dito sa bahay.

Hindi talaga ako mapakali, parati kung tinitingnan cellphone ko, chinecheck kung nag reply ba siya o wala. Nagtitigan na nga kami ng cellphone ko. Letche, reply pa lang ni Yuu na tetense na ako, ano pa kaya sa "DATE" namin.

"Maliligo na nga lang ako." Sabi ko sa sarili ko, ganito talaga ako, kapag ako lang mag-isa, kinakausap ang sarili. Aminin niyo, ginagawa niyo rin iyan. 


I met this girl down the block from me
Used to tell myself she was too hot for me
But then I saw her at the corner store
So I ran on over just to grab the door
I got her number we started chillin (hey)
We started buzzin, we got addicted
Now I, I'm the one she can't live without
I bet that's her right now


Nang marinig kong tumunog 'yung phone ko, agad agad akong kumaripas ng takbo kahit may sabon pa ang katawan ko. Baka kasi si Yuu yun, ayaw ko siyang paghintayin.

Pero ng makita ko kung sino ang nagtext, na disappoint ako, 'yung kaklase ko lang pala nag g.GM. Seriously? Wala ba siyang magawa sa buhay niya?

"Bwesit. Lintek na GM niyan. Pahamak sa buhay."

Alam nyo yung feeling na may inaantay kang importanteng text? Tapos bigla tumunog yung phone mo, super excited ka mabasa yung reply niya sa pag.aakala na galing yun sa gusto mong tao pero GM lang pala yun galing sa bored mong kaklse.  Ang saklap dre.

After a few minutes, nag ring na naman ang cellphone ko. Hindi ko na pinansin baka kasi kaklase ko na naman iyan nag gi.GM. 


Chains of Love and Destiny [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon