CHAPTER 2 -ARE YOU TRYING TO TORMENT ME INTENTIONALLY?

279 14 7
                                    

*RRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!*

Oh my God! It's just a dream? But I thought it was real. For crying out loud, why do you keep on haunting me Sky? Why? Kailan mo ba ako patatahimikin. Ginulo mo na nga buhay ko, pati ba naman sa panaginip ko umeepal ka rin? Panira ka talaga. Psh.

"UUUUUUUUUUUUUUUUUUUURRRRRGGGGHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!."

''Anak!! Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?''

''Ahhhh hehe, wala po ma, nag vovocal excercise lang po, try niyo po napaka effective. hehehe.'' Pilit kong tawa.

''Naku naman bata ka oh, aatakehin ako sa puso sayo eh. Akala ko kung napano ka na.''

''Sorry po ma, hindi na po mauulit.''

''Sige na anak magbihis kana diyan, at baka malate ka pa sa klase mo.''

''Sige po ma, sorry po ulit.''

Hello! Yuuri Michelle Beringer here at your service. Ang babaeng mahilig sa lasagna at ice cream at wala sa vocabulary ang mag diet. 2nd year college, BS Architecture. Astig ng course ko di ba? I'm studying at the Southern Cross Academy. I really love designing house kasi feeling ko nakakagaan ng loob. Kasi para sa akin sa bahay magsisimula iyong mga pangarap mo, iyong mga masasaya at malulungkot na memories together with your family. I live with my parents, madali ko kasi silang ma miss at feeling ko kahit one week lang akong mahiwalay sa kanila mamamatay na ako. Pa minsan minsan ko lang nakikita si papa kasi pa lage siyang my business trip at sobrang busy niya sa trabaho. Pero kahit na ganun present pa rin siya during special occassions. Love ako ni papa eh, alam kasi niya na magtatampo ako kapag hindi siya nakadalo sa mga importanteng occassions sa buhay ko. At iyong address ko? Secret nalang iyon baka kasi mag.stalk kayo eh. Hehe. Pakapalan lang yan ng mukha. ^_^v

"Anak? Are you done? Kapag hindi ka pa nagmamadali tiyak malalate ka talaga. Bilisan mo nga." Pasigaw na sabi ni mama.

"Patapos na po."

***********

[7:30 a.m]

"Good morning sis. Alam mo ba ang saya-saya ko ngayon."

"Mmmmmmm." Hayyyyy,  na bobothered pa rin ako sa panaginip ko. Sign na ba ito na malapit na kaming magkita? Huwag naman po Lord, hindi pa kasi ako handa eh.O baka I'm just longing for him.

"Hoy sis? Anyare sayo, mukhang bangag ka ata?"

"Good morning class."

Salamat at dumating na si sir M at hindi na ako makukulit ni Kai'Ree. Ayoko munang makipag-usap  kasi baka iiyak nalang ako bigla. Baka sabihin pa ng iba na may sayad na ako sa utak.

Wala naman masyadong nangyari sa classroom, nag discuss lang si sir M. At ako eto hindi nakikinig, labas sa kabilang tenga iyong lahat ng discussions. Iyong atensyon ko nasa panaginip ko parin.

Haaaay Sky, ano bang meron sa iyo at hindi kita magawang kalimutan pati sa panaginip ko nandun ka pa rin. Ganito na ba kalaki ang impact mo sa buhay ko? I guess sa iyo lang umiikot ang mundo ko.

"Okey class dismiss."

[12:00 noon]

''Sis, your cousin is so damn HOT. Ilakad mo naman ako sa kanya, pahingi na rin ng mobile number atsaka iyong address ng bahay nya. Hoy!! Sis? Nakikinig ka ba sa akin?''

Chains of Love and Destiny [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon